Mga tanong para sa mag-asawa
Naalala ko pa noon, nagkakilala kami ng asawa ko dahil nasa iisang university lang kami. At bilang isang taong may say sa lahat, malaya kong nilalabas ang opinyon ko sa isang bagay. Member kami ng isang club kaya naman parati kaming nakakapag-usap este nagkakasagutan. Masasabi kong madaldal siya at may laman lahat ng sinasabi. Dahil nga lumaki akong mahilig makipag debate, nilalabanan ko siya sa lahat ng batuhan ng opinyon.
Nakakatawa man pero naging malapit kami dahil sa pag-aaway namin. Masasabi kong, ang malalim na pag-iisip namin ang naglapit sa amin. At ngayon ngang mag-asawa na kami, halos araw-araw ata nagkukwentuhan kami tungkol sa mga nangyayari sa ating mundo. Bukod rito, hindi ako natatakot na tanungin siya sa mga bagay na nais kong malaman ang kasagutan.
At dahil sa mga tanong na ito, panatag na ako at alam kong magiging mabuti siyang asawa at ama sa amin ng mga anak ko. Kaya naman narito ang mga tanong para sa mag asawa upang maging malapit sa isa’t-isa.
Mga tanong para sa mag asawa upang maging malapit sa isa’t-isa
Gaano mo kakilala ang iyong asawa?
Alam ko mommy, marami kang katanungan na gusto mong bigyan ng kasagutan ng iyong asawa. Katulad na lamang kung gaano ka niya kamahal, masaya ba siya sa iyong pagsasama o kaya naman ilan ang magiging anak ninyo.
Ang communication sa mag-asawa ay mahalagang component para maging matibay at matagal ang isang relasyon.
“The most important thing in communication is hearing what isn’t being said. The art of reading between the lines is a life long quest of the wise.” -Shannon L. Adler
Tanong sa inyong relasyon:
- Anong paborito mong memory kasama ako?
- Bakit ka na-inlove sa akin?
- Anong first impression mo sa akin?
- Sa tingin mo, ano ang pinagkaiba natin sa ibang couple?
- Ano ang kinatatakutan mong mangyari sa relasyon natin?
- Bakit mo ako mahal?
- Kailan ka naiinis sa akin?
- Anong bagay sa relasyon natin ang nakapagpapasa sa’yo?
- Paano mo i-d-describe ang relasyon natin?
- Anong bagay ang pinakagusto mong gawin kasama ako?
- Anong tanong ang nahihiya at natatakot kang itanong sa akin?
- Sa tingin mo ba, may kulang pa sa relasyon natin?
- Ano sa tingin mo ang lakas ng relasyon natin?
- Bakit sa tingin mo nag click tayo sa isa’t-isa?
- Gaano ako ka-importante sa’yo?
- Ilang anak ang gusto mo?
- Paano mo nasabing ako na ang ‘the one’ para sa’yo?
- Ano ang isang bagay na pangarap mong gawin kasama ako?
- Nagseselos ka ba sa mga lalaking kaibigan ko?
- Bakit sa tingin mo, imporante ang bonding at communication natin sa isa’t-isa?
Tanong tungkol sa life:
- Ano ang inspiration mo ngayon?
- Masaya at kuntento ka na ba ngayon?
- Ano ang greatest dream mo?
- Ano ang isang pangyayari na pinagsisihan mong gawin at nagkaroon ng malaking parte sa iyong buhay?
- Anong gagawin mo kapag isang araw, bilyonaryo ka na?
- Madali ka bang magpatawad?
- Ano ang kadalasang mong sinusunod, isip o puso?
- Isang bagay na nais mong baguhin?
- Naniniwala ka ba sa kasabihang ‘Everything happens for a reason.’?
- Ano ang gusto mong sabihin sa 10-year-old na ikaw?
- Isang bagay na hindi mo makakalimutan hanggang pagtanda?
- Isang pangyayari sa buhay mo na gustong makalimutan.
- Sa tingin mo, anong purpose mo sa buhay?
- Ano ang pinapagpasalamat mo araw-araw?
- Gaano mo kamahal ang iyong sarili?
“Let communication be the seed that you water with honest and love. So that it may produce a happy, fulfilling, and successful relationship.” -Stephan Labossiere
Source:
BASAHIN:
Masakit magsalita? 10 bagay na hindi dapat sinasabi ng mag-asawa sa isa’t-isa