Michael V at kaniyang asawa, nag-renewal of vows sa kanilang 25th anniversary

Michael V at kaniyang asawa, nag-renewal of vows sa kanilang 25th anniversary

Isang romantic beach wedding ang setting ng renewal of vows nina Michael V at ng kanyang asawa na si Carol Bunagan sa Palawan.

Isang hindi-malilimutang selebrasyon ng 25th wedding anniversary ang ipinagdiwang ng comedian-singer na si Michael V at ng kanyang asawa na si Carol Bunagan kamakailan sa exclusive luxury resort na Amanpulo sa Palawan. Ikinasal sa isang civil wedding ceremony ang dalawa noong 1994.

Ipinost ni Bitoy sa kanyang Instagram account ang renewal of vows nilang mag-asawa bilang selebrasyon sa kanilang masayang milestone.

www.instagram.com/p/Btk4d2jHF3y/

"I just remarried the woman I have loved for 25 years. Happy Anniversary @ayoito! I love you! Always have. Always will,” caption ni Michael V sa kaniyang post.

Hindi naman napigilan ni Bitoy na mag-post ng kanilang nakakatuwang welcome experience sa island—ang few simple instructions na ito:

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

? “Just A Few Very Simple Instructions” feat. Ron, our guest assistant. ? #BitoyStory

A post shared by Michael V. ?? (@michaelbitoy) on

Nagpaabot naman ng well-wishes at congratulations ang ilan sa mga kaibigan ng mag-asawa sa showbiz.

Kabilang dito ang ilan sa mga kasamahan ni Michael V sa kanyang show na Pepito Manaloto na si Manilyn Reynes at Bubble Gang co-stars na sina Chariz Solomon, Arra San Agustin, Archie Alemania at Andrea Torres.

michael v

michael v

Si Michael V, o Beethoven Bunagan sa totoong buhay, ay ikinasal sa kaniyang childhood sweetheart na si Carol sa isang civil wedding noong 1994. Sila ay ikinasal sa simbahan noong 1998 at unang nag-renewal of vows sa isang simbahan noong 2008.

Mayroon silang apat na anak: sina Milo, Yanni, Migo at Maypaul.

Last year, noong ika-20 anibersaryo ng kanilang church wedding, nagpunta ang mag-asawa sa Sapporo, Japan. Kasama nila ang isa nilang anak na si Maypaul. Ibinahagi niya ito sa kaniyang Youtube channel.

Narito ang buong video:

Congratulations, Bitoy and Carol!

 

Source: GMA News Online, ABS-CBN, Philstar

Images: Michael V Instagram account

BASAHIN: 5 ways para magtagal ang pagsasama ng mag-asawa

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner