Michael V sa birthday ng kaniyang misis: "I love you. Always have. Always will."

Michael V hindi lang ito ang unang beses na proud na ipinaalam sa publiko ang pagmamahal niya sa kaniyang misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Komedyanteng si Michael V may sweet na mensahe sa wife niya for 28 years sa naging kaarawan nito.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Michael V birthday message to his wife Carol Bunagan
  • Relasyon ni Michael V at misis na si Carol Bunagan for 28 years
  • Sikreto sa pagsasama ni Michael V at kaniyang misis

Michael V birthday message to his wife Carol Bunagan

Larawan mula sa Facebook account ni Michael V

Nagdiwang ng kaarawan kamakailan lang ang misis ng komedyanteng si Michael V na si Carol Bunagan. Syempre hindi pinalampas ni Bitoy ang araw na ito at may short but sweet message sa kaniyang misis. Sa Instagram ito ang mensahe ni Michael V sa kaniyang one and only wife.

“No matter how far we’ve gone… no matter how long we’ve been together… and no matter what we do, as long as we do it together, I hope and pray that there will always be a next time for everything. I love you. Always have. Always will.”

Ito ang caption ng Instagram post ni Michael V tampok ang larawan ng kaniyang misis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga netizens napa-hashtag goals sa post na ito ng komedyante. Dahil si Michael V at misis niya ay 28 years ng kasal at tila wala nabago sa kanilang pagtitinginan sa isa’t isa.

Sa mga nauna ng post ni Michael V ay very showy siya na maiparating ang pagmamahal sa misis. Sabi niya nga sa isa niyang IG post ay hinihiling niya na ito ang makasama sa pagbata man o pagtanda. Dito ay ibinida niya ang larawan ng misis na bagamat kita na ang mga signs of aging ay sinabi niyang walang nabago sa kaniyang pagmamahal para dito.

“Never wished to grow old and feel young with anyone but you.”

Relasyon ni Michael V at misis na si Carol Bunagan

Minsan niya ring ibinahagi ang habit nilang mag-asawa sa kung saan naipaparamdam nila sa isa’t-isa ang pagmamahal sa kakaibang paraan.

Larawan mula sa Facebook account ni Michael V

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We have this habit of sending screenshots at 1:43 pm or 1:43 am every time we get the chance. It’s like we can’t say “I LOVE YOU” enough that we try and express it in other different ways no matter how different the times are.”

“We’ll surely spend our anniversary differently today but the feeling will always be the same.”

Ito ang mensahe ni Michael V sa kaniyang misis sa wedding anniversary nila nitong nakaraang taon.

Samantala, noong kanilang 25th wedding anniversary, ay muling pinakasalan ni Michael V ang kaniyang misis. Ito ay sa pamamagitan ng isang beach wedding ceremony sa Amanpulo na ibinahagi ng komedyante sa kaniyang IG account.

“I just remarried the woman I have loved for 25 years.”

Si Michael V at misis niyang si Carol ay unang ikinasal sa pamamagitan ng civil wedding ceremony noong 2004. Sila ngayon ay may apat na anak na sina Yanni, Migo, Milo at Maypaul.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sikreto sa pagsasama ni Bitoy at kaniyang misis

Larawan mula sa Facebook account ni Michael V

Samantala, sa isang panayam ay ibinahagi ni Michael V ang sikreto sa masaya at long lasting na pagsasama nilang mag-asawa. Ayon sa kaniya may mga aspeto ng pagmamahalan ang hindi dapat mawala. Ito ay kahit matagal na o bago pa lang ang pagsasama.

“Honesty. 'Yong love talaga, yun ang kailangan, hindi puwede mawala. 'Yong aspeto ng pagmamahalan dapat andoon.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang sabi pa ni Michael V.

Dagdag pa niya, hindi rin mahalaga ang pera o iba pang material things sa isang relasyon. Sa pagsasama nilang mag-asawa sa loob ng 28 years, kontento sila sa presence ng isa’t isa.

”Ang nakita ko during the course ng pagiging family for more than 25 years eh 'yong hindi kailangan ng material things para maging masaya. The fact na magkasama kayo, ok na,” sabi pa ng komedyante.

Ang misis ni Michael V na si Carol, maliban sa pagiging supermom at wife sa kaniyang mister at apat na anak ay may mahalaga ring bahagi sa career ni Bitoy. Dahil si Carol ay ang Executive Producer ng production company nilang mag-asawa na Mic Test Entertainment. Ito ang nag-produce ng pelikula ni Michael V na Family History kamakailan lang kasama ang GMA-7.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa pang Faceboook post ay sinabi rin ng komedyante ng lahat ng tagumpay niya ay hindi naging posible kung hindi dahil sa misis niyang si Carol.

"Ito nga pala si @ayoito, ang aking SuperMisis, SuperManager at SuperMommy ng mga anak namin! S’ya ang dahilan, ang daan at ang hagdan kung pa’no ko narating ang kinalalagyan ko. Kung wala si Ayoi, wala rin si Bitoy. S’ya ang superhero ko!"