X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Michelle Madrigal umaming minsan ng naging unfaithful: “Gumanti lang naman ako.”

4 min read
Michelle Madrigal umaming minsan ng naging unfaithful: “Gumanti lang naman ako.”

Pagbabahagi ng celebrity mom, masaya siya sa bago niyang boyfriend ngayon na nakilala niya rin sa isang dating app.

Michelle Madrigal umaming minsan na ring naging unfaithful sa ex niya. Pero saad ng celebrity mom gumanti lang siya sa pananakit na ginawa sa kaniya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pag-amin ni Michelle Madrigal na naging unfaithful siya sa kaniyang ex.
  • Love life status ni Michelle Madrigal ngayon.
  • Michelle Madrigal as a mom.

Pag-amin ni Michelle Madrigal na naging unfaithful siya sa kaniyang ex

michelle madrigal ex-husband

Larawan mula sa Instagram account ni Michelle Madrigal

Sa isang vlog kasama ang kaniyang kapatid na si Ehra Madrigal ay ibinahagi ni Michelle Madrigal na minsan narin siyang naging unfaithful sa ex niya. Pero dugtong ni Michelle ginawa niya lang ito bilang pagganti sa pananakit na ginawa sa kaniya.

“I have been unfaithful, gumanti lang naman ako. Sinaktan nila ako. Sabi ko, ‘Ah, kung kaya mo, kaya ko rin.’”

Ito ang rebelasyon ni Michelle sa game na “Never Have I Ever” na nilaro nila ni Ehra.

Pagpapatuloy pa ng celebrity mom, bata pa umano siya ng nagawa niya ito. At realization niya, walang nagagawang mabuti ang paghihiganti. Wala daw itong output na maganda lalo na isang relasyon.

Matatandaang noong 2021 ay ginulat ni Michelle ang kaniyang mga fans at followers ng inanunsyo nito na hiwalay na sila ng football player niyang asawa na si Troy Woolfolk.

Ayon kay Michelle, na-realize umano nila ng dating asawa na si hindi sila compatible at walang third party na involved. Hindi rin naman daw basta lang nila sinuko ang kanilang kasal.

Sumailalim din daw sila sa counseling sa pag-asang maaayos ang pagsasama nila. Pero doon daw mas na-realize ni Michelle at ex niyang si Troy na hindi talaga sila para sa isa’t isa.

“To be fair there’s no third party on his end or on my end it was just a mutual decision to really separate. It was very amicable we were both unhappy.”

Ito ang pahayag ni Michelle noon tungkol sa paghihiwalay nila ng ex na si Troy.

Si Michelle at Troy ay may isang anak na babae na nagngangalang Anika. Siya’y limang taong gulang na ngayon. Ayon kay Michelle, maayos naman ang relasyon nila ni Troy bilang co-parents sa kanilang anak.

“We just want to be there for our daughter and it’s really important to for your kids to see that you guys are still a team no matter what the circumstances.”

Ito ang pahayag ni Michelle sa mga nauna niya ng vlog tungkol sa hiwalayan nila ng ex-husband niyang si Troy.

Love life status ni Michelle Madrigal ngayon

Nitong nakaraang taon sa Instagram ay ibinahagi ng ex ni Michelle na si Troy ang isang larawan nila na magkasama. Sa nasabing larawan ay present rin ang bagong lalaking nagpapatibok ngayon sa puso ni Michelle.

Naroon din ang anak nilang si Anika kasama pa ang dalawang batang hindi tukoy ang pagkakakilanlan. Pero base sa reports ay isa ring single parent ang bagong boyfriend ni Michelle.

Sa caption ng post nga ni Troy ay sinabi nitong magkasundo sila ni Michelle at ng bago nitong boyfriend. Kinumpirma rin nito na maayos ang co-parenting relationship nila para sa anak nilang si Anika.

michelle madrigal with ex husband and new boyfriend

Larawan mula sa Instagram account ni Troy Woolfolk

“Co-parenting at its finest.”

Ito ang caption ng IG post ni Troy.

Samantala, sa parehong vlog kung saan ni-reveal ni Michelle na minsan narin siyang naging unfaithful ay ibinahagi niya ring sa isang dating app niya nakilala ang bago niyang boyfriend. Ito ay tulad rin sa ex niyang si Troy.

Sa pagsu-shoot nga ng nasabing vlog ay kasama niya ang bagong boyfriend. Sila noon ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Pilipinas. Bagamat’ pagkukuwento pa ni Michelle, hindi naman siya basta nagde-date online at pumipili rin siya ng makakatotohanang dating app na para sa seryosohang relasyon.

michelle madrigal with new boyfriend

Michelle Madrigal as a mom

Pagdating naman sa pagiging ina, pagbabahagi ni Michelle sa parehong vlog ay strict siya sa anak na si Anika. Revealation niya pa, bagamat may kakayahan naman silang bumili ay wala daw expensive toys ang anak niyang si Anika.

Dahil si Michelle, mas gusto daw naglalaro outdoors ang anak kaysa sa nakatutok sa gadgets. Ito ang number one reason niya kung bakit walang tablet o ipad ang anak niya.

“Strict akong nanay. Kahit hirap na hirap na ako hindi ko ibibigay kaagad, easier way is to say ‘here, manood ka nalang’. It’s different when you are working and you really have to finish something.

Pero kapag sa bahay na kami lang and it’s on a weekend wala namang ibang ginagawa talagang hindi ko siya papayagan. Wala siyang masyadong expensive na things.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Michelle sa kaniyang vlog.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

michelle madrigal with daughter anika

Si Michelle ay naka-base ngayon sa Amerika at isa ng real estate agent doon.

Michelle Madrigal Vlog

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Michelle Madrigal umaming minsan ng naging unfaithful: “Gumanti lang naman ako.”
Share:
  • Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

    Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

  • Glaiza De Castro muling ikinasal sa Irish husband na si David Rainey

    Glaiza De Castro muling ikinasal sa Irish husband na si David Rainey

  • 4 yo na anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket sumailalim sa major dental operation

    4 yo na anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket sumailalim sa major dental operation

  • Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

    Ryssi Avila ipinakilala sa publiko ang kaniyang baby: “Siya talaga ang Angel ng buhay ko.”

  • Glaiza De Castro muling ikinasal sa Irish husband na si David Rainey

    Glaiza De Castro muling ikinasal sa Irish husband na si David Rainey

  • 4 yo na anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket sumailalim sa major dental operation

    4 yo na anak nina Aubrey Miles at Troy Montero na si Rocket sumailalim sa major dental operation

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.