X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Michelle Madrigal emosyonal sa pagiging ganap na US citizen

4 min read
Michelle Madrigal emosyonal sa pagiging ganap na US citizen

“I just feel like special moment. Nalungkot lang ako kasi wala ang family di ba just me”, sabi ni Michelle.

Celebrity mom na si Michelle Madrigal, naging emosyonal matapos maging ganap na US citizen.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pagiging US citizen ni Michelle Madrigal.
  • Michelle Madrigal ang her ex husband’s separation.

Michelle Madrigal ganap ng US citizen

michelle madrigal isa ng us citizen us citizen

Image from Michelle Madrigal’s Instagram account

“We did it! I am a US citizen!”

Ito ang masaya at naluluhang pag-anunsyo ng dating aktres na si Michelle Madrigal na ngayon ay isang ganap ng isang US citizen. Ang magandang balita ay ibinahagi ni Michelle sa kaniyang YouTube channel na umaming very emosyonal siya sa milestone na ito ng buhay niya.

Kuwento ni Michelle, isa sa numero unang dahilan ng pagiging emosyonal niya ay ang dahil wala siyang kasamang miyembro ng pamilya sa espesyal na moment na ito ng buhay niya.

“I just feel like special moment. Nalungkot lang ako kasi wala ang family ‘di ba? Just me.”

Ito ang sabi ni Michelle sa mismong araw ng oath taking niya bilang US citizen na ipinasilip niya sa kaniyang vlog.

Sabi pa ng naluluhang si Michelle, gustuhin man niyang makasama ang anak na si Anika ay may pasok ito noon sa school. Habang ang ina naman niya at kapatid na si Ehra Madrigal ay nasa ibang parte ng US at may trabaho.

“I am so emotional right now. I wish Anika was here. But she has to go to school and I have to go straight to work. Gusto ko lang may kasama ditong family to celebrate. But we did it, I am a US citizen!”

Ito ang nakangiting sabi ni Michelle Madrigal habang nagpupunas pa rin ng luha. Nabanggit niya rin na ang pagiging emotional niyang ito ay dahil sa mga pinagdadaanan niya sa ngayon.

Kabilang na ang bigat ng separation nila ng asawang si Troy Woolfolk. Pati na kung paano nila sinisikap na magkaroon pa rin ng maayos na relasyon para sa pag-co-coparent sa anak nilang si Anika. Si Anika ay apat na taong gulang na sa ngayon.

“With the whole thing going on like with my divorce and everything like, kapag may malalaking bagay na nangyayari. All you want to be surrounded with is your family. And all I wanted is to hug Anika paglabas ko kanina.”

Ito ang sabi pa ng dating aktres.

michelle madrigal with mom and siter ehra

Michelle Madrigal kasama ang anak na si Anika, kaniyang ina at kapatid na si Ehra Madrigal. / Image from Michelle Madrigal’s Instagram account

BASAHIN:

Michelle Madrigal confirms separation from husband: “We will always have love for each other”

Michelle Madrigal on why her marriage did not work: “We’re not really compatible at all”

Dimples Romana: “Okay lang ‘yon na magsabi ka na nahihirapan kay ngayon, na magsabi ka na kailangan mo ng tulong.”

Michelle Madrigal and ex-husband separation

Michelle Madrigal emosyonal sa pagiging ganap na US citizen

Noong Nobyembre ng nakaraang taon ay ibinahagi ni Michelle sa kaniyang vlog na nagkahiwalay na sila ng mister na si Troy. Sila ay ikinasal noong April 2019 at nagkaroon naman sila ng anak na si Anika noong October 2017.

Kuwento noon ni Michelle sa kaniyang vlog, ang compatibility nilang mag-asawa ang naging dahilan ng paghihiwalay nila. Pagbabahagi ni Michelle noon,

“To be fair there’s no third party on his end or on my end it was just a mutual decision to really separate. It was very amicable we were both unhappy.”

“I think the reason why this marriage did not work was because we weren’t really compatible at all.”

Kuwento pa ni Michelle, bagamat hiwalay na sila ni Troy ay magkasama pa rin sila noon sa iisang bahay. Ito ay para magkasama pa rin nilang mapalaki bilang magulang si Anika.

“We just want to be there for our daughter and it’s really important to for your kids to see that you guys are still a team no matter what the circumstances.”

Pero kalaunan ay kinailangan ring umalis ni Michelle sa bahay na pinagawa nila ni Troy. Bagamat mariin niyang sabi na maayos pa rin ang relasyon nilang dalawa na kanilang ginagawa para sa kapakanan ng kanilang anak.

Kaya naman payo niya sa mga mag-asawa at sa nagbabalak palang mag-asawa, siguraduhing compatible kayo ng partner mo sa isa’t isa.

“Very important of course you need to be attracted to that person and you need to be compatible. What are your non-negotiables? What are your core values? And I think some of that I ignored in the past because I was just so in love.”

Ito ang sabi pa ni Michelle.

 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Michelle Madrigal emosyonal sa pagiging ganap na US citizen
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

    LOOK! Bettina Carlos binalikan ang pagiging single mom sa anak na si Gummy

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.