Sharon Cuneta, sinabi na sa anak na adopted ito

Narito ang kwento kung paano sinabi ni Sharon Cuneta sa anak na si Miguel Pangilinan na adopted ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Miguel Pangilinan alam na adopted child siya ng kaniyang mga magulang na sina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Francis Pangilinan.

Ayon sa kuwento ng Megastar, ipinaalam niya kay Miguel ang katotohanan sa mura nitong edad dahil sa tingin niya ay mas magiging mabuti ito para sa kaniya at sa kanilang pamilya.

Miguel Pangilinan: Ang adopted child nila Sharon at Kiko Pangilinan

Sa latest vlog ni Sharon Cuneta ay sinagot niya ang tanong ng isa sa kaniyang mga fans tungkol sa adoption. Kung kailan ba ang tamang panahon na sabihin sa adopted na anak ang katotohan, dapat ba ay habang bata pa siya o kapag siya ay malaki na.

Ang naging sagot ni Sharon, “the earlier, the better.”

Dito niya na ibinahagi na sa batang edad ay alam na ng adopted child niya na si Miguel Pangilinan ang katotohanan. Ito daw ang naging desisyon niya upang wala nang maging question ang bata habang lumalaki siya.

“I decided na maliit pa si Miguel sasaabihin namin para wala ng question. Para habang lumalaki siya, alam niya na special siyang bata. Ang sabi ko sa kaniya, the lady that had you, really loved you but could not really afford to keep you. Actually, mas malalim pa dun ‘yong istorya, pero it’s not the time for that.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Sharon Cuneta’s Instagram account

Pagsasabi sa anak ng katotohanan

Naging isang malaking tanong rin daw para kay Sharon Cuneta kung kailan niya sasabihin sa anak na si Miguel ang katotohanan. Pero nakatulong ang mga karanasan ng mga kakilala niya para makabuo siya ng desisyon na hindi lang makakabuti sa anak kung hindi para rin sa buo nilang pamilya.

“Kasi mayroon akong mga friend meron ding adopted tapos hndi muna agad sinabi so lumaki yung mga bata knowing a different kind of reality. Tapos nung malaman nila na adopted sila, iba-iba ‘yong reaksyon.”

“Yung isa imbis na maging thankful, ‘yong bata parang may resentment na bakit hindi agad sinabi na ampon siya. Parang nagkaroon pa ng negative na impact. Meron naman akong kakilala na pinaalam niya sa bata nang mas maaga at ‘yong bata very grateful. At ayaw nang makilala ang true parents niya kasi para sa kaniya ito talaga ‘yong daddy at mommy ko.”

Hindi din daw naging madali para sa kaniya na sabihin sa anak na adopted ito. Pero mabuti nalang at mahusay tumiyempo ang Diyos at tinulungan siyang maipaintindi sa anak ang kanilang sitwasyon ng hindi nahihirapan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

For some reason gustong-gusto ko ‘yong Little Couple [TV show]. So we were watching the show. Then nagkataon they adopted a little boy from China, then later on, a little girl from India. Kaming lahat nanonood no’n even Miguel. He was so young, very small. “

“Then one day we were in Tagaytay, nakahiga kaming mag-ina sa kama. Nagkukuwentuhan kami. Nila-love-love ko siya. Then all of a sudden he asked me, ‘Am I adopted Mama?’ Naku, Lord please guide me! How will I answer? I was not prepared.”

“And I said, ‘Yeah, Look at Will.’ Will was the little boy in The Little Couple show. Si Will little person din na in-adopt ng Little Couple na doktora at businessman. Ang tino-tinong pamilya. So I really had to make it ‘yong alam mo parang hindi sobrang serious na conversation.”

“Sabi ko, ‘Your sisters came from my tummy. Your Ates came from my tummy. And God sent you to us.’ So ngayon kapag tinanong mo siya, who gave you to daddy and mommy? Ang sasabihin niya, ‘Jesus.’ So parang alam niya na he is a special child na special in a way that he was chosen. Not so much by us, but by God who sent him to our family when we were, when I was so ready, in particular.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagdating ni Miguel sa buhay nila

Ang pagdating daw ni Miguel sa kanilang pamilya ay isang blessing at answered prayer para sa kaniya.

Sumakto din daw ang pagdating ni Miguel sa panahong handang-handa na siya para sa isang baby boy.

“I was shooting ‘Mano Po’ and ‘yong anak ko ‘don na baby, patay na patay ako sa kaniya. I remember he’s name is Ethan. I really said, ‘Sana akin nalang tong baby.’”

“ And I was really ready for a baby boy. So when someone said there was a baby boy, sabi ko lang, that’s my son. I don’t know I just feel it was the right time. I just feel this is meant for me.”

Matagal na din daw talagang nagwi-wish ng isang baby boy si Sharon Cuneta.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa katunayan ng ipinagbubuntis niya si KC ay hiniling niya na sana ay maging boy ito. Ganoon din kay Frankie, pati kay Miel na kung saan umiyak na siya sa pag-aakalang hindi na siya magkakaroon ng anak na lalaki.

Kaya nang dumating si Miguel sa buhay niya ay parang nabuhayan siya at inisip na ito na ang hinihintay niya.

“Miguel came to us, God gave him to us when he was about 1 day old. When someone said that there was a baby and it was a baby boy, hindi na ko nag-isip ng dalawang beses. I didn’t even see a picture of the baby. Hindi ko alam kung may diperensiya siya, kung hindi sampu ang daliri niya. I didn’t even ask.”

Happiness na ibinigay ni Miguel sa kanilang pamilya

Tulad niya ay sobrang thankful din daw ang asawa ni Sharon na si Sen. Kiko Pangilinan na noong una ay tila ok lang sa ideya niyang mag-ampon pero na-in-love din kay Miguel sa pagdaan ng panahon.

“Ako talaga yung kumausap kay Kiko. And you know he was okay, but later he really fell in love with Miguel. He even sent me a message na, ‘Sweetheart, I have a son and you made this possible.'”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para nga kay Sharon Cuneta at sa buong niyang pamilya si Miguel ay ang kanilang joy at pride. Ngunit hindi naman nila itinatago ang tungkol sa totoong magulang nito na lagi niyang pinapaalala na mahal na mahal din siya.

“I always tell him na mahal siya ng biological mother niya pero hindi ko ‘kinukwento ‘yong background. Ayun ‘yong sine-save ko paglaki niya when he is able to understand the details na.”

At kahit alam daw ni Miguel na adopted siya, lagi niyang sinasabi at ‘pinaparamdam dito na hindi siya iba sa mga tunay na anak niya.

“I always tell him na he is special at pinili siya. And family doesn’t always have to be blood. The son of mine, the day when he came and I vowed to became his mother the way I feel for him is no different than my biological children. They are exactly the same.”

Para sa buong kuwento, narito ang vlog post ni Megastar Sharon Cuneta.

Basahin: Proseso ng adoption sa Pilipinas mapapadali na!