Goin Bulilit child stars at long-time partners na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz kasal na!

Tingnan dito ang mga naging larawan sa kasal nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Child stars na sina Mike Dela Cruz at Nash Aguas maraming napakilig sa wedding nila.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mika Dela Cruz at Nash Aguas wedding.
  • Relasyon nina Mika Dela at Nash Aguas.

Mika Dela Cruz at Nash Aguas wedding

Larawan mula sa Instagram account ni Mika Dela Cruz

Kung dati ay pagpapatawa ang ginagawa nina Mika Dela Cruz at Nash Aguas, nitong Sabado, May 18 ay kilig naman ang dala nila sa kanilang wedding. Dahil matapos ang halos na anim na taong pagsasama bilang boyfriend at girlfriend, sa wakas ay mas basbas na ang relasyon nilang dalawa.

Sa Instagram ay nagbahagi ang aktres na si Mika ng mga larawan sa kanilang naging kasal. Isa nga sa unang larawan na ibinahagi niya ay ang kuha ng paglalakad niya sa isle papunta sa altar kung saan naghihintay si Nash. Ito ang caption ng kaniyang post.

“Walking towards my God-sent, my Love, and my forever. #NASHakanyanasiMIKA”

Sunod-sunod rin ang pag-share ni Mika ng mga larawan at maiikiling video ng kanilang kasal ni Nash sa Instagram Stories. Isa nga rito ay ang nakakatuwang post na isang netizen tungkol sa kanilang dalawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ramdam mong matanda ka na kasi yung dating pinapanood mo sa Going Bulilit, kinasal na.”

Ito ang caption ng post ng netizen kalakip ang mga childhood photos ni Nash at Mika na magkasama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Mika Dela Cruz

Relasyon nina Mika Dela at Nash Aguas

Taong 2018 ng kumpirmahin ni Nash Aguas na si Mika Dela Cruz ay girlfriend niya na. Una silang nagsama sa TV program na Goin Bulilit sa ABS-CBN. Naging bahagi rin sila ng iba pang palabas sa TV bago tuluyang lumipat si Mika ng istasyon.

Sa kanilang naging pagpapakasal, isa ang ate ni Mika na si Angelica Dela Cruz na nag-congratulate sa dalawa at masaya sa bagong chapter na ito ng buhay nila.

“I love you both @mikadlacruz @zackwey 👰🤵‍♂️💍💜 #wedding #weddingday #love.”

Ito ang caption ng post ni Angelica kung saan tampok din ang isa sa mga official wedding photo ni Nash at Mika.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Mika Dela Cruz

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement