Teenager, umamin na minolestiya ang nakababatang kapatid na babae

Teenager, umamin na minolestiya ang nakababatang kapatid na babae

A Singapore teenager has pleaded guilty to repeatedly molesting his 12-year-old sister over the course of this year. Find out more information here.

Isang 12 taong gulang na babae ang minolestiya ng kapatid. Inamin ito ng kanyang kuya na 18 taong gulang sa korte nuong Martes, ika-3 ng Disyembre taong 2019. Kanyang inamin na ilang beses niyang minolestiya ang kapatid, at pinagawa pa ito ng mga sekswal na gawain.

Ang lalaking ay naiulat na minolestiya ang kapatid na 12 taong gulang nuong Enero ng taon na ito. Naulit ito nuong Abril nang hiningi niya sa kapatid na batiin siya kapalit ng mga K-pop na kagamitan.

Teenager, umamin na minolestiya ang nakababatang kapatid na babae

Source: iStock

Insidente ng pangmomolestiya sa bahay

rape 3-year-old

Source: file photo

Unang nangyari ang insidente nuong Enero nitong taon nang naiwan ang magkapatid na walang kasama sa bahay.

Nagpunta ang kuya sa kwarto ng kanyang kapatid para magtanong tungkol sa assignment nito. Naupo siya katabi ng babae sa kama habang nagbibigay ng tanong ang babae.

Nang minolestiya ng teenager ang kanyang kapatid sa ibabaw ng shorts nito, tumakbo palabas ang babae dahil as takot.

Nangyari ulit ang pangmomolestya as sumunod na buwan nang lumipat ng bahay ang kanilang pamilya.

Dito ay sa isang kwarto lamang natutulog ang magkapatid. Ang babae ay sa kama natutulog habang ang kanyang kuya ay sa pull-out bed naman.

Sa kanilang pagtatalo sa kung anong papanoorin sa TV, biglang binuhat ng kuya ang kapatid at dinala sa kwarto.

Dito sinimulan ng kuya ang pangmomolestya kahit nakadamit ang babae at nagsisigaw.

Nangako ang teenager ng BTS na kagamitan kapalit ng sekswal na gawain

Ang huling pangyayari ay nuong ika-15 ng Abril nang pumasok ang babae kwarto kung saan ang kanyang kuya ay nagbabati.

Nang makita ito, dali-daling sinara ng babae ang pintuan at nagpunta sa sala. Subalit, sinundan siya ng kanyang kuya at kinulit siya na batiin niya ang binata.

Kapalit nito, nangako siya na bibilhan ng mga kagamitan mula sa Korean pop group na BTS.

Dahil sa galit sa mga ginagawa ng kanyang kuya, nagsampa ng police report ang babae nuong ika-24 ng Abril. Dito niya ini-report ang pangmomolestya ng kanyang kuya.

Prosekusyon isinasaalang-alang ang reformative training

Teenager, umamin na minolestiya ang nakababatang kapatid na babae

Source: iStock

Binigyang pansin ni Deputy Public Prosecutor Ryan Lim na ang teenager ay ‘paulit-ulit sa kanyang mga ginawa’. Ito ay sa kabila ng pagtanggi ng kanyang kapatid na makilahok sa sekswal na aktibidad.

Base dito, isinaalang-alang ng prosecutir ang posibilidad ng reformative training. Ito ay masmalalang parusa kumpara sa probation na kadalasang binibigay sa mga nagkakasalang wala pang 21 taong gulang.

Nanghihingi ang judge ng reports para makita ang kaangkopan ng teenager sa probation at reformative training.

Muling babalik ang teenager sa korte sa ika-10 ng Disyembre taong 2019 para sa pagtanggap ng sentensya.

Source: theAsianparent Singapore

Basahin: 12-anyos na batang lalaki, ginahasa ang kapatid na babae dahil sa video games

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Article Stories
app info
get app banner