7 mistakes kaya nasisira ang communication ng mag-asawa

Ano nga ba ang mga dapat pag-usapan ng mag-asawa tungkol sa mistakes ng communication sa kanilang relasyon?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napapansin mo bang maraming beses nang hindi kayo nagkakasundo ng iyong asawa? Mas dumadalas na ang pagbabangayan kahit sa simpleng bagay?

Baka ginagawa niyo rin ang ilan sa mga mistakes kaya nasisira ang communication ng mag-asawa! Alamin ang mga mali sa pakikipagkomunikasyon sa partner sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • 7 mistakes kaya nasisira ang communication ng mag-asawa
  • Tips para maiwasan ang pag-aaway ninyo ni partner

7 mistakes kaya nasisira ang communication ng mag-asawa

Maraming beses na nagiging dahilan sa pag-aaway ng mag-asawa ay ang miscommunication. Sa tuwing hindi nagkakaunawaan o kaya hindi pinag-uusapan nang mabuti ang mga bagay ay mauuwi sa bangayan.

Malaking factor kasi para sa healthy relationship ang communication. Dahil napag-uusapan ninyo ang mga bagay lalo ang mga hindi pagkakaunawaan.

May mga pagtatalong simpleng bagay lang naman. Pero dahil hindi maayos na napag-uusapan ay lumalaki pa nang lumalaki. Doon minsan nagkakaroon ng miscommunication sa mag-asawa.

Balikan ang ilan sa pagtatalo ninyo ng asawa, tignan sa mga mistakes na nakalista sa baba kung pareho niyo itong nagagawa sa isa’t isa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Hindi nire-recognize ang partner.

Maraming mag-asawa ang ginagawa ito sa isa’t isa. Parehong hindi willing na i-recognize kung ano ang nangyayari sa sarili at sa kanilang partner.

Nawawala ang capability na makinig at unawain ang pinagmumulan ng bawat isa. Kumbaga nagiging “me, me, me” in short individualistic na ang approach at inuuna na ang makabubuti lang sa sarili at hindi sa relasyon.

Miscommunication sa mag-asawa. | Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Nakikinig pero may judgement.

Kadalasang sinasabi na nakikinig naman sila sa kanilang partner for the sake na malamang marunong din sila umunawa. Pero kung minsan ito ay kabaligtaran, dahil nakikinig nga pero mayroon na kaagad na judgement.

Iniisip na siya ay nag-e-exaggerate na naman ng mga bagay-bagay. Ibig sabihin kahit pa sinasabing handang makinig ay sarado pa rin para sa kung anong mga nais ibigay na saloobin ng asawa. Wala ring pagkakaunawaan magaganap talaga.

3. Hinahanap palagi ang pagkakaiba ng opinyon.

Sa tuwing may usapan, parating hinahanapan ng bagay na hindi pagsasang-ayunan. Ito ang kadalasang dahilan kaya napupunta sa pagtatalo. Dito nagbabanggaan ang dalawang ideya na magkaiba kaya lalong napapalayo ang loob sa isa’t isa.

4. Sarado ang puso at isipan.

Hindi hinahanap kung saang parte maaaring magsalubong ang mga opinyon. Sinasara kaagad ang ideya na pwede pang magkasundo sa partikular na usapin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag sarado na ang puso at isipan, sarado na rin ang tyansang magkasundo dahil parehong hindi sumusubok na intindihin kung bakit parehong nauwi sa ganoong sitwasyon.

5. Kinakalimutang buuin ang mutually-agreed attitudes at beliefs.

Hindi tinatandaan na dapat ang mga kaugalian at paniniwala ay parehong kailangang galangin kahit pa mag-asawa na. Hindi na kinokonsider na ang bawat isa ay parehong may flexible transformation at pwedeng magkasundo pa rin.

Miscommunication sa mag-asawa. | Larawan mula sa Shutterstock

6. Ayaw baguhin ang goal.

Napupunta sa puntong hindi na nagwo-work as a team. Kung parehong may magkaibang goals na marami na rin ang pagkakaiba ng opinyon at pagtingin sa buhay. Kapag ganito na, napupunta sa puntong hindi na nagwo-work as magkarelasyon kundi parehong magkaibang tao na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

3 tips para sa mga mag-asawa para madagdan ng spice ang pagtatalik

8 na sikreto para isang matagal at masayang pagsasama ng mag-asawa ayon sa eksperto

Madalas mag-argue? Mabuti ‘yan para sa inyong relasyon, ayon sa expert

7. Sarado sa diversity.

Palaging threatened sa partner kung sakaling siya ay nag-e-explore ng mga bagay. Sinasara kaagad ang isip para sa rational thinking tunkol sa usapin ng relasyon.

Mahalagang isipin ng mag-asawa na, “the only constant thing in the world is change”. Kung parehong ayaw na nag-eexplore sa mga bagong kaisipan ay pareho ring hindi magogrow.

15 tips para maiwasan ang pag-aaway ninyo ni partner

Imposible naman talagang hindi mag-away ang mag-asawa, pero posibleng bawasan ito. Dahil sa nalaman na natin ang ilan sa mga karinawang mistakes sa communication sa iyong asawa, inilista naman namin ang ilang tips para maiwasan ito.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. I-practice palagi ang mag-evaluate ng mga pangyayari.
  2. I-assessed ang bawat away.
  3. Matutong magsabi ng thank you at sorry parati.
  4. Alamin ang nangyayari sa iyong partner kung usapin ng mental o emosyonal pa man ‘yan.
  5. Hangga’t maaari iwasan ang pagtaas ng boses.
  6. Maaaring mag-agree to disagree pero dapat ay may pag-iingat at pagtanggap.
  7. Ilagay ang sarili sa kanilang pwesto.
  8. Kung malala ang emosyon huwag ipilit na pag-usapan.
  9. Ikalma ang sarili sa pakikipag-usap.
  10. Matutong magpatawad. 
  11. Tignan kung ano-ano ang may pagkakapareho kayo kaysa sa pagkakaiba ng opinyon.
  12. Isaalang-alang parati ang feelings at state of mind ng iyong asawa.
  13. Iwasan ang parating dominante sa usapan.
  14. Mag-explore at mag-discover together.
  15. Matutong magparaya rin sa mga usapin.

Ilan lamang ito sa maaaring i-consider para sa inyong relasyon. Kung sakaling lumalala na ang pag-aaway at naapektuhan na ang maraming bagay mas mainam na kumonsulta sa mga propersyunal.

 

Sinulat ni

Ange Villanueva