Paano mo maipaparamdam sa iyong misis na hindi mo siya bina-balewala?

Makinig kayo nga mister. Ang pagpasok sa isang relasyon ay paulit ulit na pagpapala sa inyong mga misis na sila ay minamahal. Narito ang mga paraan kung paano ito gawin...

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Matapos kayong ikasal, ang mga mag-asawa madalas ay nasasanay sa mga pang-araw araw na gawain. Nabubuo ang tinatawag na comfort zone. Ngunit kung kayo ay hindi maingat, maaari itong maging “too comfortable” kung saan nalilimutan n’yo na na ang isang masayang pagsasama ay nangangailangan ng ibayong pagsisikap.

Kahit hindi kasing expressive ang mga lalaki sa kanilang mga damdamin, hindi nangangahulugan ito na sila ay walang nararamdaman. Mayroon silang mga damdamin, ngunit sa ibang paraan nila ito ipinakikita (madalas sa mga paraang hindi halata) kaya naman hindi madali para sa mga babae na maramdaman na sila ay kanilang pinahahalagahan tulad ng sa panimula ng kanilang relasyon.

Kahit hindi ito ang inyong ibig sabihin o gawin, minsan ang inyong pananalita o kaya naman ay mga kilos ay nakakapagparamdam sa inyong mga misis na sila ay hindi na mahalaga sa inyong buhay. Hindi ito nangyayari sa magdamag ayon isa isang marriage therapist na si Frank Gunzburg Ph. D. Ang kanyang payo ay ituring ang inyong asawa bilang inyong best friend, habang sabay ninyong pinagtutuunan ng pansin na alisin sa misis niyo yung feeling na hindi sila importante sa’yo. Mahalaga rin aniya na isantabi ang mga negatibong pag-iisip at mga frustrations.

Narito ang 8 paraan kung paano n’yo maipapadama sa inyong mga misis na sila ay labis n’yo pinahahalagahan.

Kapag siya ay nagrereklamo, making

Huwag kayong makisabat. Hayaan silang magsalita at ilabas ang kanilang ikinaiinis dahil kailangan lang n’ya kayong makinig.

Huwag ipagwalang bahala ang mga bagay na kanyang ikinagagalit o ikinalulungkot

Kahit pa hindi mahalaga para sa inyo ang isang bagay na mahalaga para sa kanya, hindi ibig sabihin nito na dapat n’yo na itong ipagsawalang bahala. Sa halip, hikayatin n’yo silang sabihin kung ano ang mga bagay na nakakapagpagalit o nakakapagpalungkot sa kanila habang sinisiguro sa kanila na kayo ay nariyan laman sa kanilang tabi para sa kahit anong pangangailangan nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

photo: shutterstock

Huwag silang agarang alukin ng solusyon o ayusin ang problema

Walang nagnanais na makitang nahihirapan ang kanilang mahal sa buhay, ngunit kapag agaran nating binigyang solusyon ang kanilang problema bago pa man natin ito maunawaan, maaring sila ay lalong mainis o malungkot. Minsan, hindi agarang kailangan ng mga misis ang solusyon sa problema kundi muli, nais lang nila na sila ay pakinggan. Matapos ito, suportahan sila at intayin na humingi sila ng tulong sa inyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kamustahin ang kanilang araw

Ang pagnanais na mapakinggan ay hindi nawaala kahit pa sa mga magagandang araw. Minsan, kahit walang masyadong nangyari, ang pagtatanong sa inyong misis kung kumusta ang kanilang maghapon ay tunay na nakapagpapagaan ng kanilang pakiramdam. Maging specific rin sa mga tanong para mahikayat silang makahipagtalastasan.

Humingi ng payo sa kanila

Ang pagtatanong ng kanilang payo ay nakakapag paramdam sa kanila na pinahahalagahan n’yo ang kanilang opinyon.

Sabihan sila bago magsimulang magplano

Hindi ibig sabihin nito na humingi kayo ng pahintulot kahit sa maliliit na bagay. Ibig sabihin lamang nito ay iparamdam sa kanila na ipinapaalam n’yo sa kanya ang inyong mga balak – simple man o importanteng plano ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tulungang mabawasan ang kanilang mga dinadala

Ang pagiging maalalahanin sa mga bagay tulad ng gastusin o kaya naman ay sa mga gawaing bahay ay magpaparamdam sa kanila na sila ay inyong inaalagaan. Siguradong maraming misis ang sasang-ayon na minsan, mas romantiko pa ang pagsasabing tutulungan n’yo sila sa gawaing bahay kaysa sa iba pag mga uri ng paglalambing.

Pagsikaping maging romantiko o malambing

Iparamdam sa kanila ang inyong pagmamahal sa pamamagitan ng mga romantikong mga bagay at gestures. Paminsan-minsan, yayain sila na mag-date o kaya naman ay pakitaan sila ng mga grand gestures. Huwag itong ipagsawalang bahala dahil ang paggawa ng mga bagay na ito para sa inyong mga misis kahit pa kayo ay matagal nang nagsasama ay isang napakagandang paalala at pangako na sila ay habambuhay ninyong mamahalin.

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na isinulat ni Bianchi Mendoza

BASAHIN: Mga salita na kailangan nating marinig mula sa ating asawa

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Bianchi Mendoza