REAL STORIES: Misis nabiyudad 19-days matapos maikasal: “Kung may rewind nga lang po talaga ang buhay. Siya’t siya pa rin.”

Ang mister niya nasawi isang araw matapos ang Valentine’s Day.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Misis nabiyuda 19 araw matapos silang maikasal ng mister niya. Hiling niya sana may rewind talaga sa totoong buhay.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Misis na nabiyuda 19 days matapos maikasal.
  • Hiling ng misis.

Misis na nabiyuda 19 days matapos maikasal

Larawan mula sa Facebook account ni Gemma Villamar

Isa ka rin ba sa napaiyak ng pelikulang “Rewind” ng mag-asawang sina Marian Rivera at Dingdong Dantes? Kung oo, ay siguradong maantig din ang puso mo ng kuwento ng misis na ito na nabiyuda 19 days matapos lang silang maikasal ng mister niya. Ito ang kuwento ng 27-anyos na si Gemma Villamar na namatayan ng mister dalawang araw matapos ang Valentine’s Day.

Pagkukuwento ni Gemma, kakasal lang nila ng mister niyang si Japs Enero noong nakaraang taon. Noon Pebrero 2023, Valentine’s day sana ang unang selebrasyon nila ng araw ng mga puso bilang mag-asawa. Pero hindi sila nakalabas ni Japs dahil sa masakit ang likuran niya. Naisip niya naman sanang bumawi at sorpresahin ang asawa. Pero hindi niya akalain na huli na pala ang lahat.

“Ako yung na-surprise. Tumawag lang po yung best friend ko. Sabi niya naaksidente daw si Japs. Tinatawagan ko po yung cellphone niya, nung una hindi sumasagot, nag-worry ako nung sumagot dahil hindi po siya.”

Ito ang pagkukuwento ni Gemma.

Larawan mula sa Facebook account ni Gemma Villamar

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hiling ng misis

Pagpapatuloy niya, nadala pa nila sa ospital ang mister niya. Pero sadyang hindi na talaga kinaya ng katawan niya ang brain injury na inabot nila dahil sa aksidente. Kaya naman kahit mahirap ay tinanggap na ni Gemma ang katotohanan na hindi na magtatagal ang buhay ng mister niya.

“Sabi ng doctor, kung ilalaban daw po. Sabi ko, oo. Parang three or four times po siya na tinatry i-revive pero wala. Sabi ko, kahit masakit pero itigil ko na.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Gemma.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa karanasan, may hiling sana si Gemma. Alam niyang imposible pero ganito daw niya kamahal ang mister niya.

“Sa loob ng 19 days, dun ko lang naranasan maging asawa. Never kaming naka-experience ng monthsary bilang mag-asawa. Kung may rewind nga lang po talaga ang buhay. Siya’t siya pa rin. Sobrang mahal ko po talaga.”

Ito ang sabi pa ni Gemma.

Larawan mula sa Facebook account ni Gemma Villamar

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement