Kilalanin ang ina ni Miss Philippines Earth 2020 Roxanne Baeyens na isang environmentalist

Kahapon, July 5 ay ginanap ang kauna-unahang virtual coronation ng Miss Philippines Earth 2020 na kung saan isang Fil-Belgian beauty mula sa Baguio ang nagwagi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sino nga ba si Miss Philippines Earth 2020 Roxanne Baeyens. At sino ang kaniyang naging inspirasyon sa kaniyang piniling adbokasiya.

Miss Philippines Earth 2020

Kahapon July 5 ay na-koronahan bilang pinakabagong Miss Philippines Earth 2020 si Roxanne Allison Baeyens. Siya ay isang 23-year-old Filipino-Belgian beauty na nagmula sa Baguio City.

Image from Roxanne Baeyen’s IG account

Si Roxanne ay nakoronahan kahapon sa pamamagitan ng isang virtual coronation event na itinelecast sa GMA 7. Ang naganap na event ang kauna-unahang pageant na ginanap online na kung saan ang mga kandidata nito ay nasa iba’t-ibang remote na lugar sa bansa. Sa kani-kanilang bahay rin nila sila rumampa. Habang ang mga judges ay bumoto habang nasa comfort rin ng mga bahay nila.

Maliban sa pagkakapanalo sa korona, si Roxanne ay nanguna rin sa poll ng mga media at kinilalang “Darling of the Press”. Natanggap niya rin ang “Best in Eco Video” award na nagtatampok ng kaniyang adbokasiya at tema ng ginanap na pageant ngayong taon.

Pero sino nga si Miss Philippines Earth 2020 Roxanne Baeyens? At ano ang kaniyang adbokasiya upang mapili na bagong magdadala ng korona ng isa sa pinaka-prestihiyosong beauty pageant sa bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Miss Philippines Earth

Sino si Miss Philippines Earth 2020 Roxanne Baeyens?

Hindi ito ang unang pagkakataon na nabigyang pagkilala ang kagandahan ni Miss Philippines Earth 2020 Roxanne Baeyens. Dahil bago pa man sumali sa naganap na kompetisyon ay nanalo narin siya bilang Face of Tourism Philippines noong 2019. Gamit ang titulo ay nirepresenta niya ang Pilipinas sa Miss Tourism Culture Universe 2019 sa Myanmar na kung saan nanalo siya ng 1st runner up.

Image from Roxanne Baeyen’s IG account

Si Roxanne ay isang Tourism Management graduate mula sa St. Louis University, Baguio City. Siya ay may taas na 5 feet at 4 inches at may vital statistics na 33, 25 at 35.

Base sa kaniyang Ms. Philippines Earth Bio si Roxanne ay isang artist. Sa kasalukuyan siya nga ay nasa pangangalaga ng management na naghahandle rin kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“As an actress, commercial model, ballerina, and theater artist, I already had a lot of opportunities to inspire and touch a lot of people’s lives. At first, I was happy enough providing entertainment and happiness with my passion. But as time goes by, you realize you want to find more purpose in what you do.”

Ito ang ilan sa mga linyang nabanggit ni Roxanne sa kaniyang Eco-Video. Sa katunayan, bago pa man sumali sa Miss Earth ay may ilang commercials naring nagawa si Roxanne sa telebisyon.

Ang inspirasyon ni Miss Philippines Earth 2020

Pero kung may dahilan nga daw kung bakit sumali at nais ni Roxanne na kilalanin bilang Miss Earth ay ang kaniyang pagmamahal sa kalikasan. Isang bagay na natutunan at nakalakihan niya ng dahil sa environmentalist na ina.

“I want to be the Miss Philippines Earth 2020 because all my life, I was a witness of my mom being an environmentalist and I wanted to continue the legacy in my family and be the change I want to see in the world.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito naman ang mga pahayag ni Roxanne na tampok sa kaniyang Miss Philippines Earth Bio.

Ang environmentalist na ina ni Roxanne

Ang kaniyang ina ay si Julia Agnaonao isang real estate broker na nagmula sa Catengan, Besao, Mountain Province. Para sa kaniya, ito nga daw ang kaniyang Eco-Queen. Dahil ito ang kaniyang naging inspirasyon at nagturo sa kaniyang magmahal sa kalikasan. Sa katunayan, sa edad na anim ay unang nakapagtanim si Roxanne ng kaniyang unang puno sa gabay ng kaniyang ina.

Kaya naman, pagtatanim ang napili niyang adbokasiya at nais niyang hikayatin ang bawat isa sa atin na ito ay gawin.

“My environmental advocacy is urban gardening because the cities are no longer green and we have to start making changes and start planting.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang pahayag pa ni Roxanne. Mas ipinagdiinan niya nga ang adbokasiya niyang ito sa final Q&A ng kompetisyon.

Final Q&A kay Miss Philippines Earth 2020

Narito ang naging tanong kay Roxanne ng mga hurado at ito ang isinagot niya.

Tanong: What important quality should a leader display amidst a pandemic?”

Sagot ni Roxanne:

“A leader should display having a green thumb because at this point in time we have a shortage in food supply so it’s important to open the eyes of people to embrace having a sustainable life to start urban agriculture at their own homes after all a green life is a better life and I hope the leader will give that to us.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Roxanne ay bahagi rin ng ilang organisasyon na nagpropromote ng animal welfare, HIV/AIDS awareness at iba pang charity projects.

Nito nga lang nagdaang lockdown ay nanguna siya sa pagpapakain ng mga palaboy  na aso’t pusa. Ang kaniyang aksyon at small feeding drive ay tinawag niyang STRAY-t From the Heart.

Masaya at makulay rin ang lovelife ni Roxanne. Dahil siya ay in a relationship sa basketball player na si Darius Duane Estrella na mula sa Jose Rizal University.

 

Source:

Manila Bulletin, Baguio Herald, GMA News, Rappler

Basahin:

Fact Check: Mayroon nga bang paniki na ksing laki ng tao?