Miss Universe Philippines 2020 crown nauwi ni Ms. Iloilo Rabiya Mateo!
Ms. Iloilo Rabiya Mateo as the new Miss Universe Philippines 2020
Sa higit ng 40 magagandang kababaihan mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, nangibabaw ang ganda ni Ms. Iloilo Rabiya Mateo. Siya ang kinoronahan Miss Universe Philippines 2020. Ang coronation night ay ginanap alas-9:00 ngayong umaga na live na ipinalabas sa GMA 7.
Bago pa man ang Miss Universe Philippines 2020 coronation night isa na si Rabiya Mateo, 23-anyos sa favorite bet ng marami na mananalo sa kompetisyon. Ito’y dahil sa kaniyang ganda at sa husay sa pagsagot. Puring-puri rin ang kaniyang kaseksihan at kinilala siyang “Best in Swimsuit” sa naturang kompetisyon.
Si Rabiya ay isang physical therapist at nagtapos ng cum mula sa Iloilo Doctors’ College.
Ngayong taon may dalawang tanong na sinagot ang mga kandidatang pumasok sa top 5 ng beauty pageant.
Rabiya’s winning answer
Ang unang tanong kay Rabiya ay kung sino ang naiisip niyang dapat ilagay na mukha ng isang Pilipino kung sakaling gagawa ng bagong paper currency ang Pilipinas. Ang naging sagot ni Rabiya ay ang namayapa ng senador na si Miriam Defensor Santiago.
Question:
“If you could create a new paper currency with the image of any Filipino on it, dead or alive, who would it be, and why?”
Rabiya’s Answer:
“If I were given the chance, I would want to use the face of Miriam Defensor-Santiago. For those who don’t know, she was an Ilongga. But what I admire about her is that she used her knowledge, her voice to serve the country. And I want to be somebody like her, somebody who puts her heart, her passion into action, and after all, she is the best president that we never had.”
Ang sunod na tanong kay Rabiya ay tungkol sa kung ano ang stand ng mga pageants tulad ng Miss Universe Philippines sa gitna ng pandemic na ating nararanasan. Ang tanong na ito ay itinanong din sa iba pang kandidata na pasok sa top 5 ng kompetisyon na sina Ms. Cavite, Parañaque, Bohol at Quezon City.
Question:
“This pandemic has made clear our priorities, essential and non-essential. Where do pageants stand in this time of crisis?”
Rabiya’s Answer:
“As a candidate I know I’m not just the face of Iloilo City, but I am here carrying hope and as a symbol of light in the darkest times, and as of the moment, I want to help my community, I want to use my strength to make an impact, and that is the essence of beauty pageants, it gives us the power to make a difference.”
Ito ang sagot na naging daan upang mapanalunan ni Rabiya ang korona.
Rabina as the 1st Miss Universe Philippines titlist under the new pageant organization
Si Rabina ang kauna-unahang Miss Universe Philippines titlist sa ilalim ng bagong pageant organization na pinamumunuan ng former Bb. Pilipinas titleholder and Miss Universe candidate na si Shamcey Supsup.
Siya’y kinoronahan ni Binibining Pilipinas 2019 Gazini Ganados ng bagong unveiled na Filipina crown.
Highlights of Miss Universe Philippines 2020
Ang nanalo ng 1st runner-up sa kompetisyon ay si Maria Ysabella “Bella” Ysmael mula sa Parañaque. Nasungkit naman ang 2nd runner-up ni Ms. Quezon City Michele Gumabao mula sa Quezon City. Si Ms. Bohol Pauline Amelinckx ay itinanghal na 3rd runner-up at 4th runner-up naman si Ms. Cavite Kimberly “Billie” Hakenson.
Ang mga nabanggit ay ang mga bet ng karamihan na mananalo sa pageant ngayong taon. Tulad na nga lang ng ballerina na si Ms. Parañaque Ysabella “Bella” Roxas Ysmael na pamangkin ni Miss Universe 1973 Margie Moran. Dahil sa kaniyang grace at sophistication si Ysmael ay kinilala bilang “Best in Evening Gown” sa ginanap na kompetisyon.
Naging matunog din ang pangalan ni Ms. Quezon City Michelle Gumabao sa ginanap na beauty pageant. Dahil maliban sa pagiging kilalang athlete at model ay pinatunayan ni Gumabao na may ibubuga rin siya sa public speaking. Ang disiplina niya bilang isang athlete ay makikita sa hubog at fit ng kaniyang katawan.
Favorites and the prominent candidates
Isa rin sa gumawa ng ingay sa Miss Universe Philippines ngayong taon ay ang flight attendant na si Ms. Cavite Kimberly “Billie” Hakenson. Ito ay dahil sa proud na pag-amin niya bilang isang bisexual sa ginawang kompetisyon.
Ayon pa kay Hakenson, ang kaniyang Ms. Universe Philippines journey niya ay para sa bawat tao na na-discriminate at na-dehumanized dahil sa kanilang gender identity o sexual orientation. Hinikayat niya rin ang mga ito na huwag mahiya at sa halip ay mabuhayan ng loob. Dahil para kay Hakenson, hindi ang kanilang gender identity ang nag-dedefine kung sino sila bilang isang tao.
“This journey is dedicated to every single person who has been pigeonholed, discriminated, or dehumanized for their gender identity, gender expression, or sexual orientation. May we no longer be silenced by fear, but empowered by our truth and the support of our allies.”
Ito ang pahayag pa ni Hakenson.
Favorite din ng karamihan si Miss Bohol Pauline Amelinckx dahil sa kaniyang husay sa pagsagot na may passion at conviction. Siya rin ang binigyan ng “Most Beautiful Face Award” sa kompetisyon ngayong taon. Kinilala rin siya bilang Miss Creamsilk, Miss Downy Sweetheart, at Miss Cetaphil Sun.
Ms. Universe Philippines 2020 other winners
Wagi naman bilang Ms. Photogenic si Ms. Cebu Tracy Maureen Perez. Best in National Costume naman si Lou Dominique Piczon mula sa Mandaue Province. Habang kinilala naman bilang Miss MG Philippines ang athlete at Ms, Quezon City candicate na si Michelle Gumabao.
Ang preliminary judging panel sa ginanap na Miss Universe Philippines competition ngayong taon ay binubuo nina MU 2010 4th Runner-up Maria Venus Raj, MU 2013 3rd Runner-up Ariella Arida at MU 2014 Semifinalist MJ Lastimosa. Kasama rin nila sina Katrina Salonga-Versoza, Jackie Aquino, Neil Perez, at Sam Versoza.
Samantala para sa final at coronation night, kabilang sa mga judge sina Presidential Spokesperson Harry Roque at ACT-CIS Representative Eric Yap. Ganoon rin ang IPG Mediabrands Philippines CEO na si Venus Navalta, Baguio first lady Arlene Magalong, Procter & Gamble group director for media na si Arthur Peña, at si Raymond delos Santos.
Ang Miss Universe Philippines 2020 coronation night ay ginanap sa Baguio Country Club sa Baguio City.
Source:
Missology, Rappler, GMA News
BASAHIN:
Look your best in every virtual work call with these beauty tweaks
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!