Kapag naiisip ng mga tao ang pinaka-exciting na sex positions ay siguradong hindi dito kasama ang missionary position. Siguro dahil ito na ang pinaka-“basic” na posisyon, at ito rin ang pinakamadalas na ginagawang sex position ng mga mag-asawa.
Pero alam niyo ba na hindi naman kailangan maging boring o tipikal ang ganitong posisyon? Mayroon kaming ilang mga tips na siguradong gagawing mas exciting ang sex life ninyong mag-asawa!
Posible bang gawing mas exciting ang missionary position?
Heto ang ilang mga tips para maging mas exciting ang sex life ninyong mag-asawa:

1. Wag kalimutan ang foreplay
Nakakatulong ang foreplay para mag-init muna kayong dalawa ni mister bago makipag-sex. Inihahanda rin nito ang katawan para makipagsex, at nagiging mas masarap ang pakikipagtalik kapag may foreplay.
2. I-stimulate ang boobs
Para sa ilang kababaihan, erogenous zone ang kanilang dibdib. Ibig sabihin, kapag ito ay nahahawakan, nagbibigay ito ng dagdag na stimulation, lalo na sa sex.
Kaya’t subukang i-stimulate ang iyong dibdib, o kaya sabihin mo sa iyong asawa na i-stimulate ito para maging mas exciting ang sex life ninyo ni mister.
3. Subukan ang oral sex
Bukod sa foreplay, nakakatulong din ang oral sex para maging mas exciting ang pakikipagtalik, kahit na missionary position ang inyong ginagawa.
4. Gumamit ng sex toys
Kung medyo adventurous kayong dalawa ni mister, puwede kayong gumamit ng mga sex toys tulad ng vibrator para may dagdag na stimulation sa inyong dalawa.
5. Higaan mo ang dibdib ng iyong asawa
Magiging mas exciting ang sex para sa inyong dalawa dahil bukod sa stimulation na nakukuha kapag magkadikit ang inyong katawan, magbabago rin ang posisyon ng pagpasok ni mister, at may dagdag na stimulation din sa iyong clitoris.
6. Huwag magmadali
Tandaan, hindi dapat magmadali! Magiging mas sensual ang missionary position kung dahan-dahan itong gawin, at hindi kayo nagmamadaling matapos ni mister.
7. Sumubok ng ibang variation
Maraming variations ang missionary position. Bakit hindi subukan ang ibang mga variations na ito, tulad ng cross-booty position, purring kitty, at shoot the moon. Siguradong magiging mas masaya ang sex life ninyo ni mister!
Source: Women’s Health
Basahin: 9 na tip para maging mas masarap ang ‘doggy style’ na sex position
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!