Misis: "Nahuli ko ang asawa ko na nanunood ng porn, gay porn!"

Misis: "Nahuli ko ang asawa ko na nanunood ng porn, gay porn!"

Marami pa rin mga bagay na malalaman niyo kahit kasal na kayo ni mister. Paano kung natuklasan mong si mister ay nanunuod ng gay porn, anong gagawin mo?

Marami pa rin talagang mga bagay na matutuklasan ninyo sa isa’t isa ni mister kahit na kasal na kayo. Paano kung natuklasan mong si mister ay nanunuod ng gay porn, anong gagawin mo?

mister-nanunuod-ng-gay-porn

Mister Huling Nanunuod Ng Gay Porn, Ano Ang Dapat Gawin? Image from freepik

May isang concern anonymous na misis ang nagtanong sa community ng theAsianparent Philippines. Tinanong niya kung anong dapat niyang gawin dahil nahuli niya sa history ng cellphone ng kanyang mister ang boy to boy na porn video.

mister-nanunuod-ng-gay-porn

Mister Huling Nanunuod Ng Gay Porn, Ano Ang Dapat Gawin? Screenshot from theAsianparent community

Paano nga ba malalaman kung may ibang hanap si mister?

Ang totoo wala naman talagang standard na criteria para malaman kung bakla nga si mister. Masama rin kasi ang magtamang hinala. Kung matagal na kayo ng inyong asawa sigurado naman akong mararamdam ninyo kung hindi na kayo ang hanap niya.

Maaaring magbago ang pakikitungo niya sa inyo. Madalang na kayong magtalik o madalang na siyang maglambing sa inyo.

Ang pinakamainam na paraan ay kausapin ninyo si mister patungkol sa kanyang pakikitungo.

Sa tanong ng anonymous mom sa theAsianparent community maaaring ang paliwanag ni Dr. Robert Weis isang psychologist. Tungkol sa mga lalaking may heterosexual relationship ay sexual din sa ibang lalaki.

There are many reasons why a man in a relationship with a woman might choose to act out sexually with members of the same sex.”

mister-nanunuod-ng-gay-porn

Mister Huling Nanunuod Ng Gay Porn, Ano Ang Dapat Gawin? Image from freepik

  • Maaaring physically attracted na talaga si mister sa kapwa niya lalaki aminin niya man ito o hindi. Pwedeng siya ay bakla talaga at ginagamit lang ang kanyang bilang pagtatago sa kanyang identity.
  • Baka naman siya’y isang bisexual, parehas na naa-attract sa babae at lalaki.
  • Pwede rin namang may trauma siyang naranasan sa kanyang early life. Pwede rin daw ayon kay Dr. Weis dahil sa trauma na ito kaya nakakaroon siya ng mga ganitong fetish-type behavior. Maaaring sexually abused siya. Pero hindi naman niya gusto maging romantically involved sa ibang lalaki.
  • Maaaring ginagamit niya ang pornography para i-uncover ang kanyang natatagong sexual desire sa kapwa lalaki.

Mga misis kung nakita niyo si mister na nanunuod ng gay porn magandang tanungin niyo siya agad. Makakaapekto kasi ito sa inyong relasyong dalawa.

Dahil kung totoo ngang may sexual desire siya sa kapwa niya lalaki ay kailangan niyo itong mapag-usapan upang maayos. Para malaman din ang inyong mga gagawing hakbang.

Totoong maaaring mitsa ito ng inyong paghihiwalay. Pero kung bakla nga si mister at may sexual desire sa kapwa lalaki’t ikaw pa rin ang mahal. Baka maaari niyo pa itong maresolba.

mister-nanunuod-ng-gay-porn

 

Tanungin at pag-usapan niyo ni mister

Huwag matakot at lakasan ang loob upang tanungin si mister tungkol sa history niya sa panunuod ng gay porn. Nakakatakot at nakakaba talaga ang ganitong scenario pero kailangang kayanin mo. Pwede rin kasing matapakan mo ang kanyang pagkatao o mapahiya siya iyo.

Ilang payo at reaksyon ng mga mommy sa community ng theAsianparent Philippines

mister-nanunuod-ng-gay-porn

Mister Huling Nanunuod Ng Gay Porn, Ano Ang Dapat Gawin? Screenshot from theAsianparent community

 

Kaya kung may pagdududa talaga kay mister mas mabuting mag-heart to heart talk kayo sa ng ang isang mommy sa theAsianparent community.

mister-nanunuod-ng-gay-porn

Mister Huling Nanunuod Ng Gay Porn, Ano Ang Dapat Gawin? Screenshot from theAsianparent community

Mas mabuti pa rin ang masinsinan na pag-uusap ninyong mag-asawa. Huwag mag-aalala maaaring magiging masakit ang pwedeng kahihinatnan ang mahalaga ay nagpakatotoo kayo ni mister sa isa’t isa. Bilang mag-asawa dapat tapat kayo sa isa’t isa. Ihanda niyo rin ang magiging sagot ni mister kung umamin man siyang bakla, o isang bisexual.

Huwag din masyadong maparanoid at mag-isip ng kung ano-ano kasi malay niyo’y napadaan lang si mister sa isang boy to boy porn site nang hindi sinasadya. Kaya mga misis susi pa rin ang pakikipag-usap sa inyong mga mister. Sumali sa talakayan sa theAsianparent community, i-download ang theAsianparent app para makasali sa discussion. Baka may mga tips kayo o kwento na pwedeng maibahagi.

 

SOURCE:

theAsianparent community 

‘Straight’ Men Who Have Sex With Men

 

BASAHIN:

Trust your hubby! Dahilan kung bakit hindi dapat magselos kapag may kaibigang babae si mister

Ito ang dahilan kung bakit ayaw nating manood ng porn si mister

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Marhiel Garrote

Article Stories
app info
get app banner