MMFF 2023 movie list ba ang hanap mo? Narito ang mga pelikulang dapat ninyong panoorin ngayong Pasko kasama ang buong pamilya.
Mababasa dito ang sumusunod:
- MMFF 2023 movie list.
- Mga pelikulang pampamilya at para sa mag-asawa.
MMFF 2023 movie list
Parte na ng pasko ng maraming pamilyang Pilipino ang panonood ng mga pelikulang kabilang sa Metro Manila Film Festival o MMFF. Kung nagbabalak na magpunta sa mga sinehan ngayong pasko, narito ang sampung mga pelikulang puwedeng panoorin ng buong pamilya at mga pelikulang swak naman sa mga mag-asawa.
Mga pelikulang pampamilya at para sa mag-asawa
Rated G
1. Family of Two
Nangunguna sa mga pelikulang pampamilya o rated G ngayong MMFF 2023 ay ang pelikulang Family of Two. Ito ay pinagbibidahan ni Alden Richards at Sharon Cuneta. Tungkol ito sa pagmamahal ng isang single mother sa kaniyang anak. At ang pagtulong ng anak na mahanap ng bagong pag-ibig ang kaniyang ina.
2. Penduko
Larawan mula sa Metro Manila Film Festival Facebook page
Ang isa pang pelikula na para sa buong pamilya ay ang Penduko. Ito ay pinagbibidahan ni Matteo Guidicelli. Tungkol naman ito sa kuwento ng anak ng isang faith healer na nagpunta sa siyudad. Doon makikita at masusubok ang kaniyang supernatural gifts laban sa kasamaan at para sa kabutihan.
Rated SPG
3. When I Met You in Tokyo
Ang pelikulang “When I Met You in Tokyo” ay pinagbibidahan naman ni Vilma Santos at Christopher de Leon. Tungkol ito sa love story ng dalawang overseas filipino worker na sinusubukan ang hamon ng pag-ibig for the second time around. Perfect ito sa mga mag-asawa na nais muling alalahanin ang mga moments noong bago palang ang pag-iibigan nila.
4. Rewind
Dapat ring mapanood ng mga mag-asawa ang pelikulang “Rewind” nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Tungkol ito sa mister na binabalewala o tinatrato ng hindi maganda ang misis niya. Hanggang sa sila ay makaranas ng isang aksidente na kung saan na-realize niya ang pagkakamali niya bagamat tila huli na.
5. Gomburza
Larawan mula sa Metro Manila Film Festival Facebook page
Kung nais namang maintindihan pa ang kasaysayan at buhay ng tatlong paring martir ay panoorin ang “GomBurZa”. Saksihan dito ang mahusay na paganap nina Dante Rivero, Cedric Juan at Enchong Dee. Mapapanood rin sa pelikula si Piolo Pascual.
6. Firefly
Ang pelikulang “Firefly” naman ay pinagbibidahan ni Alessanda de Rossi. Tungkol ito sa kuwento ng kaniyang anak na hinahanap ang mythical island na bida sa kaniyang mga bedtime stories.
7. Broken Hearts Trip
Kung gusto mo namang matawa ngayong MMFF, panoorin ang pelikulang “Broken Hearts Trip”. Ito ay tungkol sa isang reality show na nagbibigay tiyansa sa mga brokenhearted na miyembro ng LGBTQ+ para mag-moveon sa pamamagitan ng pagtratravel sa buong Pilipinas. Mapapanood sa pelikula ang bidang si Christian Bables at award-winning actress na si Jaclyn Jose.
8. Becky and Badette
Matawa rin sa tandem nina Eugene Domingo at Pokwang sa pelikulang “Becky and Badette”. Ito ay tungkol sa mag-bestfriend na aksidenteng naging viral dahil sa paggawa ng kuwento tungkol sa kanilang high school batchmate.
R-13 movies
9. Kampon
Kung gusto namang mapasigaw ngayong Pasko ay panoorin ang pelikulang “Kampon”. Ito ay pinagbibidahan nina Derek Ramsay at Beauty Gonzales. Tungkol ito sa mag-asawang walang anak na nakilala ang isang batang babae na nag-claim na anak daw umano ni Derek.
10. Mallari
Larawan mula sa Metro Manila Film Festival Facebook page
Para sa mga seryosong pelikula ay paanorin ang “Mallari”. Pinagbibidahan ito ni Piolo Pascual. Ito ay tungkol sa isang pari na naparusahan dahil sa pagpatay ng 57 katao. Mapapanood rin sa pelikula sina Elisse Joson, at JC Santos.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!