May mga pagkakataong mararamdaman ng parents na hindi pa enough ang ginagawa nila for their kids. Ang tawag dito ay mom or dad guilt. Narito sa ang iba’t ibang ways upang ma-overcome ang ganitong feeling sa tuwing nararamdaman mo.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Paano malampasan ang mom o dad guilt
- 5 parenting tips para maging mabuting magulang
Paano malampasan ang mom o dad guilt
Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maayos ang relationship ng anak at parents. May mga panahong mararamdaman ng mga anak na kulang pa ang ginagawa nila upang mapasaya ang mga magulang. Sa kabilang banda, mayroon naman panahong kabaliktaran ang nangyayari at ang parents ang nakararamdam ng hindi pagiging enough for their kids.
May mga pagkakataon din kasing hindi maiiwasan ng parents na maisip na hindi sila ang better mom and dad kung ikukumpara sa iba. Ang mga pangyayaring ganito ay tinatawag ding mom and dad guilt.
Para sa mga moms, nangyayari ang guilt na ito kadalasan dahil sa triggering na mga bagay katulad na lang ng bago at matapos magbuntis. Madalas kasi mararamdamn nilang nagpabaya sila noong buntis sila kaya nararanasan ng anak ang ibang unexpected na kaganapan.
Maaari rin itong maramdaman hanggang sa pagtanda ng bata lalo na kung ang nanay ay may gawaing full-time at nararamdaman niyang hindi siya nagagawa ang role niya as a mother.
Para sa mga daddies naman, nagaganap ang guilt madalas dahil sa social expectations. May itinakda kasi ang lipunan na role para sa mga tatay na maging provider dahilan upang mabigyan sila ng labis na pressure.
Dito sila natutulak lang labis na pakiramdam na kulang sa tuwing hindi nila nagagampanan ang pagiging “provider” ng pamilya. Maaari rin nilang maramdaman ito sa tuwing magtatrabaho sila at naiiwan ang mga anak sa kanilang mga bahay dahil kinakailangan nilang kumayod para maibigay ang pangangailangan ng pamilya.
Para ma-overcome ang ganitong pakiramdam, narito ang ilang ways na puwedeng gawin ng parents:
- Huwag iwasan ang family conversations lalo kung mayroong concerns na kailangang i-open up.
- Iwasan din ang umhealthy na coping strategies gaya ng pag-iignore sa usapin o kaya ay overworking.
- Hindi dapat mauwi sa over-indulgence ang ganitong nararamdaman tulad na lamang ng labis na pag-inom ng alcohol o pagkain.
- Magbigay ng mahabang pasensya sa sarili at huwag parating isisi ang mga bagay sa iyo.
- Mag-build ng maayos na relasyon sa anak upang pana-panahon silang nakukumusta at naaalam ang kanilang nais sabihin sa inyo bilang parents.
- Tandaan parati ang katagang “you are still learning” upang iwas sa pressure ng pagiging magulang.
- I-practice parati ang self-care tulad ng pag-aalaga sa katawan, pag-validate sa emotion, at pagbibigay ng space sa iyong mental health.
- Ugaliing bigyang importansya ang self-compassion kaysa sa self-criticism upang mas mapaunlad pa ang sarili.
- Maging mabait sa sarili at gumamit ng salitang hindi nakasasakit sa sariling damdamin.
- Tandaang hindi lamang ikaw ang nararanas ng ganitong pakiramdam kundi marami pang iba kaya hindi ka nag-iisa.
- Subukang kumausap sa ibang parents at alamin ang struggle rin nila sa parenthood upang makakuha ng ilang tips kung paano masosolusyunan ang iyo.
- I-validate ang sarili sa mga bagay na ginagawa para sa pamilya lalo sa anak.
- Palakasin pa ang relasyon niyo ng partner mo sa pamamagitan ng healthy communication upang sabay na masolusyunan ang iba’t ibang problems na maaaring umusbong.
- Maaaring humanap ng community o support group na tingin mo ay makatutulong sa iyo.
- Lumapit sa mga health professionals upang masolusyunan nang mas angkop ang ganitong nararamdaman.
BASAHIN:
3 parenting mistakes kaya nai-invalidate natin ang feelings ng ating mga anak
Are you always glued to your mobile phone? Study says plugged-in parenting is hurting your family
Cellphone-distracted parenting can hinder your child’s brain development, says study
5 parenting tips para maging mabuting magulang
Wala namang maituturing na perfect parents, ang mayroon lang ay good parents. Iba-iba rin naman ang bawat magulang at lahat ay may unique way kung paano nila pinapalaki ang kanilang anak.
Ano nga ba ang mga bagay na dapat gawin upang maconsider na isa ka sa good parents? Narito ang ilang tips tungkol sa parenting para sa iyo!
- Matutong suportahan sila sa mga bagay na nagpapasaya sa kanila.
- Siguraduhing napo-provide nang sapat ang basic needs nila tulad ng food, shelter, clothes, at education.
- Huwag pagsabihan ang mga anak ng masasakit na salita na alam mong pagsisisihan mo sa huli.
- Ugaliing maging bukas sa concerns ng mga anak at matuto ring mag-voice out ng nararamdaman upang maging matibay ang koneksyon ng isa’t isa.
- Araw-araw iparamdam at ipakitang mahal mo ang iyong mga anak at matutong humingi ng tawad sa bawat pagkakamali.