Mom guilt, ito ang madalas na nararamdaman ng mga ina na akala ay hindi sila magaling sa kanilang ginagawa. Kung inaakala mo ring tamad ka dahil sa isa kang stay-at-home mom, ito ang mensahe at paalala sayo ng isang mommy netizen.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Mom guilt, bakit hindi mo dapat itong maramdaman.
- Bakit dapat alagaan ng mga ina ang sarili nila.
Mom guilt, bakit hindi mo dapat itong maramdaman?
Iba-iba ang sitwasyon nating mga ina. May mga nagtratrabaho para mabuhay ang mga anak. May iba namang piniling maging full-time wife at mom sa bahay para mag-alaga ng anak at kaniyang pamilya. Pero ano pa man ang ating sitwasyon, halos lahat ng ina ay nakakaramdam ng mom guilt sa punto ng buhay nila. Ito ay ang madalas na pagkukuwestyon sa kanilang ginagawa bilang isang magulang. Kung tama ba ito o makakabuti para sa kanilang pamilya at anak.
Sa isang viral post sa Facebook ay pinaalalahan ng isang mommy netizen na si Bibong Pinay kung tawagin sa social media ang mga ina. Lalo na ang mga nasasabihan o nag-iisip na tamad sila o walang kuwenta dahil sa mga bagay na ginagawa nila na hindi ma-appreciate ng iba. Ito ang ilan sa paalala ni Bibong Pinay sa mga mommy netizens.
“INAY, HINDI KA TAMAD
Hindi ka tamad kung nakatulog ka ng tanghali or nakatulog ka ng maaga.
Tandaan, hindi ka zombie. Tao ka din na kailangan ng tulog.
Hindi ka tamad kung tambak na ang labahin at tiklupin mo, hindi ka laundry station para laging maging updated sa labada mo.
Hindi ka tamad kung minsang nanonood ka ng Kdrama o kaya gumagawa ng bagay ng gusto mo. Mahalaga din ang sanity mo. Mahirap maging ilaw ng tahanan kapag simot at pundido ka na.”
“Hindi ka tamad kung gusto mong mapag-isa, tumulala, tumunganga, huminga paminsan. Hindi katamaran ang paghinga, pag-slow down at pagpapahinga. Dahil hindi ka robot. Tao ka.”
Ito ang bahagi ng post ni Bibong Pinay.
Bakit mo dapat alagaan ang iyong sarili mommy
Larawan mula sa Facebook account ni Bibong Pinay
Ayon pa sa kaniya, hindi rin dapat ma-guilty ang mga ina na gumagawa ng paraan para mapagaan ang trabaho nila. Tulad ng mga nag-papadeliver ng pagkain o kaya naman ay gumagamit ng mga disposable na plato para ma-less ang hugasin nila.
Sabi pa niya, lalong hindi katamaran ang pag-aalaga at pakikipaglaro sa iyong anak sa buong maghapon. Lalong-lalo ang pagmamahal at pag-aalaga sa iyong sarili. Dahil mahalaga daw ito para maibigay sa iyong anak at asawa ang pag-aalaga at pagmamahal na kailangan nila.
Larawan mula sa Facebook account ni Bibong Pinay
“Hindi ka tamad kung wala kang ibang nagawa sa buong maghapon kundi mag-alaga, makipaglaro, magturo at mag-asikaso ng iyong mga anak. Ang maramdaman ng mga anak mo ang pagmamahal mo at presence mo sa buhay nila this season, malaking accomplishment na yun. It doesn’t have to be grand gaya ng nakikita natin online. Magkakaiba tayo. Kaya wag kang sipagin mag-compare Inay.”
“Hindi ka tamad kung mabait ka sa sarili mo, kung iniisip mo din ang kapakanan mo. You’re not lazy if you’re taking good care of your spirituality, emotional, mental and physical being. Tandaan, kailangan mong pahalagahan ang pinaka-importanteng tao sa buhay ng asawa at mga anak mo… IKAW. ♥”
Agree ka ba sa sinabi ng mommy netizen?
Tandaan mommy, hindi ka tamad!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!