Paano nga ba kapag ang magulang mo ay ayaw sa iyong karelasyon? Nagpahayag na nga ng saloobin ang Mommy Vangie ni Gerald Anderson patungkol sa kontrobersiyal na break-up ng anak niya sa dating nobyang si Bea Alonzo.
Nagbigay na nga ng panayam si Mommy Vangie sa TV Patrol South Central Mindanao na umere kahapon ng ika-23 ng Agosto at inilabas na nito ang kaniyang mga nararamdaman at pasaring laban kay Bea.
Pasaring ng Mommy Vangie ni Gerald Anderson kay Bea
Hindi na nga napigilan ni Mommy Vangie ang magbigay ng kaniyang saloobin tungkol sa mga balitang lumalabas sa kaniyang anak na si Gerald Anderson matapos nga ang eksplosibong break-up nito sa dating nobyang si Bea Alonzo.
Panayam ng ina ni Gerald, “Alam mo, nag-a-argue kami ni Gerald laban sa ‘yo, dahil ayaw nga kita para sa kanya.”
Aniya, “Ngayon, ito na lang gawain mo sa kanya, binabasura mo ang bata.”
“Lagi mong pinatatamaan ang anak ko. Ano [gano’n] na ba kasama si Gerald?” pagpapatuloy ng ina.
Dagdag pa ni Mommy Vangie, “Isa pa na hindi ko nagugustuhan? Pati make-up artist mo, magbitaw ng salita laban sa anak ko.”
“Hindi naman ako puwedeng manahimik sa mga lumalabas na isyu, lalo na si Bea na humaharap talaga sa TV,” aniya pa.
Payo naman sa nali-link kay Gerald na si Julia
Sa panayam nga ni Mommy Vangie sa TV Patrol South Central Mindanao nagbigay rin siya ng payo sa nali-link ngayon sa kaniyang anak na si Gerald na third party rin daw di-umano sa relasyon nila ni Bea na si Julia Barretto.
Panimula nito sa kaniyang payo, “Hindi ko sinasabing ayaw kita, no. Ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo, please, ayaw ko kasi may edad na rin si Gerald sa ‘yo.”
Dagdag pa ng ina, “Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko nasa industriya [kayo].”
Bidyo clip ng panayam kay Mommy Vangie
Ang buong panayam ng TV Patrol South Central Mindanao sa Mommy Vangie ni Gerald Anderson ay mistulang hindi na available at clips na nga lamang ang available.
Paano nga ba kapag ayaw ng magulang mo sa karelasyon mo?
Napaka-karaniwang problema na nga kapag ayaw ng magulang sa karelasyon ng kanilang mga anak.
Kung dati-rati dahil sa tradisyon o kultura—tulad na nga lamang na dahil sa relihiyon, o di kaya naman sa citizenship, o pwede rin dahil sa isang arranged marriage.
Pero sa modernong panahon ngayon ang maaari ring rason ng isang magulang kung bakit ayaw nito sa karelasyon mo ay maaaring dahil sa personalidad ng iyong karelasyon o sa kadahilanan maaaring ayaw lang niya sa iyo, ganun kasimple.
Sa pananaw ko naman kung ayaw ng magulang sa karelasyon mo, maaari pa rin namang dumating ang panahon na magustuhan niya ito, dahil wala namang tao ang hindi lumalambot ang puso.
Source: The Scoop PH
Basahin: Biglaang pagtapos sa relasyon: Ano ang ghosting?