TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Biglaang pagtapos sa relasyon: Ano ang ghosting?

3 min read
Biglaang pagtapos sa relasyon: Ano ang ghosting?

Alaming kung ano ang ghosting na ginagamit bilang bagong paraan ng pakikipaghiwalay sa karelasyon. Alamin ang sinasabi ng pananaliksik ayon dito.

Maraming relasyon ang natatapos nang natatapos sa palitan ng mga mabibigat at masasakit na salita. Hindi madali ang mga ganitong pag-uusap at dahil sa teknolohiya, may dinadaan nalang ito sa text o tawag. Ito ay dahil nais nilang iwasan na mag-harap o kaya naman ay para mapili nang maayos ang mga sasabihin. Ngunit, may ilan din na bigla nalang hindi nagpaparamdam na tila multong biglang nawawala. Talakayin natin kung ano ang ghosting.

Ang ghosting ay bagong paraan ng pakikipaghiwalay na nagiging laganap na istratehiya na ngayon. Ginagamit nito ang teknolohiya, na dati ay para sa pagbuo at pagaalaga ng pagsasama, bilang pag-iwas sa dating karelasyon. Bago man o matagal nang relasyon, biglang napuputol ang mga pagsasama dahil dito. Walang usap-usap, walang paghingi ng tawad, pawang katahimikan lamang.

Epekto ng ghosting

Para sa mga ginagamit ang ghosting para makipaghiwalay, ang kanilang mundo ay lumiliit para lamang maka-iwas sa dating kinakasama. Ganunpaman, ang pinaka naaapektuhan nito ay ang taong hiniwalayan. Maaari itong magdulot ng ilang problema tulad ng:

  • Hindi agad masigurado ang kalagayan ng relasyon. Dahil walang pag-uusap na nangyari, hindi alam ng iniwan kung sila ba ay hiwalay na o kaya baka may ibang rason kaya hindi nagpaparamdam ang karelasyon.
  • Sa pagtanggap na tapos na ang relasyon, hindi parin masabi ang kadahilanan ng paghihiwalay.
  • Walang natatanggap na closure.
  • Para sa mga relasyon na highly emotionally o physically intimate, maaaring maramdaman na niloko.
  • Sa kawalan ng dahilan ng paghihiwalay, maaaring sisihin ang sarili at isipin na nagkaroon ng pagkukulang.
  • Hindi magawang maiparating ang mga iniisip tungkol sa relasyon at naging paghihiwalay sa dating kinakasama.

Ayon sa pananaliksik

Sa isang pagsasaliksik noong 2018, ang 25% mula sa 550 na mga lumahok ay nagsabing nakaranas na sila ng ghosting. Sa kabila nito, nasa 20% naman ang nagsabi na sila ay nakipaghiwalay na sa pamamagitan ng paraan na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang mga statistics na ito ay patuloy na tataas dahil sa mga dating apps na ginagamit sa pagsisimula ng relasyon, at mga social media para panatilihin ang nabuong pagsasama.

Ano naman ang tingin ng mga tao sa paraan ng pagtapos sa relasyon na ito? Ayon sa pananaliksik, may ilan na walang nakikitang problema dito. Habang ang mga tao ay mas naniniwala sa tadhana, mas tinatanggap nila ang ghosting bilang paraan ng pagtapos ng relasyon. May ilan din naman ang hindi sumasang-ayon dito. Para sa mga naniniwala na kayang pagdaanan ng mga relasyon ang mga pagsubok, hindi nila tinatanggap ang ghosting bilang maayos na pakikipaghiwalay.

Dahil sa natutunan na ito, maaaring malaman kung ang iyong kinakasama ay gagamitin sa iyo ang ghosting. Kung ang karelasyon ay matindi ang paniniwala sa tadahana, mayroon silang hindi mababagong mindset sa pag-ibig: perpekto o hindi ito. Para sa kanila, ang problema sa relasyon ay maaaring senyales na hindi sila para sa isa’t isa. Ang mga sobra ang paniniwala sa tadhana ay maaaring walang makitang rason para ipagpatuloy ang relasyon. Maaari rin na makita nila bilang pag-aaksaya sa oras ang pagpapaliwanag kaya maisipan nila gamitin ang ghosting.

 

Source: PsychologyToday

Basahin: Puwede pa bang i-save ang relasyon na papunta na sa hiwalayan?

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Biglaang pagtapos sa relasyon: Ano ang ghosting?
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko