Monito Monita Ideas: "Something" Unique, Funny And Useful Below 500 Gifts Na Mabibili Online

Nag-iisip ng monito monita ideas para sa darating na pasko? Naglista kami ng something unique, funny at useful gifts na mabibili online!

Ilang tulog na lamang at pasko na! Uso na naman ang pagkakaroon ng Monito Monita o exchange gift sa mga opisina, eskwelahan, at maging sa tahanan.

Hindi mawawala ang Filipino tradition na ito tuwing sasapit ang kapaskuhan. Kadalasan, may mga sinusunod na categories sa pagreregalo gaya ng something cute, something unique, something useful, something soft at kung anu-ano pa.

Kung kasalukuyan kayong nag-iisip ng mga Monito Monita ideas, para sa inyo ang article na ito. Patuloy na magbasa at alamin ang aming inilistang produkto na pasok sa something unique, something funny at something useful gifts.

Monito Monita Gift Ideas

Monito Monita Ideas
Personalized Vector Lamp
Vector lamp
Buy Now
Vintage Mini Wooden Clock
Clock
Buy Now
LIVEPILLOW Customized Pillow
Customized pillow
Buy Now
Custom Face Boxer Shorts
Customized boxer shorts
Buy Now
CIVAGO 650ML 22oz Tumbler Wide Mouth with Cap Lid
Tumbler
Buy Now
LOCAUPIN Stackable Organizer
Organizer
Buy Now

Something Unique

Personalized Vector Lamp

Monito Monita Ideas: "Something" Unique, Funny And Useful Gifts | Vector Lamp

Kung "something unique" ang gift category sa inyong Monito Monita, ideal na piliin ang vector lamp. Maaari itong ipacustomize depende sa gustong design. Puwedeng ilagay ang solo picture ng taong pagreregaluhan o di kaya ay picture ng kanyang pamilya.

Ang kagandahan pa rito ay gawa ito sa acrylic sheet na high quality at engraved pa ang design. LED light na may warm white color at ang stand ay gawa sa kahoy kaya't may pagkavintage o classy tignan.

Vintage Mini Wooden Clock

Monito Monita Ideas: "Something" Unique, Funny And Useful Gifts | Wooden Clock

Maaari ka pa rin namang magregalo ng desk clock o alarm clock, pero mas ikakatuwa ng iyong ka-exchange gift kung unique ang orasan na ireregalo sa kanya. Kaya naman perfect choice ang Vintage Mini Wooden Clock na ito bilang panregalong "something unique".

Gawa ito sa fiber board na binalutan ng oak skin para magmukhang kahoy. Maaari itong gamitin bilang desk clock sa opisina o di kaya ay alarm clock sa kwarto. Pagdating naman sa display time, maaari itong i-set ng 12 o 24-hour format. Maaari itong i-charge o di kaya ay gamitan ng tatlong AAA batteries.

Something Funny

LIVEPILLOW Customized Pillow

Monito Monita Ideas: "Something" Unique, Funny And Useful Gifts | Livepillow

Tiyak na matatawa ang iyong pagreregaluhan kung ang sarili niyang mukha ay nakalagay sa unan. Kaya naman i-grab na ang wacky picture ng iyong ka-Monito Monita ay ipa-customize ito ang gawing design ng unan.

Gawa sa hypoallergenic, extra soft cotton ang Livepillow Customized Face Pillow at ginamitan ng fabric na class AAA. Ang ink naman na ginamit para sa print ay imported at long lasting. Maaari kang mamili sa size ng pillow na ipapagawa dahil available ito sa sizes na 8x10 inches, 11x14 inches at 12x16 inches.

Custom Face Boxer Shorts

Monito Monita Ideas: "Something" Unique, Funny And Useful Gifts | Boxer Shorts

Isa pa sa funny gift na maoorder mo online ay ang Custom Face Boxer Shorts. Tamang-tama ito kung lalaki ang iyong reregaluhan. Maaaring gawing design ang sarili niyang picture o di kaya ay picture ng kanyang partner o celebrity crush.

Bukod sa pagiging customizable nito, magugustuhan din ng iyong pagreregaluhan ang quality ng boxer shorts. Gawa kasi ito sa 100% soft cotton spandex na presko at napaka komportable suotin. Bukod pa riyan, hindi rin basta-basta kumukupas ang printed design nito dahil sa unique printing process na ginawa para rito.

Available ito sa sizes na 27 to 39 inches.

Something Useful

CIVAGO 22oz Tumbler Wide Mouth with Cap Lid

Monito Monita Ideas: "Something" Unique, Funny And Useful Gifts | Civago

Something useful na regalo ang hanap? Pasok sa category na 'yan ang tumbler. At kung naghahanap ka ng budget-friendly at good quality tumbler, magandang choice ang Civago Wide Mouth Insulated Tumbler.

Ginamitan ito ng stainless steel material at double wall pa kaya naman kaya nitong imaintain ang lamig ng iyong inumin sa loob ng 24 hours. Para naman sa mainit na drinks, 12 hours ang kaya nitong itagal.

Karagdagan, vacuum-insulated din ito, leak-proof at BPA-free pa. Napakaganda rin ng mga color choices nito na siguradong magugustuhan ng iyong pagreregaluhan.

LOCAUPIN Stackable Organizer

Monito Monita Ideas: "Something" Unique, Funny And Useful Gifts | Locaupin Organizer

Another useful gift na madaling mabili online ay ang storage box. Maaari itong magamit sa bahay, opisina o sasakyan bilang lalagyan ng iba't ibang gamit.

Maraming maaaring ilagay sa loob ng storage box na ito. Gawa ito sa Polypropylene plastic material na napakatibay. Available ito sa sizes na 17 at 24 liters.

Price Summary

Product Price
Personalized Vector Lamp Php 549.00 - Php 749.00
Vintage Mini Wooden Clock Php 253.00
LIVEPILLOW Customized Pillow Php 210.00 - Php 350.00
Custom Face Boxer Shorts Php 450.00 - Php 600.00
CIVAGO 22oz Tumbler Wide Mouth with Cap Lid Php 259.00
LOCAUPIN Stackable Organizer Php 558.00

Note: Each item and price is up to date as of publication, however, an item may be sold out or the price may be different at a later date

 

Sinulat ni

Teresa Alcantara