Kakambal ng pagbubuntis ay ang pagiging maselan at pagdanas ng morning sickness. Nagbibigay ito ng discomfort sa isang pregnant mom sapagkat mararamdaman niya ang pagkahilo at pagduduwal tuwing nakakaranas nito sa umaga.
May mga ligtas na paraan na maaaring gawin ng mom-to-be na nakakaranas nito. Kasama na riyan ay ang pag inom o kain at paggamit ng mga morning sickness soothers na akma para sa pangangailangan ng isang buntis.
Kaya naman kung naghahanap ka ng magandang morning sickness treatment para sa iyo, keep on scrolling! Alamin ang mga produktong mabibili mo online para maibsan ang pagkahilo at pagsusuka tuwing umaga.
Talaan ng Nilalaman
Best Products for Morning Sickness Treatment
Babymama - Motherlove Morning Sickness Blend
Best morning sickness supplement
|
Buy Now |
Secrets of Tea - No to Morning Sickness Organic Tea
Best morning sickness tea
|
Buy Now |
Three Lollies Organic Preggie Pop Drops
Best morning sickness candy
|
Buy Now |
Buds & Blooms Morning Relief Bands
Best relief bands
|
Buy Now |
Niuxys Lemon 100% Pure Essential Oil
Best oil for morning sickness
|
Buy Now |
Pink Stork Mist
Best morning sickness mist
|
Buy Now |
Babymama – Motherlove Morning Sickness Blend
Best supplement
Kung nakakaranas ka ng morning sickness at iba pang pregnancy discomforts gaya ng indigestion, magandang isama sa iyong mga iniinom na supplements ang Motherlove Morning Sickness Blend. Ito ay isang uri ng herbal liquid supplement kaya naman ligtas ito inumin ng mga pregnant moms.
Bukod pa riyan ay naglalaman ito ng iba’t ibang USDA Certified Organic herbs gaya ng marshmallow root, lemon balm herb, ginger root, red raspberry leaf at peppermint leaf. Ang mga ito ay nakakatulong para maibsan ang hilo at pagsusuka, maging ang discomfort sa tiyan dulot ng indigestion. Ito ay nasa capsule na rin kaya mas madaling inumin kumpara sa syrup supplement.
Features we love:
- Herbal liquid capsule
- USDA Certified Organic herbs
- Nakakatulong sa morning sickness at indigestion
Secrets of Tea – No to Morning Sickness Organic Tea
Best tea
Nakakatulong din ang pag-inom ng mga herbal tea para sa iyong morning sickness treatment. Kaya naman isinama namin sa aming recommended products ang Secrets of Tea – No to Morning Sickness Organic Tea. Hindi dapat ipag-alala ang masamang epekto nito sa iyo at sa iyong little one dahil gawa ito sa organic fruits/herbs at walang halong preservatives.
Ang tea na ito ay caffeine-free rin kaya naman maaaring inumin araw-araw basta’t may sapat na dami lamang. Available ito sa limang flavors na siguradong pasok sa taste buds ng mga pregnant moms gaya ng peppermint, fruits, peach & ginger, blood orange at ginger.
Features we love:
- Organic herbal tea
- Safe for mom and baby
- Caffeine-free
Three Lollies Organic Preggie Pop Drops
Best candy
Siguradong magugustuhan mo ang Three Lollies Organic Preggie Pop Drops. Ito ay USDA Certified Organic lozenges na hinaluan ng nausea-relieving essential oils. Lahat ng ingredients na ginamit dito ay natural at ito ay chemical-free kaya naman safe na safe para sa buntis.
Available ito sa tatlong flavors — sour raspberry, green apple at sour lemon. At dahil nga ito ay in lozenges form, napakadali nitong dalhin saan ka man magpunta. Recommended morning sickness soother din ito ng mga health care professionals kaya naman makakatiyak kang epektibo ito.
Features we love:
- USDA Certified Organic lozenges
- Yummy fruity flavors
- Trusted by experts
Buds & Blooms Morning Relief Bands
Best relief bands
Wearable morning sickness relief ba ang hanap mo? Ang best choice para dyan ay ang morning relief bands na ito from Buds & Blooms. Mayroon itong acupressure point feature na kayang mapanatili ang natural na balanse ng katawan.
Napakadali lamang nito gamitin dahil kailangan lamang itong suotin sa bilang wrist band, kung saan naroon ang iyong accupressure point. Ang bawat band ay may plastic knob sa loob na nagbibigay pressure sa wrist. Maaari mong iadjust ang pressure na binibigay nito at sa loob lamang ng dalawa hanggang limang minuto ay mararamdaman mo na ang relief na kaya nitong ibigay.
Ang kagandahan pa sa morning relief band ay reusable ito kaya sulit na sulit talaga.
Features we love:
- Wearable morning sickness soother
- Acupressure point feature
- Reusable
Niuxys Lemon 100% Pure Essential Oil
Best oil
Epektibo rin ang paggamit ng mga essential oils para maibsan ang morning sickness. At isa sa mga widely used essential oils para sa pagkahilo at pagsusuka ay ang Lemon oil. Ligtas para sa pregnant moms ang Niuxys Lemon 100% Pure Essential Oil dahil ito ay non-toxin at walang halong additives.
Maaari itong gamitin bilang massage oil, pang-inhale at ihalo sa mga tea o iba pang inumin na safe para sa buntis. Para naman sa mga may sensitive skin, kinakailangan lamang na idilute ito sa ibang carrier oil bago ipahid sa balat upang maiwasan ang anumang irritation.
Features we love:
- Pure at natural lemon oil
- Safe bilang massage oil, pang-inhale at ihalo sa inumin
- Maaaring gamitin ng may sensitive skin
Pink Stork Mist
Best mist
Isa pa sa magandang produktong panlaban ng morning sickness ay ang Pink Stork Mist. Gawa ito sa 100% Dead Sea Salt Magnesium na mabisang pangtanggal ng hilo. May kakayahan din itong lunasan ang iba pang pregnancy discomforts gaya ng body pain at muscle aches.
Bukod pa riyan ay safe ito para sa mga pregnant moms dahil wala itong halong gluten, wheat, soy, dairy, GMOs at iba pang harsh ingredients na maaaring makasama sa ina at sa kanyang little one. At dahil nga ito ay isang mist, napakaconvenient nitong gamitin at dalhin kahit saan.
Features we love:
- 100% Dead Sea Salt Magnesium
- Multipurpose
- Convenient gamitin
Price Summary
Brands | Pack size | Price |
Motherlove Morning Sickness Supplement | 60 capsules | Php 1,256.00 |
Secrets of Tea – No to Morning Sickness Organic Tea | 20 tea bags | Php 360.00 |
Three Lollies Organic Preggie Pop Drops | 12 lozenges | Php 799.00 |
Buds & Blooms Morning Relief Bands | 2 pieces | Php 150.00 |
Niuxys Lemon Oil | 10 ml | Php 429.00 |
Pink Stork Mist | 118 ml | Php 1,049.00 |
Tips para maibsan ang morning sickness
Narito ang ilang mga tips na maaaring makatulong upang maibsan ang pagkahilo at pagsusuka o morning sickness:
- Tuwing umaga, ugaliing magdahan-dahan sa pagbangon mula sa pagkakahiga upang maiwasan ang pagkahilo.
- Makakatulong din ang pagiging hydrated sa para maiwasan ang morning sickness kaya naman uminom ng 10 to 12 glasses of water kada araw.
- Iwasan ang mga pagkain na sobrang tamis, maamoy at matapang na maaaring magdulot ng pagsusuka.
- Kumain ng sapat at tama upang maiwasan ang pagkahilo.
- Magkaroon ng sapat na tulog at pahinga.
- Iwasan ang stress at mag-relax.
- Sumubok ng iba’t ibang prenatal exercise kada araw.
Kung labis na nahihirapan sa morning sickness, maaaring kumonsulta sa doktor upang malaman ang mga ligtas na gamot o iba pang paraan na makakatulong sa iyo.