Karaniwan sa mga mothers day poem ay mga mommy na nagkikwento ng kanilang sweet and happy moments kasama ang kanilang mga anak. Pero ibahin mo ang isang ito. Bagama’t mahirap itong aminin, sigurado akong marami sa inyo ang nakakaramdam din nito.
Pakinggan ang pagdaing ng isang ina, hindi dahil hindi niya mahal ang kanyang pamilya. Ngunit dahil nararamdaman niyang nagkukulang na ang pagmamahal niya para sa kanyang sarili.
Mothers day poem
“Paano ba maging Ina
Sakripisyo, sakripisyo
Sabi nila
Kalimutan ang sarili para alagaan ang pamilya
Paano kung may lungkot
Kasamang galit at poot
Minsan nawawala sa sarili
Madalas nawawala ang sarili
Ano ba ang ibig sabihin ng pagmamahal
Kalimutan ang sarili para sa pamilya?”
Bilang ina, palagi nating naririnig na dapat selfless ka at handang magsakripisyo para sa pamilya. Pero minsan ba ay nararamdaman mo rin na kailangan mo na magpahinga?
“Hindi ba’t isa kang babae bago ka naging ina
Bago nagkaron ng mga supling, ikaw ay tao muna
May pangangailangan at pangarap tulad ng iba
Bakit panahon sa sarili ay nawala na?
Bakit ang sarili ay napabayaan na?”
Tao ka lang din, at normal na makaramdam ng pagod. Lalo na kung nakakalimutan mo na ring alagaan ang iyong sarili. Hindi selfish kung may mga pagkakataon na gusto mo ng oras sa iyong sarili. Kailangan mo ito para mas mabuhos mo pa ang pagmamahal mo sa iyong pamilya.
“Ito ba ang ibig sabihin ng pagiging ina?
Magtiis, maghinagpis, isantabi ang mga nais
Ang maghangad ng para sa iyo’y di dapat
Basta’t maayos at masaya silang lahat
Wag sana mamasamain
Ang tila aking pagdadaing
Mahal ko ang pamilya ko
Ang mga anak ko ay biyayang totoo
Pero minsan di mapigilan
Sabihing, paano naman ako?”
Nami-miss mo ba ang pakiramdam noong malaya ka pa? At dahil dito ay nagi-guilty ka rin? Na dapat hindi mo ito nararamdaman dahil mahal mo naman ang mga anak mo at itinuturing silang blessing sa buhay mo. Puwede mo namang maramdaman pareho. Uulitin ko, hindi masamang naiisip mo ito.
“Once upon a time I had a life
I was beautiful, intelligent, talented
Then I became a wife
A mother, after
And then nothing else seemed to matter
Not even me
Like most mothers I feel guilty
For wanting
Some time and love
And feeling that you’re a priority
But should we really feel guilty”
Bilang asawa, oo, may tungkulin kang alagaan ang iyong asawa. Pero nararamdaman mo bang hindi na niya ginagampanan o pinupunan ang parte niya? Hindi tamang maranasan mo ito, mommy. Ayos lang na mag-demand sa iyong asawa dahil kayo ay partners. Ginagawa niyo dapat ang mga ito ng magkasama.
“Pasensya na sa aking pagmumunimuni
Like most women
Always ready to say I’m sorry
Sorry saan?
Na meron din akong mga karapatan?
Na gusto ko rin ipaglaban?
Na tao rin ako
Na dapat pahalagahan
Pasensya na kung parang lagi akong galit
Kasi minsan gusto ko lang maramdaman
Na ako’y nageexist
At sabihing
Ako naman
Ako naman ulit.”
Mommy, huwag mong kalimutan ang sarili mo. Paano ka magbibigay ng pagmamahal kung nauubusan ka na nito? Pangalagaan ang sarili dahil para rin ito sa kanila.
Ilan pang tips para sa’yo
Alagaan ang sarili
Importante na hindi pabayaan ang sarili ngunit sa pagaalaga sa mga anak, sa asawa at sa kabahayam, madalas itong nalilimutan. Hayaan ang sarili na magpahinga rin at maglaan ng oras para sa sariling kapakanan.
Kung hindi makalabas para mamasyal, maaaring mag-meditate o mag-ehersisyo nang ilang minuto lamang. Isipin ang mga gagawin para sa araw at ipagpaliban muna ang mga hindi gaanong importante. Tandaan, mas-importanteng alagaan ang sarili para masmaayos na maalagaan ang mga mahal sa buhay.
Stay active
Ugaliing gumawa ng aktibidad na nakakapagtanggal sa parenting stress. Ito ang mga aktibidad na nakakapagklaro ng isip at nakakapag-parelax sa katawan. Nagdedepende ito sa bawat tao. Maaaring subukan ang mindfulness, muscle relaxation, yoga, ehersisyo, journaling, o iba pang aktibidad. Huwag kalimutan na ang layunin nito ay pabutihin ang pangkabuohang kalusugan.
Lumahok sa mga kinahihiligan
May mga kinahihiligan bang aktibidad bago maging magulang na kinalimutan na simula nagka-anak? Kung oo, maaaring balikan at lumahok sa mga aktibidad na ito. Hindi kailangang kalimutan ang personal na passion dahil lamang mayroon nang pamilya.
Tandaan, ang masasayang pamilya ay binubuo ng mga tao ay na binabalanse sa isa’t isa ang mga kagustuhan at hilig. Kung maaari, pwedeng isama ang anak sa aktibidad o kaya naman ay humanap ng ibang maaaring gawin kasama ang bata.
Makipagkaibigan sa iba pang mga magulang
Mahalaga ito lalo na kung ang pakiramdam ay mag-isa ka sa iyong pinagdadaanan. Kadalasan, kapag ang pakiramdam ay napakabigat na ng pinagdadaanan, nalilimutan isipin ng tao na hindi siya nag-iisa.
Hindi ka lamang nito binibigyan ng mapaglalabasan ng mga stress sa buhay, mayroon ka ring nabigay na kalaro sa iyong anak.
Ang ibang mga magulang ay maaaring magsilbing support group para sa kalusugan ng iyong pag-iisip. At malay mo, makakuha ka rin ng ibang tips para mabawasan ang iyong parental stress.
Baguhin ang pag-iisip
Kadalasan, sa pagtuon natin sa ating stress, nakikita natin ito bilang masmalaki kaysa sa kung ano talaga ito. Sa isang maliit na problema lamang, lumalaki ito dahil lamang sa stress na ikinakabit natin dito. Dahil dito, ang mga simpleng problema ay nagigign napakabigat na pinagdadaanan.
Baguhin ang ganitong pag-iisip at tignan ang mga bagay sa kung ano talaga ito. Sa susunod na may maisip na negatibong bagay, hamunin ang sarili na mag-isip ng bagay na mas positibo.
Ang iyong mga anak ay magiging maliit lamang nang ilang taon. Magugulat ka nalang na malaki na sila at tatawanan ang mga pinoproblema ngayon. Huwag tumuon sa stress at i-enjoy ang panahon ngayon habang maliit pa ang mga anak. Hindi sila habang buhay na ganito.
Source:
Basahin:
Work from home mom: Paano nga ba makaka-survive sa sitwasyon na ito