Vital part ng human lives ang music. Maraming magandang maidudulot ang music maging sa development ng mga bata. In fact, kahit nasa womb pa lang ni mommy ang baby ay nagagawa na nitong mag-respond sa music. Kaya mahalagang malaman ang best music instruments for toddlers na available sa Philippines.
According to a study na isinagawa sa Spain noong 2013, fetal auditory learning starts sa onset ng hearing.
Napag-alaman na ang mga baby na nakarinig ng repeated music noong sila ay nasa womb pa ay madaling mapakalma ng same music after they were born.
Additionally, nabanggit sa parenting class ng UNICEF na around 16-18 weeks of pregnancy ay nagsisimula nang makarinig ang baby inside the womb. By 24 weeks, naigagalaw na nila ang kanilang ulo bilang response sa voices, noises, at music na kanilang naririnig.
Kaya naman habang lumalaki ang iyong anak, mas makakatulong sa kanyang development ang music instruments. Keep on scrolling at alamin kung anu-ano ang mga music instruments na maaari mong bilhin for your little one!
Best music instruments for toddlers
We compiled the best music instruments for toddlers na available sa Philippines.
Best Music Instruments
| Musical Percussion Set Best Overall | | View Details | Buy Now |
| Electronic Keyboard Piano Best Piano | | View Details | Buy Now |
| Jazz Drum Set for Kids Best Drum Set | | View Details | Buy Now |
| Toy Guitar for Kids Best Toy Guitar | | View Details | Buy Now |
| Child Prodigy Violin Toy Best Toy Violin | | View Details | Buy Now |
Best Overall Music Instrument for Toddlers
Best Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak | Mimmo and Me
Helpful ang pag-play ng percussion instruments sa development ng maraming skills ng iyong toddler.
Matututunan niya ang difference sa sounds na magagawa ng iba’t ibang lakas at bilis ng pagpalo sa musical instruments. In addition, makatutulong din ito sa coordination skills at pag-improve ng arm flexibility.
Magandang educational tool ang Musical Percussion Set. It consists of a xylophone, maracas, bell sticks, harmonica, egg shaker, tambourine, at whistle. Hindi agad magsasawa ang iyong anak dahil marami siyang pagpipilian.
Gawa sa eco-friendly wooden material ang Musical Percussion Set. Additionally, matibay ito at walang sharp edges na maaaring makatusok sa bata.
Mga nagustuhan namin:
- Recommended for 1-3 years old.
- Consists of 9 different musical instruments.
- Colorful and attractive.
- Durable.
Best Toddler Piano
Best Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak | Electronic Keyboard Piano
Kung nais i-improve ang ability to focus ng iyong anak, best pick ang Electronic Keyboard Piano. Parehong na-papractice ang mental at physical concentration ng toddlers sa pag-play ng ganitong music instrument.
Nakababawas ng stress ang pagtugtog ng piano. Matutulungan nito ang iyong anak na ma-release ang kaniyang emotions. Aside from that, helpful ito sa pag-develop ng dexterity, hand-eye coordination, at fine motor skills.
May 61 keys at may free mic ang Electronic Keyboard Piano na available sa black at pink colors.
What’s more, you can plug sa electric source or use batteries para mapagana ang music instrument na ito.
Mga nagustuhan namin:
- Recommended for 2-3 year old kids.
- Gawa sa plastic materials na safe sa bata.
- High fidelity mic and speakers.
Best Toddler Drum Set
Best Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak | Jazz Drum Set
Pwede sa toddlers at preschoolers ang Jazz Drum Set for Kids. Ang complete set nito ay binubuo ng 1 bass drum, 4 small drums, 1 cymbal, 2 drum sticks at 1 small stool. Gawa ito sa ABS plastic material na matibay at hindi nakakasama sa bata.
Furthermore, magaan ito at madaling i-assemble kaya naman kayang-kaya itong laruin ng kids. Ngunit mas makakabuting alalayan pa rin sila sa paggamit nito.
Best of all, makatutulong ang pagtugtog ng drums para ma-exercise ang motor skills ng iyong anak. Ma-iimprove nito ang coordination ng kamay, mata, at paa ng toddlers.
Aside from that, magandang tool ito para ipakilala sa iyong anak ang iba’t ibang rhythm ng music.
Mga nagustuhan namin:
- Recommended for 1-6 years old.
- Attractive and colorful design.
- Compact size and lightweight.
Best Toddler Guitar
Best Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak | Mideer
If you want your child to be a better listener, makatutulong ang Toy Guitar for Kids. To play this music instrument, kailangang mag-focus ng toddler sa pakikinig.
It can help them determine rhythm, pitch, tone, speed, texture, at iba pang minor details ng music.
Guitar din ang karaniwang ginagamit para matutunan ng mga bata ang basic song structure. Kapag na-master na nila ito, magiging confident na sila na mag-experiment with different aspect ng music.
Ang Toy Guitar for Kids na ito mula sa Mideer ay may anim na nylon strings na gentle sa daliri ng bata. Gawa ito sa linden wood at may makulay na chamelion design. Kaya naman puwede ito sa batang babae o lalaki.
Additionally, may real tuning gears ito at traditional body. Because of this, authentic na guitar sounds ang napoproduce nito.
Mga nagustuhan namin:
- Easy-to-hold.
- Lightweight and durable.
- User-friendly strings and kid-friendly materials.
Best Toddler Violin Toy
Best Music Instruments for Toddlers: Best Choices Para Sa Iyong Anak | Violin Toy
Perfect ang Child Prodigy Violin Toy para sa toddlers na gustong tumugtog, but are not quite ready for the real music instruments.
Beneficial ang violin toy na ito para ma-exercise ang hand-eye coordination skills ng iyong anak. Kailangan gabayan ng eyes ng bata ang kaniyang kamay para mapatugtog ang violin gamit ang bow.
Gawa sa plastic materials na safe for kids ang Child Prodigy Violin Toy. Magaan ito at madaling bitbitin. Moreover, kailangan ng tatlong AA batteries para mapagana ang tunog at ilaw ng violin toy na ito.
Best of all, beneficial ang pag-play ng violin to boost your kids’ creativity. Mae-encourage nito ang bata to think creatively kung paano i-express ang kanilang sarili musically gamit ang music instrument.
Mga nagustuhan namin:
- Recommended for 3 years old and above.
- Available in 2 different colors.
- With lighting effect.
Price Comparison Table
Bilang gabay sa pagpili ng angkop sa inyong budget, narito ang price list ng best music instruments for toddlers in the Philippines.
|
Product |
Price |
Musical Percussion Set |
Php 990.00 |
Electronic Piano |
Php 435.00 |
Drum Set |
Php 749.00 |
Toy Guitar |
Php 1,310.00 |
Toy Violin |
Php 299.00 |
Note: Each item and price is up to date at the time of publication. However, an item may be sold out or the price may be different at a later date.
Benefits ng music instruments for toddlers
So, it’s no wonder that music instruments are important sa holistic growth ng mga bata. Maraming developmental skills ang maaaring ma-develop ng toddlers in playing music instruments.
- Fine and gross motor skills – Pino-promote ng pag gamit ng music instruments ang physical development ng toddlers in various ways.Helpful ang pag play ng drums sa gross motor skills. Meanwhile, makatutulong naman sa fine motor skills ang pag play ng piano.
- Sensory skills – Bahagi ng pagpapatugtog ng music instruments ang movement, balance, hearing, at touch. Because of this, halos lahat ng senses ay mae-exercise ng iyong toddler.
- Hand-eye coordination skills – A child practices hand-eye coordination skills sa pagtugtog ng music instruments. Tumutukoy ito sa kakayahan ng mata na gabayan ang kamay sa pagkilos.
- Patience and perseverance – Kailangan ng sapat na panahon at focus para matuto ng tamang paggamit ng music instruments.Matututunan ng iyong toddler ang halaga ng mahabang pasensya. Also, matututo siyang magpursige kahit sa paggawa ng simpleng beat using music instruments.
- Socio-emotional skills – Music helps kids practice self-regulation. Singing and playing instruments can help para maintindihan ng toddlers ang iba’t ibang emosyon.Meanwhile, ang pagsali sa mga music activity ay makatutulong sa kanila na makabuo ng relationships. Beneficial ito sa pag-improve ng kanilang self-esteem, self-confidence, at self-efficacy.
Paano pumili ng best music instruments for toddlers
Maraming iba’t ibang music instruments for toddlers na available in the Philippines. Para matulungan kang pumili ng akma sa iyong anak, narito ang mga dapat tandaan:
- Age Appropriateness – Tinatawag na toddler ang mga batang nasa edad isa hanggang tatlong taon. Piliin ang music instruments na angkop sa age range na ito. Iwasan ang masyadong komplikado na maaaring magdulot ng stress sa bata.
- Musical genre – Choose music instruments na tingin mo ay angkop sa music genre na magugustuhan ng iyong anak.Kung rocker at heart ang bata, best na bumili ng drums, percussion set, o guitar. However, kung gusto naman niya ang mas soft na tunog, piliin ang piano o violin.
- Learning curve – Palagay mo ay maikli ang pasensya ng iyong anak? Start exposing him sa mas madaling aralin na music instruments. Some examples ng less complicated instrument ay ang piano at drums.
- Design – Karamihan sa mga available ngayon sa market ay may feature at function na katulad ng music instruments for adults. Best pick ang disenyo na entertaining at encouraging para sa iyong anak.
- Cost – Hindi kailangang gumastos nang malaki. Maraming mabibili online na abot-kaya pero siguradong magagamit nang maayos ng iyong anak.
Tips para sa musical bonding ng family
Mahalaga ang participation ng parents sa pag-aaral ng anak na tumugtog ng music instruments. Magandang family bonding ang music jamming.
Narito ang mga pwedeng gawin sa inyong musical activity:
- Magpatugtog ng songs with different genres. Ito ay para malaman kung ano ang pinaka-mae-enjoy ng iyong anak.
- Sumayaw habang kumakanta kasabay ng iyong toddler.
- Kumanta ng mga awiting may simple lyrics. Para ma-inspire ang iyong anak na gumawa ng sariling kanta.
- Sing a song repeatedly para gayahin ka ng bata. This will help na matutunan at makabisado niya ang kanta.
- Sabayan ng pagkanta ang pagtugtog ng iyong anak ng music instruments.
Kung gusto pa ng mas madaming options para sa piano toys for your toddler, basahin: 5 Best Piano Toys Para Sa Musically-Inclined Toddlers