Marami ang nade-develop na kaalaman kay baby sa edad na 1 hanggang 4 na taon. Dito rin excited ang mga mommies na hikayatin ang kanilang mga anak na makadiskubre ng mga bagong hobbies. Isa sa magagandang hobbies na makokonsidera para sa kanila ay ang pagkatuto sa mga musical instruments.
Marami nang pag-aaral ang nakapagpatunay na ang pagtugtog ng piano ay may magandang epekto sa pagdevelop ng kaisipan ng bata. Kaya naman maituturing na long-lasting at mas magandang purpose ang pagtugtog nito. Maipa-praktis kasi ang konsentrasyon ng mga baby upang mapataas ang emotional intelligence. Tulungan mo madevelop ang talent ni baby sa pamamagitan ng pagpili sa best piano toys para sa mga toddlers.

Paano Pumili ng Piano Toys for Toddlers
Bago natin ilista ang ilan sa mga best piano toys para sa iyong baby, alamin muna natin kung paano pipili ng mga musical toys para sa kanya:
- May iba’t ibang gamit - Magandang pumili ng musical toy na maraming maaaring gawin at matutunan. Sa ganitong paraan sila na mismo ang nagkukusang matuto. Lalo na sa mga bagay na nakatutulong na mapaunlad ang kanilang mga talents. Subukang humanap ng musical toy na maraming function upang marami siyang bagong matututunan.
- Realistic - Unti-unting matututunan ng iyong toddler ang mundong kanyang kinalalakihan. Kaya naman mas nagiging interesado siya sa mga bagay na halos kahawig ng reyalidad. Ang mga ganitong laruan ay nakatutulong upang malaman nila kung paano ginagamit ang mga bagay sa pang araw-araw na buhay. Mainam na maiparamdam sa kanya na para bang isang totoong instrumento na talaga ang kanyang ginagamit para magkaroon ng confidence habang siya ay tumatanda.
- Pumili ng makakapagspark ng kanyang imagination - Sa edad ng mga toddlers, dito umuusbong ang mga makukulay na imahinasyon kung ano ang gusto nila maging pagtanda. Pumili ng laruang alam mong matutuwa siya dahil kaya niyang gawan ng kuwento ang sarili habang nilalaro ito. Kumbaga, nakikita niya kung anong gusto niya tahakin pagtanda. Mahalagang factor na masuportahan ang iyong anak sa kanyang pangarap na maging musikero o musikera. Mainam na pumili ng musical toy na maiimagine niyang tumutugtog siya sa entablado o sa harap ng mga tao.
5 Best Piano Toys for Toddlers
Kung nakikitaan mong mahilig si baby tumugtog ng piano, hindi naman nangangahulugang kailangan mong bumili na nito kaagad. Dahil sa nagdedevelop pa ang mga daliri at katawan ng iyong chikiting, maganda na magsimula na muna sa mga laruan lamang. Mas makakamura at tiyak na mag-eenjoy siya dito dahil convenient para sa maliit niya pang mga kamay.
Nakalista sa ibaba ang ilan sa mga recommendations para sa mga best piano toys na maaari mong pagpilian:
[product-comparison-table title="Best Piano Toys for Toddlers"]
Best for Lighting Effects

Kung napapansin mong hindi lamang sa musical instruments mahilig si baby kung hindi maging sa mga animals at colors din, swak ito para sa kanya! May mga pictures ng iba’t ibang hayop ang laruan na maaaring tukuyin ni baby habang nilalaro. Nakaaaliw rin ang lighting effects na maaring makatulong sa pagtukoy ng iba’t ibang kulay. Sumasabay pa ang effects sa tuwing pinipindot ang 8 tones nito.
“Handy" rin ito para sa mga babies na nagdadala ng laruan kahit saan magpunta. Madali kasing mabitbit dahil sa size nitong 18 x 5 x 16 cm. May built-in na ring handle upang mas madaling bitbitin. Well-packaged din ang produkto kaya tiyak na makasisiguro kang nasa maayos na kalagayan pagdating nito.
Features we love:
- Safety
- Safe and environment friendly.
- Ito rin ay may non-toxic odor.
- Design
- Colorful kaya naman maganda sa mata ng bata.
- Lighting effects para makadagdag pang-aliw habang tinutugtog.
Best for Fun

Tiyak na makukuha ng laruang ito ang atensyon ng iyong baby. Cute na cute rin dahil sa unicorn themed nito. May dalawang kulay na maaring pagpilian, pink at green. Bukod sa sound, mayroon ding fun lighting na may combination of colors na dinesign talaga para ma-enjoy ng mga babies.
Convenient din itong dalhin dahil hindi naman kalakihan ang size. May sukat lamang na 18 x 13 x 5 cm ang laruang ito. May kasama na ring handle na kayang-kaya bitbitin ng mga maliliit na kamay ng mga bata.
Features we love:
- Design
- High-quality PVC ang material.
- Unicorn-themed na unique sa mata ng bata,
- With fun light and sounds.
Best for Realistic Experience

Gaya ng nabanggit kung paano pipili ng musical toy para sa mga toddlers, dapat ay parang totoo ang bilhin. Pasok ang piano toy na ito dahil sa itsura at features na mayroon ito. Halos hawig nito ang professional electronic organ kaya naman mararamdaman ng iyong chikiting ang realistic experience na siya ay ganap nang pianist.
Matututunan niya talagang paunlarin ang kanyang talent skills sa pagtutugtog dahil sa 61 simulation black and white keys na maaaring pag-aralan. Bukod pa diyan, taglay rin nito ang mga quality tones, rhythms, melodies, at iba’t ibang music na pwede niyang maiexplore.
Hindi lamang ang pagtugtog ng iyong baby ang pwedeng mapaunlad dito. Dahil sa may kasama itong external microphone pwede na rin niyang mahasa ang kakayahan sa pagkanta. Malinaw na maririnig ang tugtog at boses dahil sa quality speakers nito.
May sukat itong 54.5 x 17.5 x 5.5 cm perfect para maimagine niyang totoong piano na talaga ang kaniyang tinutugtog.
Features we love:
- Safety
- Made of security and eco-friendly material.
- Smooth edge para hindi masaktan ang iyong baby.
- Non-toxic at safe ABS plastic.
- Design
- Realistic dahil hawig sa totoong electronic organ.
- Professional looking.
- Black and white.
- Brand-new at high quality.
Best for Convenience

Great idea ito kung naghahanap ka ng maireregalo sa iyong musically-inclined child! Talaga namang convenient dahil easy roll ang piano na ito at madali dalhin kahit saan man magpunta. Bukod sa pagiging portable nito, waterproof at shatterproof na rin! Safe na safe para sa inyong mga travels.
Kahit pa ito ay may compact size gumagana pa rin ito tulad ng isang totoong piano. Maaaring iexplore ni baby ang 16 tones, 10 rhythms, at 6 demo songs na mayroon ito. Mayroon na rin itong USB Mini port na pwedeng maikonekta sa inyong computer.
Features we love:
- Safety
- 100% waterproof.
- Shatterproof.
- Non-toxic material.
- Made out of silicon rubber kaya naman pwedeng dalhin nang hindi agad nada-damage.
- Design
- Rechargeable.
- Unique and handy.
- Easy roll.
Best for variety of instruments

Mukha bang kinahihiligan talaga ni baby ang mga instruments? Kung nais mo siyang bilhan ng laruang hindi lamang piano, ito na ang para sa kanya. Mayroon itong 2 modes for jazz at djembe para sa drum set. 4 modes na trumpet, guitar solmization para sa trumpet. 4 modes sa glockenspiel, animal, number, para sa xylophone. Kaya tiyak na mapauunlad nila ang iba’t-ibang musical talents ni baby.
Bukod dito, may fun game rin itong kasama na “Whack-A-Mole" na makakatulong sa eye coordination niya. Maaari rin ma-attract ang curiosity ng bata dahil sa gentle flashlight at colorful keys nito.
Mae-enjoy rin pareho ng mga mommies at babies ang bonding dahil sa may built-in microphone ito. Pwedeng-pwedeng makatulong sa pagdevelop ng vocalization ng bata.
Features we love:
- Safety
- ASTM CPSIA certified environmentally friendly.
- ABS plastic.
- Free of BPA and lead.
- Design
- Cool at maraming functions na pwedeng i-explore.
- Cute patterns.
- Convex-concave surface.
- Soft color keys.
Price Comparison
Talaga namang lahat ng piano toys na ito ay nakakaexcite bilhin para sa iyong baby. Tiyak na mapauunlad mo ang talent ng inyong anak pagdating sa musika. Para mas madali kang makapagdesisyon sa kung anong produkto ang bibilhin, inilista na rin namin ang presyo ng bawat isa para macheck kung swak ba sa inyong budget ang pipiliing piano toy:
Brand |
Price |
JLT Farm Animal Piano |
₱ 150.00 - ₱ 160.00 |
YVANX Unicorn Piano Electronic Organ Play |
₱ 699.00 |
Mommy Baby 61 Key Kids Music Keyboard Digital
Electric Organ Piano with Mic |
₱ 476.00 - ₱ 499.00 |
Konix Folding Piano |
₱ 4,575.00 |
Bebamour 5 in1 Musical Instruments |
₱ 1,169.00 - ₱ 3,751.00 |
BASAHIN:
Sustainable Wooden Toy brand, Tooky Toy, opens in LazMall
Toy organizer brands in the Philippines as low as P38!
Top 5 Fun and Safe Toys for Babies