Hello everyone! This is almost six years ago, but I still remember the details on what had happened that time. Also, I’m currently pregnant with my second baby that’s why I decided to share this story cos it brings back memories. Here it goes …
During my first pregnancy, I only do my pre-natal at a Lying-In center near our residence. Only the midwives are the ones that checking on me every check up.
At that time, it is my follow-up check up at exactly 38 weeks. The midwife unintentionally touched my belly . It was already my turn, then she asked me “how many weeks am I?” Cause she feels like my tummy is kinda hard that time. So I said im exactly on my 38th weeks.
Let’s switch to tagalog na para mas feel char!
Then nagulat sya, sabi nya di ka pa ba na-a-IE? Sabi ko “di pa po.” Since it’s my first time, I don’t know exactly how they do IE or Internal Examination.
Then pag IE saken, sabi ba naman ng midwife ay nasa 3-4cm na ko. Agad-agad, wala man lang akong na-feel na kahit ano.
So, sabi ni midwife maglakad, lakad na daw ako o much better lakarin ko na pauwi since di naman kalayuan bahay namin. Pero after she performed IE saken dun na nag start na makaramdam ako ng parang “mild dysmenorrhea.”
Naglalakad na ko pauwe nun. Hanggang makarating ako sa bahay namin di na nawala yung pain sa puson ko na para nga lang dysmenorrhea. So ako kiber lang di ko muna pinapansin at medyo sa sobrang kampante ko nga di pa pala ako nakalaba ng damit ni baby. Although di naman madumi yun kaso naistock yun so yung color eh, di na kaputian.
So nung time na yun nataranta nako. Laba agad pag-uwi kahit may pain na since tolerable naman hahaha. If you’re gonna ask me din why I did not prepare earlier, eh kasi may mother said na base sa sabi sabi ng matatanda di daw maganda mag prepare agad ng gamit ni baby. Plan ko talaga nun by 7 months pa lang preparado na since that’s when I found out my baby’s gender. Kaso ako naman na-sobrahan sa late preparation hahaha.
So ayun nagpunta pa nga ako sa bahay ng mama ko since mag kalapit lang ang house namin. May tindahan pa sila, so, naki-bantay din ako.
Di ko pinapansin yung pain na nararamdaman ko at kumain pa ko nun. I remember, adobong manok pa ulam ko.
Medyo nagre-reklamo pa nga yung customer kasi bakit daw ang sungit ko. Edi, wow! Ikaw kaya mag buntis at ka-buwanan mo na. Yun pala, labor na yun kasi since pag-uwi from check-up until mag gabi na, di talaga nawala yung pain. So ako, nagtataka na din. Napa-isip ako; Sabi ko kay mama, baka manga-nganak na nga talaga ako nung gabing iyun. Pero nag decide ako na mag stay pa sa bahay, since other than what I’m feeling at that moment, wala ng ibang sign.
Maya-maya. that’s probably 8 pm, naramdaman ko may lumabas sa pwerta ko. Pagsilip ko discharge na may kasamang blood. So yun na sabi ng mama ko punta na kami sa Lying-In at yung asawa ko nasa work pa.
Since andun ako sa bahay ng mother ko simula tanghali, umuwi muna ako. Sabi ko, maliligo lang ako at magbi-bihis. Sinundan ako ng mama ko sa bahay pinagmamadali ako dala-dala ko yung baby bag.
Pagdating sa Lying-In, chineck na ako. Yun nga, manganganak na daw ako! Pinahiga ako, nagbihis ng patient gown at sabihin ko lang daw kung may masakit. Maya-maya, pinutok nila ang panubigan ko. May diaper na din ako nun nilagay sa ilalim ko para di mabasa yung bed. Dun nag start sumakit yung balakang ko pero, lucky me, wala pang isang oras since na-admit ako baby’s out na.!
Di talaga ako nahirapan sa first baby ko, thank God!
Unang hiningi ko pag tapos manganak eh tubig. Sobrang uhaw na uhaw ako. Kaso bawal pa daw. So, tiis ako at pinayagan din naman ako, pero konti lang, para maibsan lang ang uhaw.
Tinahi din pala ako, mga mamsh! Alam mo yun, may anesthesia nga pero ramdam ko bawat hila ng sinulid. Hahaha!
Yun lang mga mamshie thank you sa pag basa. Praying na sana madali lang din ako manganak sa second baby ko now. Currently 6 months pregnant po.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!