Hi Everyone! I just wanted to share my pregnancy journey.
I’m 38 years old, 7 years married (turning 8) when I found out that I was pregnant for the first time.
March 4, 2017 noong nag-take ako ng PT at sobra ang aking kaba habang nakikita ko na unti-unting umaakyat sa line. Noong nakita ko na dalawa ‘yong line, “Thank you, Lord” ang aking nasambit.
Before ako mag-take ng PT, wala ako ibang nararamdaman kundi sobrang antok ‘tsaka ang gusto ko kainin ay pansit.
First trimester ko, grabe ang taas ng BP ko! 😢😢 Wala naman ako ibang iniisip pero laging mataas, so nag-ask ako as OB at nag reseta siya ng gamot.
Nagpa-OGTT naman ako at sobra din taas ng sugar ko kaya ang ending hindi ko puwedeng kainin lahat ng gusto ko. Grabe iyak ko kasi nagsabi sa akin ang OB ko na pag hindi ko napababa ang sugar ko, puwede maka-apekto sa baby ko at puwede daw mawala sa amin. First baby namin ito after ilang years na paghihintay.
Dumating ang aking kabuwanan at check-up lang sana nang sinabi ng OB ko na anytime puwede na ako manganak. May kinabit sa aking aparato para malaman ‘yong contractions ko.
Inabot ako ng halos 12 hours sa labor room. Nag pa-epidural ako. Actually, kaya ako nagpa-epidural hindi dahil masakit na kung hindi dahil ‘yong katabi ko sa labor room, nanganak na agad ilang minuto pagkatapos magpa-epidural.
Pero ayaw pa rin lumabas ni baby kaya ang ending na emergency CS ako. 😁😁
Sa ngayon ay 4 years na aming anak at makulit na. Malapit na mag-aral. Matalino siya.
Ngayon po ay 44 na ako at ako ay nanganak uli sa aking second baby na kaka-1 year old pa lang.
Ako po ay naniniwala na kung pagbibigyan ka ni Lord ng baby kahit anong mangyari ibibigay at ibibigay Niya.
Kaya sa nawawalan ng hope na magka-anak, wag po. Dadating din po ang panahon na bibigyan kayo.
Maraming salamat. Sana marami ang ma-inspire.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!