This is my pregnancy journey. Totoo nga na kapag naging isang magulang ka na maiintindihan mo ang hirap ng iyong mga magulang, hindi mo na iisipin ang para sa sarili mo lamang. Iisipin mo muna ang kapakanan ng anak mo, magbabago ang pananaw mo sa buhay.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang pregnancy journey
- Mga pagbabago sa aking buhay
Bago ko malaman na ako’y buntis
Noon, isa ako sa mga babaeng malakaas uminom ng alak, yes! Alak po. Isa rin ako sa sobrang takaw sa matatamus at maalat na pagkain kaya grabe ang binigat ng timbang ko. Hindi rin ako maingat at abusado sa aking katawan sa sobrang puyat at pagod sa trabaho. Sinabihan na rin ako ng aking physical therapist ko na mahihirapan akong magbuntis dahil sa aking problema sa spine.
One day, we found out that I’m pregnant. dDahil 1 month delayed na ako which is hindi normal kahit pa may PCOS ako dahil heavy bleeding naman ang effect ng PCOS sa akin.
Hindi ako nakuntento sa isang PT (pregnancy test) kaya tatlong beses ko inulit. Nagpa-check up din ako sa ospital sa pamamagitan ng blood test para malaman kung buntis ako.
December noong panahon na iyon, napakaraming handaan kailangan kong makasiguro dahil baka umiinom ako o masobrahan ang kain ko. Kaya iyon nang ako’y nagpa-ultrasound 3 buwan na pala si baby sa aking tiyan. Kitang-kita sa ultrasound kung paano siya sumisipa-sipa sa loob ng aking tiyan.
Grabe ang naramdaman kong mga emosyon noon. Sobrang saya ko, sa kabilang banda sobra rin ang pag-aalala ko dahil sa aking health. Iniisip ko kasi na baka balikan ako ng mga ginagawa ko noong nakaraang tatlong buwan bago ko malaman na buntis ako, na baa nakasama sa aking baby.
BASAHIN:
My pregnancy journey
Hindi ako pinahirapan ng aking baby, bukod sa antok at cravings ko wala na akong iba pang nararamdaman. Simula noon, huminto na ako sa pag-inom ng alak siyempre. Binawasan ko na ang pagkain ng matatamis at maalat. Inaalagan ko na ang aking sarili para rin sa aking baby. Sinunod ko rin ang payo ng aking doktor sa akin pati mga vitamins na kailangan kong inumin ay iniinom ko sa tamang oras. Ipinagdadasal ko na maging healthy ang baby ko. Bawat gagawin ko iisipin ko muna kung makakabuti rin ba sa aking anak.
I gave birth to Aven thru Emergency CS. Halos 2 days akong walang tulog, walang kain at inom para sa preparation hanggang sa paglabas ni baby. Nang naipanganak ko si Aven at nakita ko siya, lahat ng hirap sa mahigit 24 hrs na labor ko, nawala lahat. Walang hanggang pasasalamat sa Itaas at sa mga taong gumabay sa akin at sa aking anak.
Salamat sa napakagandang blessing Lord. Its a blessing to become a Mom.Its a blessing to have a purpose in life. Its a blessing to have a beautiful daughter.
This is my blessed pregnancy journey. Kayo Mommies, ano reaksyon niyo noong nalaman niyong pregnant kayo?
#TAPMom #vipparents #TAPwriter
#MommyThineandBabyAven
#PregnancyJourney
Ibahagi ang inyong kwento sa theAsianparent Philippines, i-click lamang ito.