Isa sa mga pinakapinakahahalagan kong pangyayari sa aking buhay ay ang aking karanasan sa pagbubuntis. Malaki kasi ang nagbago sa aking buhay simula nang pangyayaring iyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang karanasan ni Charlote sa pagbubuntis
- Kung ano ang pinagpapasalamat ni Charlote
Mga pangyayari bago ko malaman na ako’y buntis
Malaking pagbabago ang nangyari sa aking buhay nang malaman kong buntis ako. Kaya naman nais ko lamang balikan ang masasaya at nakakatakot na karanasan na pinagdaanan ko habang ako’y nagbubuntis.
Tatlong buwan matapos naming ikasal ng aking mister, hindi naman inakala na ibibigay sa amin ng Diyos ang lagi naming pinagdadasal, ang magkaroon ng anak. Pero bago ko pa malaman na ako’ys buntis, naaksidente kami sa motor. Takot na takot ako sa pangyayaring iyon at sobra akong nagising emosyunal nang oras na iyon. Subalit lubos pa rin ang pagsasalamat ko sa Panginoon dahil hindi ganoon kaseryoso ang nangyari sa amin ng aking asawa.
Matapos ang araw na iyon, 8 days na akong delayed sa aking menstruation iyon pala’y buntis na ako kay blessed son. Sobrang thankful ako kay Lord dahil nang maaksidente kami ng mister ko hindi ko alam na isang buwan na pala akong buntis. Prinotektahan ng Panginoon ang aming anak mula sa kapahamakan.
Ang aking pagbubuntis
Wala akong mga morning sickness na nararanasan ng mga panahon na iyon. Kaya naman parang wala namang nagbabago sa akin. Inakala ko rin na normal lang ang paglaki ng aking tiyan dahil tumataba na rin ako nang mga panahong iyon. Kaya naman clueless talaga ako noong mga panahong iyon.
Karanasan sa pagbubuntis. | Larawan mula sa iStock
Normal lang pala talaga yung wala kang mararamdaman na morning sickness, ang sabi ko nga noon parang hindi ako pinahihirapan ng aking anak noong nasa loob siya ng aking sinapupunan. Pero akala ko lang pala.
BASAHIN:
STUDY: Stress sa pagbubuntis, maaaring may epekto sa brain development ni baby
Buntis ba ako?: Masakit na boobs maaaring senyales ng pagbubuntis
My twin pregnancy journey in the midst of lockdown
Nang mag-8 months ang aking anak sa loob ng aking sinapupunan, doon ko simulang naranasan ang hirap. Nahirapan ako noon sa paghinga, nahihirapan din ako sa pagtulog at mostly ang hirap kapag ako’y nakakaroon ng rashes sa aking buong katawan. Isa iyon sa mga bagay na hindi napatuloy sa akin. Subalit matapos ko namang manganak ay nawala rin iyon.
Karanasan sa pagbubuntis. | Larawan mula sa iStock
Lubos din talaga ang pagpapasalamat ko sa aking asawa, dahil hindi siya nagsasawang intindihin ako that time. Sobrang emosyunal ko kasi nang mga panahong iyon. Mixed emotions din araw-araw ang nararamdaman ko. Nahihirapan ako dahil gusto ko laging makitang ang aking asawa noong ako’y nagbubuntis. Kaya naman siguro ay kamukhang-kamukha niya si Luke.
Ang aking pinagpapasalamat at realizations
Lahat ng paghihirapan at mga bagay na aking pinagdaanan bago ako mabuntis at habang ako’y buntis ay worth it lahat. Worth it, ‘yung hirap kahit na 18 oras akong nag-labor, kinaya ko pa rin na mailabas ng normal ang aking baby; worth it, kasi ipinanganak siya sa araw na pinagdasal naming mag-asawa.
Larawan mula sa iStock
It was all God’s plan. Kahit na may minor accidents sa motor, nag-jogging pa ko, sumakay sa extreme rides ng ‘di ko alam na ako’y buntis na pala.. But still binigay niya pa rin si Luke sa amin. Kaya naman it was all worth it! ❤️
Ikaw mommy? Ano ang kwentong pagbubuntis mo? ❤️ Share mo naman.
#TAPMom #vipparents #TAPWriter #PregnacyJourneyNiBlessedMom
Ibahagi ang inyong kwento sa theAsianparent Philippines, i-click lamang ito.