3-taong gulang na bata, na-stroke dahil sa bulutong

Hindi inakala ng mga magulang ng bata na stroke na pala ang nangyari sa kanilang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinong mag-aakala na ang isang 3-taong gulang na bata ay maaari ng makaranas ng stroke dulot ng komplikasyon ng isang sakit? Ganito ang nangyari sa isang bata sa United Kingdom matapos itong ma-stroke dulot ng bulutong.

Paano na-stroke ang 3-taong gulang na bata?

Nangyari ito sa batang si Lottie Evans noong siya ay 3-taong gulang pa lamang. Kasama ang kaniyang mga magulang, sila ay nasa isang caravan park sa Abersoch, North Wales nang magkaroon ng kakatwang pangyayari sa bata.

Tatlong buwan bago ito, si Lottie ay kare-recover lamang sa sakit na bulutong at siya ay ipinasyal ng mga magulang sa nasabing parke upang mag-family day.

Habang sila ay nasa parke ay napansin ng mga magulang ang tila pagiging malamya ng kanilang anak na si Lottie. Hindi umano ito umiimik, biglang nadadapa, at hindi mahawakan ng maayos ang anumang hawakan nito.

Inakala ng ina na napagod lamang si Lottie kaya pinatulog muna niya ito sa kanyang higaan. Nang magising si Lottie, laking-gulat ng kaniyang mga magulang na hindi na siya nakakapagsalita at hindi na kayang tumayo pa.

Dinala ng mag-asawa ang kanilang anak sa Ysbyty Gwynedd Hospital sa bayan ng Bangor, na isang oras ang layo mula sa Abersoch.

Nagsusuka na si Lottie sa sasakyan habang sila ay nasa biyahe. Pagdating doon ay agad siyang kinuhanan ng blood sample at isinailalim sa mga pagsusuri.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Diagnosis ng mga doktor kay Lottie

Matapos suriin ang mga nakitang sintomas kay Lottie, unang naging diagnosis ng mga doktor sa kaniya ay ang sakit na Bell’s palsy. Isinailalim si Lottie sa dalawang CT scans upang makumpirma ang kanilang diagnosis.

Habang nag-uusap ang mga doktor at magulang ni Lottie, isang estudyanteng nurse na nasa parehong kwarto, ang nagsabi sa kanila na may posibilidad na na-stroke ang bata at walang Bell’s palsy.

Nakumpirma ito nang lumabas ang resulta ng dalawang CT scan ni Lottie.

“At the time we didn’t think it was a stroke because most people don’t think children can have strokes. We asked if she would recover and they told us that she probably wouldn’t, which was devastating,” sabi ni Claire Marriot, ina ni Lottie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Lottie could not walk or speak and had lost the use of the whole of her right side. We were told the doctors had only ever known about one case where the person fully recovered,” dagdag pa niya.

Stroke dulot ng bulutong: Paano nangyari ito?

Kinabukasan, inilipat si Lottie sa Alder Hey Children’s Hospital at nanatili doon ng dalawang linggo. Doon ay sinabi ng mga doktor ang kinatatakutan ng mga magulang—na hindi magkakaroon ng full recovery ang bata sa loob ng 14 araw.

Sa pagsusuri ng mga doktor, lumalabas na may kinalaman ang virus ng bulutong sa pagkaka-stroke ni Lottie.

“At that point, we were given a ray of light. Doctors believe the stroke was caused by chickenpox, which had narrowed an artery in Lottie’s neck when she had the virus three months earlier,” sabi ng ina ni Lottie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan ng stroke dulot ng bulutong

Gaya ng mga magulang ni Lottie, marami ang nag-iisip na ang stroke ay nangyayari lamang sa mga matatanda at hindi sa mga bata. Bagaman bihira ang mga kaso ng stroke sa mga bata, nangyayari ito sa kahit anong edad ng bata at maging sa mga sanggol na bagong silang pa lamang.

May 2 uri ng stroke na karaniwang nangyayari sa mga bata: arterial ischemic stroke (AIS) at hemorrhagic stroke (HS).

Ang arterial ischemic stroke ay ang pagkakaroon ng isa o higit pang pagbabara o blood clot ng mga arteries sa utak ng isang bata. Ito ang pinaka-karaniwang nangyayari sa mga bagong silang na sanggol. Ito ang naging kaso sa sitwasyon ni Lottie.

Ang hemorrhagic stroke ay ang pagputok naman ng mga ugat sa utak, na nagiging dahilan ng pagdurugo sa utak o bungo ng isang bata. Nangyayari ito kapag nagkaroon ng head injury ang bata o nagkaroon ng aneurism o pagputok ng ugat sa utak dulot ng paghina ng mga artery walls.

Nagkakaroon din nito ang mga taong may sakit na hemophilia o isang uri ng sakit sa dugo na pumipigil sa maayos na blood clotting kapag nasusugatan o nauuntog.

Senyales at sintomas ng stroke sa mga bata

Ang kadalasang napapansin sa mga batang na-stroke ay ang biglaang pagkakaroon ng neurological problems nito na nakakaapekto sa isa o maraming ispesipikong function ng katawan ng bata. Karaniwang halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Sakit ng ulo – pagkakaroon ng matindi at biglaang pananakit ng ulo ng isang bata na tinatawag na ‘thunderclap headache’.
  2. Seizures – bagaman ang seizure ay sintomas rin ng iba pang uri ng sakit, isa ito sa kadalasang nararanasan ng batang nai-stroke.
  3. Altered mental status – pagbabago sa ugali ng bata o pagkakaroon ng biglang kalituhan sa mga simpleng bagay.
  4. Pagkaantok – pagkaramdam ng bata ng biglaang antok o pagkahimatay.
  5. Panghihina ng isang side ng katawan (hemiparesis) – ito ang pinaka-karaniwang senyales ng stroke, kung saan nanlalambot ang isang parte ng mukha, braso, o paa ng bata.
  6. Hirap sa pagsasalita – ito ay ang pagkakaroon ng problema sa pagsasalita (expressive dysphasia), hirap sa pag-unawa ng mga salita (receptive dysphasia) o hindi maintindihang pagsasalita (dysarthria).
  7. Abnormalidad ng paningin – ito ay ang pagkakaroon ng kalabuan sa kalahati ng paningin (hemianopsia), panlalabo ng paningin sa isang mata (amaurosis) o panlalabo ng dalawang mata (diplopia).
  8. Vertigo – hindi makabalanse ng pagtayo ang isang bata o hindi makapaglakad ng diretso dahil sa pagkahilo.
  9. Pamamanhid ng isang side ng katawan – biglaang pamamanhid ng isang parte ng katawan na may kasamang pakiramdam na parang tinutusok.

Agad na ipatingin sa doktor ang bata kung nakitaan ng ilan sa mga nabanggit na senyales ng stroke.

Kalagayan ni Lottie ngayon

Dalawang taon ang lumipas matapos na ma-stroke dulot ng bulutong, patuloy pa rin ang ginagawang physio, occupational therapy, at speech and language therapy ni Lottie. Dumaranas pa rin kasi siya ng facial paralysis at hirap sa pagsasalita matapos ang nangyaring stroke sa kanya.

Sa kaniyang huling routine MRI scan, lumabas na nagkaroon ng ikalawang stroke ang bata bagaman wala namang nangyari pangmatagalang epekto sa kanya. Araw-araw na ang pag-inom ni Lottie ng aspirin upang maiwasan ang panganib ng pagkakaroon ng isa pang stroke.

“Despite everything we consider ourselves blessed, many parents don’t get to take their children home from hospital after a pediatric stroke and tragically around the world stroke is one of the top ten causes of death in children,” sabi ng ina ni Lottie na si Claire.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I would like to get Lottie’s story out to give other parents the hope that although a child suffers a pediatric stroke, there is sometimes a positive outcome in the hope we can give another parent who goes through what we have a bit of support,” dagdag niya.

 

 

Source: DailyMail UK, Kids Health, Child Neurology Foundation

Images: Claire Marriot

BASAHIN: Mga newborn puwedeng magkaroon ng stroke!