X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Nurse, huli sa CCTV na ibinalibag ang newborn sa crib

4 min read

Nabagok ang ulo ng baby sa isang ospital na kung saan siya dapat nabigyan ng tamang pangangalaga. Noong una ay naging palaisipan pa ang naging dahilan nito sa mga doktor. Ngunit ng tingnan ang CCTV sa nursery na pinaglagyan ng sanggol, doon nakita ang naging dahilan kung bakit at paano ito nangyari.

Nabagok ang ulo ng baby

nabagok ang ulo ng baby

Image from AsiaOne

Ayon sa Korean media reports, gabi ng October 20, sa isang pribadong ospital sa Busan, ay nagpakita ng palatandaan ang isang 5-day-old baby girl na hirap itong huminga.

Ang sanggol ay pinangalanang si A-young na dali-daling inilipat sa mas malaking ospital upang siya ay mas masuri at matingnan. Doon natuklasan ang tunay na kondisyon ng sanggol. Lumabas sa pagsusuri na nabagok ang ulo ng baby at mayroon itong severe brain damage.

Hindi maipaliwanag ng mga doktor kung bakit at paano ito nangyari. Hanggang sa nagsagawa ng imbestigasyon at tingnan ang CCTV sa nursery ng pinanggalingan nitong ospital.

Doon nakita kung ano ang naging dahilan ng pagkabagok ng ulo ng sanggol. At ito ay gawa ng nurse na dapat sana ay nagbigay ng mas maingat na pangangalaga sa kaniya.

Base sa CCTV video na kuha noong October 20, makikitang sa leeg hinahawakan ng nurse ang sanggol na si A-young ng ito ay kaniyang kargahin. Kitang-kita rin na imbis na dahan-dahan ay pabagsak na ibinalibag nito ang sanggol sa kaniyang crib. Kuha rin sa video na hinampas pa nito ng towel ang sanggol sa mukha.

Ayon sa awtoridad, maliban noong October 20 ay nakatanggap rin ng parehong pang-aabuso ang sanggol noong October 18 at 19. Ito ay kanilang natuklasan base parin sa kuha ng CCTV.

Ngunit, kahit na may ebidensya, itinanggi parin ng nurse na nasa video ang kaniyang ginawa sa sanggol. At ipinilit pati ng ospital na pinagtratrabauhan nito na nabagok ang ulo ng baby ng ilipat ito ng ospital.

Sa ngayon ay nahaharap sa kaso ng child abuse ang nurse. Ngunit ayon sa korte ay kulang daw ang ebidensyang magpapatunay rito. Dagdag pa ang pagbibigay konsiderasyon sa kondisyon ng nurse na nagdadalang-tao.

Pangangalaga sa bagong silang na sanggol

Ang mga bagong silang na sanggol ay nangangailangan ng maingat na pangangalaga. Ito ay dahil mahina pa ang kanilang katawan. Isa nga sa dapat binibigyan ng dobleng pag-iingat sa isang newborn ay ang kaniyang ulo. Dahil hindi tulad ng isang bata o matanda ay malambot pa ito. Mas madali itong masusugatan o kaya naman ay mababagok kung mauuntog ng malakas sa isang sulok o bagay.

Hindi rin dapat inaalog o ishine-shake ang sanggol ng malakas. Dahil ito ay maaring magdulot ng pagdurugo sa kaniyang utak na maari niyang ikamatay.

Sa pagkarga sa sanggol ay dapat laging sinusuportahan ang ulo at leeg nito. Ito ay dahil hindi pa kaya ng kaniyang katawan ang bigat ng kaniyang ulo. At kung mapapabayaan ito ay maaring magdulot ng pagkabali ng kaniyang leeg.

Bunbunan ng sanggol

Malamang ay narinig mo na ang tungkol sa malambot na bunbunan ng sanggol. Ito ay dapat mong pagkaingatan. Dahil ito ang parte ng ulo ng sanggol na kung saan ang kaniyang bungo ay hindi pa ganap na sarado.

Kaya naman makakabuti kung lagi mo itong i-checheck. Dahil sa pamamagitan rin nito ay masasabi mo kung mayroong hindi magandang nararamdaman ang isang sanggol. Tulad nalang kung ito ay malalim o lubog na palatandaan ng dehydration sa sanggol. Kung ito naman ay tila nakabukol at matigas, palatandaan ito ng sakit na dapat na agad matingnan ng isang doktor.

Laging tandaan na ang katawan ng isang sanggol ay mahina at malambot pa. Kaya naman dapat sa pangangalaga sa kanila ay kailangan laging maingat. At hangga’t maari ay laging maging dahan-dahan.

 

Source: AsiaOne, Kids Health, Very Well Family

Basahin: 8 facts tungkol sa iyong newborn na dapat mong malaman

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Nurse, huli sa CCTV na ibinalibag ang newborn sa crib
Share:
  • Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby

    Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby

  • 2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

    2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby

    Newborn Guide: 7 na dapat mong malaman tungkol sa buhok ni baby

  • 2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

    2-buwang sanggol na nagsusuka at hirap huminga, dulot ng masikip na bigkis pala

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.