Newborn tumigil sa paghinga habang pinapasuso ng ina

“Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ni Eddie para malaman ko kung mayroon pang gatas doon, wala akong nakita pero alam ko nabulunan siya.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikinagulat ng 30-year old na si Victoria Dawson, isang nurse sa Ruskington, Lincolnshire nang nabulunan sa gatas niya ang kaniyang bagong silang na sanggol na si Eddie habang kaniya itong pinapasuso.

Sa loob nga lang daw ng ilang segundo ay bigla nalang nanlata at tumigil sa paghinga ang kaniyang apat na linggong sanggol habang ito ay karga niya.

“Nagsimula siyang umubo na tila nabubulunan. Nang nilayo ko siya sakin para tingnan, nagkulay grey na siya at parang lantang gulay na”, pagkwekwento ni Victoria.

Dahil dito ay tarantang nagsisigaw si Victoria sa kaniyang asawang si Alex para humingi ng tulong na agad namang tumawag sa mga paramedics.

Buti na lamang ay isang nurse si Victoria at may kaalaman sa first aid o pangunang lunas na alam niyang kailangan niyang gawin sa mga oras na iyon.

“Nilagay ko ang daliri ko sa bibig ni Eddie para malaman ko kung mayroon pang gatas doon, wala akong nakita pero alam ko nabulunan sa gatas ko si Eddie. Kaya tinatapik-tapik ko ng matigas ang kaniyang likod pero walang nagbago, matamlay at namumutla parin siya. Mula sa pagkukulay dilaw dahil may jaundice siya nagkulay grey si Eddie”, pagbabahagi ni Victoria sa kaniyang hindi makakalimutang karanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nang makita niyang hindi na humihinga si Eddie, binigyan niya ito ng rescue breaths o mouth to mouth resuscitation habang humihingi ng tulong ang asawa niya sa emergency services.

Habang papunta sa kanila, pinayuhan ng mga medics si Victoria na pahigain si Eddie sa sahig at bigyan ng cardio-pulmonary resuscitation o CPR.

Agad naman itong isinagawa ni Victoria na  ayon sa kaniya ay hindi na niya maalala kung ilang compression ang kaniyang ginawa bago tuluyang bumalik sa paghinga ang kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“May malaking gap sa bawat paghinga niya kaya hindi parin ako  kampante hanggang hindi pa dumarating ang mga paramedics. Parang napakatagal ng oras pero halos isang minuto lang ang nagdaan ng dumating sila”, kwento pa ni Victoria.

Nang dumating na nga ang mga paramedics ay agad nilang nilagyan ng oxygen si Eddie at dali-dali itong dinala sa ospital para maobserbahan.

Nakakatakot na Karanasan

Nag-iwan nga ng nakakatakot na karanasan kay Victoria ang nangyari na kung saan nag-iiyak siya ng walang tigil sa loob ng dalawang araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi ako mapalagay kapag pinapasuso ko siya kasi baka mabulunan ulit siya sa gatas ko. Pero dahan-dahan sinusubukan ko. Hindi ko akalain na kailangan kong bigyan ng CPR ang sarili kong anak na ginagawa ko lang noon sa ibang tao pero buti na lamang at marunong ako,” pagpapasalamat ni Victoria dahil sa binigay niyang pangunang lunas ay naligtas ang kaniyang anak.

Agarang Aksyon

Sa mga nanay kung sakaling bigla nalang tumigil sa paghinga ang inyong anak, ito ang ilang life-saving tips na maari ninyong gawin.

  • Tumawag sa agarang tulong o emergency services.
  • Ilagay ang inyong labi sa ilong at bibig ng inyong sanggol at hipan ng malakas o bugahan ito ng hangin.
  • Kung mag-isa lang bigyan ng CPR sa loob ng isang minuto ang iyong sanggol bago humingi ng tulong.
  • Ilagay ang iyong dalawang daliri sa gitna na kaniyang dibdib at ipump ito ng tatlumpung beses sa bilis na 100-120 per minute. Bugahan ng hangin ang kaniyang ilong at bibig ng limang beses.
  • Ulitin ito, bigyan ng 30 pumps ang sanggol at bugahan ng hangin ng dalawang beses ang kaniyang ilog at bibig.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Irish Mae Manlapaz.

Basahin: Sanggol patay dahil sa maling paraan ng pagpapasuso

Sinulat ni

theAsianParent