Isang ina mula sa UK ang nagsisisi dahil sa pagkamatay ng kaniyang anak. Ang dahilan diumano ng kanyang pagkamatay, ay ang maling paraan ng pagpapasuso na itinuro sa kanya ng mga kumadrona.
Ano ang maling paraan ng pagpapasuso?
Noong Agosto ng nakaraang taon, nagpapasuso si Ann Bradley ng kanyang bagong panganak na sanggol na si Louie Francis Bradley. Dahil sa sobrang pagod, nakatulog si Ann habang nagpapasuso ng kanyang anak. Sa kasamaang palad, nadaganan ni Ann ang kanyang sanggol, at ang bata ay namatay.
Ayon sa doktor na tumingin sa bangkay ng bata, sinisisi nito ang maling paraan ng pagpapasuso na itinuro ng mga kumadrona kay Ann.
Sabi ni Ann na matapos niyang manganak ay kinakabahan siya at nahihirapang magpasuso. Dahil dito, tinuruan siya ng mga kumadrona kung paano magpasuso ng bata at sinabihan siyang pwede raw silang matulog ng magkatabi habang nagpapasuso.
Ngunit ang ganitong paraan ng pagpapasuso, kung saan magkatabi ang ina at sanggol, ay hindi ligtas, lalo na sa mga bagong panganak. Ito ay dahil inilalagay lang nito sa panganib ang sanggol.
Salungat ang binigay sa kaniyang payo
Ayon naman sa head na kumadrona sa ospital kung saan nanganak si Ann, itinuturo daw nila sa mga bagong ina na hindi dapat matulog ng magkatabi ang ina at ag bagong panganak na sanggol.
Ngunit sabi naman ni Angela Helleur na isa ring kumadrona ay ang ibinibigay nilang payo sa mga ina ay ang magpasuso sa kama. Dagdag pa niya na mahirap bantayan lahat ng ina sa ospital. Pero dagdag niya na pinapayuhan nila ang lahat ng mga ina na huwag matulog katabi ang kanilang mga anak.
Ang naging cause of death ng sanggol ay dahil umano sa maraming dahilan. Kasama na rito ang naharangan ang kanyang paghinga dahil sa maling paraan ng pagpapasuso. Bukod dito, mayroon rin daw bronchopneumonia ang sanggol, at sintomas ng sipon.
Dahil sa kanyang pagkamatay, rerepasuhin ng Royal Bolton Hospital ang kanilang patakaran pagdating sa pagpapasuso. Ayon sa kanila, mas pagbubutihin pa nila ang kanilang polisiya tungkol sa co-sleeping.
Source: Metro
Basahin: Sanggol, patay matapos matulog sa tabi ng mga magulang
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!