Sanggol, patay matapos matulog sa tabi ng mga magulang

Sanggol, patay matapos matulog sa tabi ng mga magulang

Isinugod ang sanggol sa ospital ngunit huli na ang lahat. Ang trahedyang ito nawa ay magsilbing babala sa mga magulang patungkol sa pagpapatulog ng inyong anak na sanggol sa inyong tabi.

Malungkot na araw para dalawang magulang ng isang sanggol – an 36 araw pa lamang - ang Hunyo 20, 2017. Pumanaw ang kanilang anak matapos matulog sa parehong kama nila ang sanggol noong nakaraan na gabi.

Sa ulat ng The Straits Times, nagpasiya umano ang mga magulang ng sanggol na patulugin ang anak sa kanilang kama dahil mas mapapadali nito ang pagpapakain sa kanya.

Kinabukasan, ayon sa ama ng bata, iba daw ang kanyang pakiramdam ng makita ang anak, natuklasan nitong hindi na humihinga ang bata.

Isininugod ang bata sa ospital ngunit huli na ang lahat. Wala ng buhay ay bata ng dumating sa ospital, ayon sa balita.

Mga dapat at hindi dapat gawin sa pagpapatulog ng sanggol katabi ng mga magulang

Ang pagpapatulog ng inyong anak na sanggol sa inyong tabi o ang tinatawag na co-sleeping ay tunay na nakakatulong maibsan ang kakulangan ng tulog ninyong kanyang mga magulang.

Ngunit, sa lahat ng bagay kaugnay ng mga sanggol, may mga patakaran para masigurong ito ay ligtas.

Habang maraming mga eksperto ang salungat sa ideya ng pagpapatulog ng mga sanggol katabi ng kanilang mga magulang, sa dahilang baka madaganan ang bata at hindi ito makahinga, may mga sang-ayon naman dito kasama ang paalala ng pag-iingat.

Narito ang mga payo mula kay Dr. James McKenna, anthropologist, Director of the Center for Behavioral Studies of Mother-Infant Sleep, Notre Dame University and author of Sleeping with Your Baby: A Parent’s Guide to Cosleeping. 

Una n’yang babala ay siguraduhing ‘ideal’ ang co-sleeping: sober o wala sa impluwensya ng alak o droga, hindi obese, hindi naninigarilyo, at nagpapasuso. Ayon kay Dr. McKenna, ang pinakamainam na paraan ng co-sleeping ay ang pagtulog sa sahig, sa kutson sa gitna ng kuwarto.

Maliban dito, ang kanyang payo:

  • Siguruhing ang ulunan at paahan ng inyong kama ay mahigpit ang pagkakaayos upang masigurong hindi susuot ang inyong sanggol ditto.
  • Pag-isipang maglagay ng bedrail upang matiyak na hindi mahuhulog ang inyong anak
  • Wag iiwanan ang sanggol sa kama ng matatanda ng mag-isa
  • Iwasan ang co-sleeping sa mga bagong panganak na mga sanggol
  • Iwasan ang paggamit ng water beds, fluffy na mga unan, makakapal na beddings dahil mapanganib ito at maaaring maging sanhi ng hindi paghinga
  • Siguraduhing hindi masyadong mainit ang temperature sa loob ng kuwarto dahil maaari itong maging dahilan ng Infant Death Syndrome o SIDS.
  • Wag patutulugin ang sanggol at ibang bata o kaya naman ang inyong alagang hayop sa iisang kama.

Ang article na ito ayunang isinulat ni Nalika Unantenne.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.
Article Stories
app info
get app banner