LOOK: Double celebration para sa mga anak ni Nadine Samonte

lead image

Ipinagdiwang ni Nadine Samonte at ng husband niyang si Richard Chua ang birthday ng kanilang panganay na si Heather at dedication ng bunsong si Titus.

Pinagsabay ng dating aktres na si Nadine Samonte at asawang Richard Chua ang selebrasyon ng birthday ng kanilang panganay na si Heather Sloane at dedication ng kanilang bunso na si Austin Titus.

Double celebration

Paw Patrol ang naging theme ng 3rd birthday celebration at dedication nila Heather at Titus.

Kombinasyon ng kulay asul at pula ang cake ni Heather.

Samantalang baby blue naman ang kay Titus.

Naging souvenirs naman ay mga Paw Patrol na unan na may pangalan nila Heather at Titus.

Meron ding mga mukha ng Paw Patrol characters na una.

Present sa masayang selebrasyon ng mga anak nila Nadine at Richard ay sina Mariel Padilla kasama ang anak na si Isabella, Patrick Garcia kasama ang asawang si Nikka Garcia at mga anak na sina Michelle, Patrice, at Pia, Isabel Oli-Prats kasama ang anak na si Feather, Joko Diaz, at siyempre ang actress Mom ni Richard na si Isabel Rivas.

Pagbubuntis ni Nadine

Naging mahirap nga kay Nadine Samonte ang pagbubuntis noon sa panganay na si Heather Sloane, na ngayo'y tatlong taong gulang na nga, dahil sa kundisyong Polycystic ovarian syndrome o (PCOS) at antiphospholipid antibody syndrome o (APAS) na isang disorder sa immune system.

Kaya naman minabuti niyang magpa-eksamin ulit para makasigurong wala na siya ng mga ito sa pangalawang pagbubuntis na itinuturing niyang “unexpected,” pero welcome gift.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Nadine Chua (@nadinesamonte) on


Sa kasamaang palad sa kaniyang pangalawang pagbubuntis sa kaniyang bunsong si Austin Titus, taglay pa rin niya ang APAS, kaya naging doble ingat pa rin siya.

Pero nagkaroon nga ng insidente noong ika-15 ng Oktubre na isinugod na niya ang kaniyang sarili sa hospital dahil sa kaniyang kundisyon.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

I rushed myself to the hospital kaninang hapon first time in my life i experienced this. While eating my lunch kanina i felt theres something na parng sumasakal na sa akin inside me i dont know kung anu un so binalewala ko hangang sa parng sumsbra na ung sakal inside tapos pati paglunok ko nahihirpn nko so i called the secretary of my ob ang bilin ni dra i have to go to the hospital er agad pag dtng ko er i was catching na din my breathe nahihirpn nko huminga knti im scared because of my baby baka makaapekto or what i dont know then finally na allergy ako sa fried chicken which i always eat naman super weird nakakatakot ung feeling kasi ok lng kung ako pero i was super scared baka maka affect na kay baby. Buti nlng they injected me medicine agad and unti unti nawala ung narmdmn ko huhuhuhu? i was praying kanina na sana everything is okay everything will be okay ang hirap pala pag buntis tlga bgla bgla my mga nangyayari ang hirp pa kasi wala pa lagi si hubby ko so lagi ako magisa? but thankful ako that im okay now kelngan daw ako maadmit pero i chose to go home nlng. Thank you Lord??Sa mga nagtatanung yes im still APAS so injection everyday again im not complaining and i know this will be another beautiful journey for me because he/she is beautiful??❤️ Thank you Lord? #blessed

A post shared by Nadine Chua (@nadinesamonte) on


Sa hirap ng kaniyang pagbubuntis nagkaroon ng wish si Nadine na sana ay baby boy na ang ipagkaloob sa kanila ng asawa niyang si Richard Chua para marahil kung hindi na nila i-attempt maka-tatlo pa ay may babae at lalaki na sila.

 

Photos: Nice Print Photography

Basahin: Actress Nadine Samonte's baby falls victim to digital kidnapping

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner