Tinatamad bang pumasok sa paaralan ang iyong anak? Baka kailangan niyang ma-inspire. Narito ang istorya ng isang dalaga na nag-aaral pa rin kahit may cancer. Kilalanin natin siya.
Kuwento ng katatagan sa kabila ng sakit na cancer
Hindi naging hadlang para sa isang dalaga ang kanyang sakit upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Siya si Maxine Blanco, isang 19-aong gulang na college student mula sa University of Sto. Tomas.
Inilahad ng kasintahan ni Maxine ang kuwento ng katatagan ng dalaga sa isang post na naging viral na ngayon sa social media.
“SHE’S FIGHTING THE CANCER AWAY WITH STUDIES!! She really wants to go to school so bad so ayun pumasok siya.” sabi ni Gab Sta. Ana
“If i get stressed out with my studies siya inspiration ko kasi even with cancer, she can go to school pa kasi she wants to study. GANUN SIYA KALAKAS NA BABAE!!! IM SOO INLOVE WITH HER BECAUSE OF THAT!!” dagdag pa niya.
Inspirasyon bakit nag-aaral pa rin kahit may cancer
Anim na taon nang magkasintahan sina Gab at Maxine at pareho nilang piniling mag-aaral sa iisang unibersidad upang makasama ang isa’t-isa sa kolehiyo at makapagtapos ng sabay.
“Well FOREVER BAGAY talaga kami kasi we passed the USTET and we’re THOMASIANS NAAA!!! So we’re happy na dederetso ang story namin to the College Level!! So thankful talaga!!” sabi ni Gab.
Bagaman sinubok ng sakit na cancer ang kanilang pagsasama, hindi bumitiw ang dalawa. Patuloy na sinuportahan ni Gab si Maxine.
“May plan si God sa amin and we’re ready kung ano ibibigay niya sakin. With his guidance, I know she’ll get thru this!!” aniya.
Update sa kalagayan ni Maxine
Sa kasamaang-palad, binawian ng buhay si Maxine ng alas-3 ng hapon, March 23, 2019.
Hindi man napagtagumpayan ni Maxine ang sakit na cancer, lumisan siyang buo pa rin ang loob at nanatiling positibo pa rin ang pananaw sa buhay.
“Just know that I will never stop walking our path and living life to the max,” sabi ni Maxine sa isa sa kanyang huling post sa kanyang personal account.
“I may have cancer but cancer will never EVER have me.” dagdag niya.
Source: GMA News Online, Facebook
Images: Gab Sta. Ana, Maxine Blanco, and Live life to the Max Facebook Account
BASAHIN: Baby nalamang may cancer dahil sa white spots na nakita sa mata