Sino nga ba ang mag-aakala na dahil lamang sa isang litrato ay malalaman pala na mayroong sakit na kanser ang isang bata?
Mababasa sa artikulong ito:
- Bata nagkaroon ng kanser sa mata
- Ano ang Retinoblastoma?
- Sintomas ng kanser sa bata, ano-ano nga ba?
- Treatment para sa cancer sa mata
Ngunit ayun na nga ang nangyari nang mapansin ng isang ina na tila kakaiba ang mata ng anak niya sa mga letrato. Iyon pala ay ito ay sintomas ng kanser sa mata, na sa kabutihang palad ay naagapan agad ng mga doktor.
Bata nagkaroon ng kanser sa mata
Ayon sa inang si Emily Smith, nagtataka raw siya nang makitang parang may tila puti sa mata o blur ang kaniyang anak na si Jaxson.
Dahil dito, naisipan niyang ipatingin sa doktor ang kaniyang anak. At buti na lang ginawa niya ito, dahil nalaman na mayroon pa lang cancer sa mata si Jaxson.
Naisip umna niya itong gawin dahil nagtataka siya bakit maputi ang mata ng kaniyang anak sa mga picture. Kaya’t sinubukan niyang hanapin ang sagot sa Google, at nalaman niyang posibleng cancer umano ito sa mata.
Ang natural na reflection ng mga mata sa camera kapag tinamaan ng flash ay dapat mapula. Kapag puti raw ang repleksyon nito sa mata ito ay posibleng may problema ang mata ng isang tao. Ito ay dahil nagre-reflect sa likod ng mata ang ilaw, at dito makikita ang tumor na dahil sa kanser.
Larawan mula sa Shutterstock
Bihira ang ganitong klase ng cancer sa mata
Ayon sa doktor na tumingin kay Jaxson, pambihira raw ang kaso ng bata. Ito ay dahil isa sa pinaka-rare na form ng cancer ang retinoblastoma, o eye cancer, at ito raw ang unang beses niyang makakita nito.
Agad-agad na nagsagawa ng mga tests ang mga doktor, at mabilis na nasimulan ang therapy para sa bata. Sa kabutihang palad, matapos ang operasyon at chemotherapy kay Jaxson, ay stable na ang kaniyang kalagayan.
Bagama’t nakakatakot raw ang nangyari sa anak, masaya raw ang mga magulang ni Jaxson na ligtas na ang kanilang anak. Ngunit dahil sa mabilis na aksyon ng kaniyang ina, at sa kaniyang pag-research ng kondisyon ng anak, ay naiwasan itong lumala at maaga pa lamang ay nagamot na ang kanser sa mata ni Jaxson.
Ano ang Retinoblastoma?
Ito ay isang sakit na kung saan malignant ang cells o cancerous ito na nagpo-form sa tissues ng retina ng mata. Ang ating retina ay gawa sa nerve tissues na nakalinya sa likod ng ating mga mata.
Nagre-receive ito ng ilaw at nagko-convert ito ng ilaw papunta sa optic nerve of utak natin. Ang utak naman ang nagde-decode ng signals na ito para malaman kung ano ba ang nakikita ng ating mga mata.
Maaaring magkaroon ng retinoblastoma ay isa o parehas ng mata. Ang cavitary retinoblastoma ay isang tipo ng retinoblastoma kung saan ang mga hollow spaces ay nabubuo sa loob ng tumor.
Maaaring magkaroon nito ang kahit sino, bata man o matanda. Subalit kadalasan tinatamaan nito ang mga batang nasa edad na 2 taong gulang pababa.
Larawan mula sa Shutterstock
Dapat magpa-eye check up ang mga batang may family history ng retinoblastoma
Ayon sa National Cancer Institute, ang mga batang may family history ng retinoblastoma ay kinakailangang magpa-eye exams upang matignan o ma-detect agad ito. Kaya tayo bilang mga magulang na alam ang ating history ay dapat maging alerto patungkol rito. Lalo na kung alam natin na mayroon tayong history sa pamilya na nagkakaroon nito.
Dagdag pa rito ang mga batang may family history ng sakit na ito ay dapat na regular ang pagpapa-check up sa mata lalo na habang bata pa sila.
Ang pagkakaroon ng early diagnosis ng retinoblastoma ay makakatulong upang maagapan at magamot agad ang sakit na ito. Maaaring kausapin ang doktor ng inyong anak kung ano bang klaseng exam ang dapat sa kaniya, at kung tuwing kailan gagawin ito. Lalo na sa may mga history ng ganitong sakit sa kanilang pamilya.
Ang pagkakaroon ng cancer sa mata na retinoblastoma ay maaaring namamana at hindi namamana.
Narito ang ilan pang mga factor kung may heritable form ng retinoblastoma:
- May family history ng retinoblastoma
- Mayroong isa o higit pang tumor sa mata
- May tumor sa parehong mata
Samantala, ang retinoblastoma o uri ng cancer sa mata na nonheritable form ay hindi namamana mula sa mga magulang. Ito ay isang uri ng retinoblastoma kung saan ang nagdudulot nito ay ang mutation ng RB1 gene. Nangyayari ito pagkatapos ipanganak ang bata. Kadalasan ang nonheritable retinoblastoma ay tinatamaan lamang ang isang mata.
BASAHIN:
Neonatal Leukemia: Everything you need to know about this cancer that can afflict newborns
Inakalang kulani, paunang sintomas na pala ng cancer sa bata
2-taong gulang na bata, na-diagnose ng rare na uri ng ovarian cancer
Sintomas ng kanser sa bata, ano-ano nga ba?
Dahil sa mabilis na pag-iisip ni Emily, ay nasagip niya ang buhay ng kaniyang anak. Ngunit, ito lang nga ba ang sintomas ng sintomas ng kanser sa mata? Paano naman ang ibang mga uri ng kanser?
Narito ang mga sintomas ng kanser sa mata, ito ay ang mga sumusunod:
- pagkaroon ng puti sa mata
- Pagdurugo, o kaya hindi paggaling ng mga sugat.
- Biglaang panghihina, o kaya kawalan ng ganang kumain.
- Kakaibang mga bukol sa katawan na lumalaki.
- Pananakit ng ulo na hindi maipaliwanag.
- Nahihirapang lumunok o kumain.
- Pagkakaroon ng dugo sa ihi.
- Biglang pagkakaroon ng lagnat, o kaya pinapawisan sa gabi.
- Mabilis na pagbaba ng timbang.
- Pagkakaroon ng mga pasa na matagal gumaling.
- Pagsusuka at pagkahilo.
- Pagbabago ng paningin, o kaya paglabo ng mata.
Kung mayroong mga ganitong sintomas ng kanser sa mata ang iyong anak ay mahalagang ipatingin sila agad sa doktor upang malaman kung ano ang kanilang karamdaman. Tandaan, ang maagang pag-detect sa cancer ay nakakatulong upang makaiwas sa malalang komplikasyon nito.
Paano mada-diagnose ito?
Upang ma-diagnose ito narito ang mga pwedeng itanong at ipaggawang test ng doktor sa iyong anak. Ito ay ang mga sumusunod:
1. MRI o magnetic resonance imaging
Isa itong procedure kung saan gumagamit ng magnet, radio waves, at computer upang makalikha ng serye ng mga detailed na mga larawan ng katawan. Partikular ang loob ng katawan ng tao, katulad na lang ng loob ng mata. Ang procedure na rin na ito ay tinatawag na nuclear magnetic resonance imaging o NMRI.
Ang pag-diagnose sa sakit na ito ay hindi mangyayari kung hindi dadaan sa biopsy ang pasyente.
Kapag nalaman nga na may retinoblastoma ang isang bata o tao sa isang mata ay kadalasang nagkakaroon din nito ang isa pang mata.
Larawan mula sa Shutterstock
2. Physical exam at health history
Kinakailangan na magkaroon ng isang physical exam ang bata upang makita kung ano ba ang lagay ng kaniyang kalusugan. Upang makita rin kung mayroon bang unusual sa kaniya.
Tatanungin din ng doktor kung ano ba ang habits ng pasyente at kung mayroon ba itong past illness at treatment. Asahan din na itatanong ng doktor kung mayroon bang history ang pamilya sa retinoblastoma o cancer sa mata.
3. Eye exam
Isa sa mga susunod na exam na pwedeng gawin ay pag-check sa mata. Ang eye exam kung saan ang pupil ng pasyente ay dilated o mas malaki ang bukas, maglalagay ang doktor ng medicated eye drops upang makita ng doktor sa pamamagitan ng kaniyang lens at pupil at retina.
Ang loob ng mata, kasama na retina at optic nerve ay titignan din. Kapag bata naman ang magsasagawa ng eye exam na ito maaari siyang ilagay sa anesthesia.
Narito ang ilan pang eye exam para sa dilated pupil. Ito ay ang mga sumusunod:
- Ophthalmoscopy
- Fluorescein
- Electroretinography
4. Isang ultrasound sa mata
Isa pa sa mga maaaring gawing test upang ma-diagnose ang sakit na ito o cancer sa mata na ito ay ang pagsasagawa ng ultrasound sa mata.
Isa itong procedure kung saan gumagamit ng high-energy sound waves upang matignan ang kalagayan ng mata. Magpapatak ng eye drops upang mapamanhid ay mata upang maisagawa ang ultrasound na ito.
Ang echo mula rito ay maglilikha ng larawan upang makita ang buong kundisyon ng mata. Masusuri nito ang cornea hanggang sa retina ng mata. Tinatawag ang litratong ito na sonogram na makikita rin sa ultrasound sreen monitor. Maaaring ma-print ang larawan mula rito.
Treatment para sa cancer sa mata
Larawan mula sa Shutterstock
Ilan sa mga maaaring gamot o treatment para sa kanser sa mata na ito. Mayroong anim na standard treatment upang magamot ito. Ito ay ang mga sumusunod:
- Cryotherapy
- Thermotherapy
- Chemotherapy
- Radiation therapy
- High-dose ng chemotherapy na may kasamang stem cell rescue
- Operasyon
Para naman sa mga batang mayroong retinoblastoma ay kinakailangan na mayroong plano ng mga health providers at eksperto upang magamot ang kanser na ito sa mga bata.
Sources:
Reader’s Digest, Daily Mail, Medine Plus, National Cancer Institute
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!