Isang nakakadurog-pusong balita ang natanggap ng isang pamilya sa Senoia, Georgia matapos na ma-diagnose ang kanilang bunsong anak na babae ng ovarian yolk sac tumor, isang rare na kaso ng ovarian cancer na kinakailangan ng operasyon at matagalang gamutan. Ang bata ay 2-taong gulang pa lamang.
Ovarian yolk sac tumor ni Baby Kenni
Na-diagnose si McKenna Shea Xydias o mas kilala sa palayaw na Baby Kenni ng ovarian yolk sac tumor kamakailan nang siya ay dinala sa ospital ng kaniyang mga magulang dahil sa 39.4°C na lagnat at bloated na tiyan.
Inakala noong una ng kaniyang pediatrician na may ‘bubble of gas’ sa kaniyang bituka base sa kaniyang x-ray result. Ngunit lumabas naman sa resulta ng kaniyang ultrasound na may malaking bukol sa ovaries si Baby Kenni.
Nagimbal ang mga magulang na sina Mike at Meagan Xydias sa resultang ito. Para makasiguro, isinailalim din si Baby Kenni sa CT at MRI scans.
Sa resulta, lumabas na kumalat na ang tumor sa iba’t-ibang parte ng abdomen ng bata. Ang isa sa malaki ay malapit sa liver at ang pinakamalaki ay nasa kanang obaryo na may sukat na 14 centimeters.
Si Baby Kenni ang isa sa mga pinakabatang nagkaroon ng ovarian yolk sac tumor sa medical history dahil ang karaniwang edad ng mga nagkakaroon nito ay edad 10 hanggang 30 taong gulang.
Mga treatment na ginawa kay Baby Kenni
Sa laki ng natagpuang bukol sa katawan ng bata ay minabuti na ng mga doktor na tanggalin ang kanang obaryo ni Baby Kenni at binawasan rin ang kaniyang bituka.
Tuluy-tuloy pa rin ang chemo therapy session ng bata at kasalukuyang naghahanap na ng iba pang treatment ang mga doktor upang maisalba ang kaniyang kaliwang obaryo.
“We try to take every day one step at a time, but having to consider how these tumors and consequential chemo will potentially effect Kenni in the long run, forces us to look at the big picture as well,” sabi ni Mike Xydias sa ginawa nilang GoFundMe page para sa kanilang bunso.
Sa isang panayam sa TV show na Good Morning America, sinabi rin ni Mike na hindi nila inasahang mangyayari ito sa kanilang unica hija.
“I didn’t realize that it could happen to such a young kid. I know Meagan and I both agree that Kenni is our hero with how she’s dealing with this. She is a ball of energy and a stereotypical 2-year-old,” sabi ni Mike.
“She’s the youngest child, where she is the boss and she’s extremely stubborn, which a great character trait in going to fight cancer. She doesn’t let anything stop her,” dagdag niya.
Ano ang ovarian yolk sac tumor?
Ang cancer ni Baby Kenni ay nahahanay sa Ovarian Germ Cell Tumors o GCT. Ito ang bumubuo ng halos 25% ng lahat ng uri ng ovarian tumor, kasama rito ang mga benign o hindi cancerous na bukol.
20% ng lahat ng ovarian tumor ay cancerous at sa 20% na iyon ay may 20% ding cancerous na ovarian yolk sac tumor. Sa madaling salita, ang ovarian yolk sac tumor ay isang rare na uri ng ovarian cancer.
“This is very, very rare. It is the youngest of which I have heard,” sabi ni Dr. Robert Wenham, Chairman ng Gynecological Oncology Department ng Moffitt Cancer Center.
“The good news is the five-year survival for treated patients is relatively high ranging from around almost 100 percent for stage 1 down to 70 percent for stage 4.” aniya.
Ayon pa kay Dr. Wenham, hindi pa tiyak kung magiging epektibo ang pagtanggal sa ovarian yolk sac tumor ngunit sa kaso ni Baby Kenni ay kinailangan itong gawin upang maisalba ang mga healthy organs sa paligid ng tumor.
Sa ngayon ay mas epektibo para kay Baby Kenni ang tuluy-tuloy na chemotherapy at nangangailangan ng tulong pinansyal ang kaniyang pamilya upang maipagpatuloy ito.
Source: Daily Mail, Fight with Kenni Facebook page
Images: Fight with Kenni Facebook page
BASAHIN: Newborn, agad na na-diagnose ng cancer matapos ipanganak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!