Hilik ng baby: Normal ba ito o dapat alalahanin?

You shouldn't be worried unless the problem persists for months.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal ba ang naghihilik na baby, at ano ang dahilan nito?

Maraming kakaibang ginagawa ang mga baby, gising man o tulog, na hindi natin sigurado kung dapat alalahanin o hindi. Ang mga baby ay madalas gumagawa ng kakaibang tunog. Mula sa tila nagmumumog pati sa pagtunog ng mga labi hanggang sa malakas na paghinga habang tulog. Ang iba pa ay tumatawa at humahagikgik. May mga cute na cute din na naghihilik na baby.

Dapat bang mag-alala kung naghihilik ang baby? Alamin natin sabay-sabay kung bakit humihilik ang baby!

Naghihilik na baby: Ano ang dahilan? | Source: Pixabay

Bakit humihilik ang baby?

Ang mga bagong panganak ay mas humihilik dahil sa maliliit na daluyan ng hangin na patuloy nagdedevelop para lumaki.

Ang mga maliliit na baby ay madalas nababasa ang nostrils ng mga mabubulang secretions. Sa kanilang paghinga, ang hangin na dumadaan sa mga as mga secretions na ito ang gumagawa ng mga tunog. Ito ang dahilan ng naghihilik na baby!

Sa kanilang paglaki, lumalaki rin ang mga daluyan ng hangin. Natututo rin ang mga baby na lunukin ang sobrang laway na nakakabawas sa mga tunog ng paghilik. Kung nagpatuloy ang paghilik, ito ay senyales na malamang, ang daluyan nila ng hangin ay nakakahasagabal sa kanilang paghinga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghihilik na baby: Paano ito maiiwasan?

1. Tanggalin ang mga sobrang secretions sa nostrils

Hindi kailangang magpunta sa duktor para matanggal ang mga sobrang secretions sa ilong ng baby. Maaari rin itong gawin sa bahay lamang. Ang kailangan lamang gawin ay sprayan ito ng ilang patak ng saltwater nose drops isa o dalawang beses sa isang araw.

Mabibili ito sa mga pharmacy. Gamitan ng nasal aspirator para mahigop ang sobrang secretions.

2. Gumamit ng steam

Napapansin bang mas nakakahinga nang maluwag kapag nasa warm shower? Gawin din ito sa iyong anak. Pumunta sa shower kasama ang baby bago matulog at hayaan ang steam na paluwagin ang kanyang paghinga. Maaari rin gumamit ng warm-mist vaporiser upang mabawasan ang hilik ng baby.

3. Tanggalin ang mga allergens sa kwarto

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghihilik na baby: Ano ang dahilan? | Source: Pixabay

Isang posibleng rason kaya barado ang ilong ng baby ay dahil sa mga alikabok at iba pang allergens. Tanggalin ang mga maaaring kumolekta ng alikabok tulad ng basahan, stuffed toys, at animal dander mula sa kwarto para mabawasan ang alikabok at dumi.

4. Gumamit ng air purifier

Ang ilang aircon ay may built-in na air purifier. Ngunit, kung ang baby ay hindi natutulog nang may aircon, makakatulong ang paggamit ng stand-alone air purifier sa kalidad ng hangin sa kwarto. Ang ilang stand fans ay mayroon na ring built-in air purifying features upang mabawasan ang hilik ng baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

5. Ibahin ang posisyon sa pagtulog ng baby

Isa sa mga rason ng paghilik ng baby ay maaari ring dahil sa posisyon. Ang ilang baby ay mas humihilik kapag nakadapa matulog, ngunit tumitigil kapag nakahiga. Ganunpaman, kailangang siguraduhin na ang bagong panganak at natutulog nang nakahiga para maiwasan ang panganib ng Sudden Infant Death Syndrome.

Kailan dapat alalahanin ang paghilik ng baby?

Naghihilik na baby: Ano ang dahilan? | Source: Pixabay

Bakit humihilik ang baby at kailan dapat alalahanin ang paghilik ng baby?

Sa paglaki ng iyong anak, dapat mabawasan ang pag hilik ng baby. Normal lamang ang mabula at tila nagmumumog na tunog bago magngipin kung kailan may sobra siyang laway. Ngunit bukod duon, dapat mabawasan ang malakas na hilik ng baby. Subalit, kung magpatuloy ang malakas na paghilik at baradong ilong, kailangan nang magpasuri sa duktor. Susuriin ng mga duktor gamit ang test na polysomnogram na nagrerecord ng patterns ng paghinga habang tulog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan, ang paghilik ay dulot ng deviated nasal septum (ang buto sa pagitan ng mga butas ng ilong), na maaaring bahagyang makabara sa isa sa mga butas.

Susuriin din ng duktor ang lalamunan ng baby para tiyaking walang structural abnormality. Isa dito ang di karaniwang paggalaw ng palate ng baby o cysts. Isa ring susuriin ng mga duktor ay kung ang baby ay may quirk na laryngomalacia, na nagdudulot ng maingay na paghinga. Ito ay nangyayari kapag ang cartilage na karaniwang nagpapanatiling naka bukas ang daanan ng hangin ay hindi pa fully matured.

Maaari ring bantayan ang laryngomalacia sa pamamagitan ng pagtingin sa paghinga ng baby. Kung ang karaniwang dent sa leeg ng baby sa itaas ng breastbone ay lumalim sa paghinga, senyales ito ng laryngomalacia.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Healthline

Basahin: 

Sleep apnea sa mga bata: Sanhi, sintomas, at lunas

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.