Napapatanong ka rin ba kung ano ang SIDS of ang Sudden Infant Death Syndrome? Narito ang isang gabay para sa ‘yo!
Ano ang SIDS sa tagalog?
Ayon sa pag-aaral noong 2010, ang Sudden Infant Death Syndrome o SIDS sa tagalog ay tumataas ng 33 porsiyento tuwing sasapit ang Bagong Taon. Ang datos na ito ay base sa 129,090 na kaso ng SIDS mula taong 1973 hanggang 2006.
Bakit biglaan ang pag-akyat ng mga kaso ng SIDS? Ayon sa mga eksperto, ang pag-inom ng alak ng mga magulang at mga tagapag-alaga ng bata tuwing bagong taon ang nangungunang dahilan.
Habang marami pang kailangang patunayan tungkol sa kaugnayan ng SIDS at alak. Sinasabi naman sa pag-aaral na ang alak ang pangunahing dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol. Ito ay dahil na rin sa nababawasan ang kakayahang ng magulang mag-alaga. Halimbawa, kapag nasa impluwensiya ng alak, nakakalimutan ng magulang na ihiga ang sanggol sa kanyang likuran. Tumataas ang panganib ng SIDS kapag ang sanggol ay nakadapa o kaya nakatagilid dahil sa ganitong posisyon nahihirapan huminga ang sanggol.
Gayunpaman, inaalam pa rin ng mga eksperto kung ang alak ay nag-iisa lamang na dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol o may iba pang dahilan. (e.g. nakalimutang ihiga ang sanggol sa kanyang likuran). Maaari ring isang paghalili sa pagtaas ng pag-inom ng alak (e.g. paninigarilyo).
SIDS Sudden Infant Death Syndrome | Image from Freepik
Ano ang sanhi ng SIDS
Ang kakulangan sa kaalaman upang malaman ang tunay na dahilan ng SIDS ay nakakabahala.
Walang may alam kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol. Gayon man, ang mga biktima ng SIDS ay nakakaranas ng biglaang paghinto ng paghinga at walang kakayahang maging alerto upang huminga ulit.
Gaano man katagal ang ilaan upang malaman ang tunay na dahilan ng SIDS, wala pa ring malinaw na sagot kung paano malalaman ang mga sintomas nito. Bagaman hindi pa malinaw ang tunay na dahilan ng biglaang pagkamatay ng sanggol.
Ano ang sanhi ng SIDS
- Ang SIDS ay madalas na nangyayari sa mga bata edad dalawa, pero may ilang kaso ng biglaang pagkamatay ng sanggol edad isa kada taon.
- Maaring may kaugnayan ang kasarian dahil halos 3 sa 5 na biktima ng SIDS ay lalaki.
- Kapag ang inyong sanggol ay lantad sa ilang nakakabalisang bagay (gaya ng nakadapa matulog o sobrang lambot ng higaan)
- Ipinanganak na kulang sa buwan o mababa ang timbang.
- Kung ang ina ng sanggol ay nasa edad 20 pababa.
- Mga sanggol na nakararanas mag-agaw buhay (e.g. namumutla at kinakailangan ng i-resuscitate)
- Mga sanggol na may inang naninigarilyo, umiinom ng alak at gumagamit ng pinagbabawal na gamot habang siya ay nagbubuntis.
- Ang mga sanggol na ipinanganak na may abnormalidad (may sakit sa puso, sa utak at may impeksiyon sa panghinga)
- Mga sanggol na nakakalanghap ng usok ng sigarilyo bago pa man siya isilang.
- Ang sanggol na hindi nakakatanggap ng maayos na pre-natal check-up.
SIDS Sudden Infant Death Syndrome | Image from Freepik
Mga Paraan Paano Mapababa ang SIDS
Ang SIDS o biglaang pagkamatay ng sanggol sa tagalog ay magkakaiba depende sa bansa at etnikong grupo, at ang Asya ang may mababang bilang ng insidenteng ito.
Sa Estados Unidos, ang SIDS ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng sanggol, bilang isang maunlad na bansa halos 1500 ang nauulat na kaso sa taong 2013 ayon sa CDC.
Kilala rin bilang “crib death”, ang biglaang pagkamatay ng sanggol o SIDS ay madalas mangyari habang natutulog ang bata. Ang mga sanggol na namamatay sa SIDS ay walang ipinapakitang senyales. Ito ay hindi sakit o karamdaman. Gayunpaman, ang biglaang pagkamatay ng sanggol ay hindi maipaliwanag sa autopsy, kaya naman SIDS na lang ang ibinibigay nilang dahilan.
Habang wala pang malinaw na dahilan kung paano maiiwasan ang SIDS, may ilang pag-iingat ang mga magulang upang mabawasan o mapababa ang bilang ng SIDS:
1. Ihiga ang sanggol na nakalapat ang likod
Ang mga sanggol na nakadapa o nakatagilid kung matulog ay mataas ang tiyansang mahirapang huminga. Kaysa sa mga sanggol na nakalapat ang likuran kung matulog. Dahil ang paghiga nang nakadapa ay magdudulot ng hirap sa paghinga at may posibilidad na malanghap ang carbon dioxide na kanilang nilabas at magkulang sa oxygen.
At kung nag-aalala ka sa flat spot o pagpatag ng ulo ng iyong sanggol dahil sa sobrang higa na nakalapat ang likod, maari mo naman siyang buhatin paharap sa iyo habang siya ay gising.
Sa susunod na si Yaya o si Lola ang gustong magpatulog kay baby na nakaharap, huwag matakot magsabing “Hindi pwede”. At sabihan silang maghintay na lumaki ang iyong anak. Dahil iyon ang panahong kaya na niyang kontrolin ang kanyang katawan.
2. Pumili ng Magandang Tulugan
Sa pagpili ng tulugan ng sanggol, laging isang-alang-alang ang matibay na kutson at akmang sapin sa higaan. Pagdating naman sa kumot pumili ng tela na mahimulmol o fluffy hangga’t maari.
Siguraduhing walang nakapalibot na unan, kumot o mga laruan na maaring maging sanhi ng pagbabara ng daluyan ng hangin habang tulog ang inyong anak. Kung hindi maiwasang kumutan ang iyong sanggol, mas mabuting pumili ng kumot na makakahinga nang malaya ang iyong anak. Siguruhing ligtas ito kahit pa magkakawag siya sa ilalim nito o mahila niya ito hanggang sa kanyang ulo.
3. Alisin ang mga Bumper Pads
Ang pinakamahalaga, iwasang gumamit ng mga bumper pads sa kuna. Sa pag-iwas dito nababawasan ang panganib na baka masakal o makulob ang iyong anak sa kuna. Malayang makakadaloy ang hangin sa loob nito at maari mo pang makita ng walang sagabal ang iyong anak sa loob ng kuna.
4. Matulog kasama ang Iyong Anak
Pinagde-debatihan ngayon ang pagtulog kasama ang anak at SIDS, ngunit sa kasalukuyang pag-aaral ipinapakita na mas mababa ang bilang ng biglaang pagkamatay ng sanggol lalo na sa Asya na kung saan ang kultura ay iba, at ang pagtulog nang magkakasama ay tradisyonal na. Bukod sa pinagtitibay nito ang samahan ng pamilya, nakakatulong din ito sa sanggol na makatulog nang maayos.
Tiyaking matibay ang kutson. Ang maluwag na espasyo para sa iyo at sa iyong sanggol ay mahalaga. Higit sa lahat walang nakakagambala sa kanyang paghinga.
Kung hindi ka pa handang matulog kasama ang iyong anak, maari mo namang itabi ang kanyang higaan o kuna malapit sa iyo. Lagi mong tatandaan na mahalagang paniwalaan mo ang iyong instinct bilang magulang. Ang iyong katawan ay umaayon sa iyong bagong silang na sanggol. Kahit sa munting tigagal o galaw niya ay magigising ka.
5. Iwasang Mainitan ang Iyong Sanggol
Sa katulad nating tropikal na bansa na kung saan mainit ang klima araw-araw, mataas ang panganib para sa mga bagong silang na sanggol na mainitan sila. Lalo na kung bukas-sara ang aircon sa kuwarto. Mas mabuting bantayan ang mga senyales kung naiinitan ang sanggol katulad ng pagpapawis at mamasa-masang buhok.
Tiyaking malamig ang kuwarto ng iyong sanggol, hindi mainit o kulob. Tandaan na ang mainit na alimuom ng hangin ay nagdudulot ng kahirapan sa paghinga.
Maliban na lang kung ang iyong anak ay ipinanganak na kulang sa buwan. Iwasan ang patung-patong na damit o pagbalot dito. At para makasigurado, i-check ang temperatura ng iyong anak nang madalas at tiyaking nasa normal na 36 degree celcius lamang ito.
SIDS Sudden Infant Death Syndrome | Image from Freepik
6. Magpasuso, Magpasuso, Magpasuso
Alam naman nating lahat ang benepisyong dala ng pagpapasuso at ang mabawasan ang panganib ng SIDS ay isa rito. Ang proteksiyong dala ng pagpapasuso ay malakas at epektibo. Lalo na kung ang iyong sanggol ay eksklusibong nakakakuha nito sa loob ng anim na buwan. Ang pagpapasuso sa iyong sanggol simula unang buwan ay nakakaiwas sa panganib ng SIDS.
Sa tamang pangangalaga, kumpletong bakuna, regular na check-up at isang maayos, malinis na kapaligiran. (malaya sa usok ng sigarilyo, alak at droga) Ito ay makakatulong sa pag-iwas ng biglaang pagkamatay ng sanggol. Sa kaso ng SIDS, ang paghahanda o pagpigil ay siyang susi sa pag-iwas dito.
7. Paggamit ng Pacifier
Hayaang gumamit ng pacifier ang iyong anak upang humimbing ang kanilang tulog. Ang paggamit ng pacifier ay nakakatulong sa sanggol na makahinga nang maluwag.
Nangyayari sa Anumang Kalagayan
Napakahalaga ang pagsunod sa kaligtasan upang maiwasan ang biglaang pagkamatay ng sanggol o SIDS. Sa pangyayaring marami pa ring sanggol ang namamatay sa kabila ng pag-iingat ng mga magulang. Sana isang araw, malaman natin ang tunay na dahilan ng nakapanlulumong sakit na ito at makahanap ng lunas para dito.
If you want to read the english version of this article, click here.
BASAHIN:
Safe bang patulugin ang baby nang nakadapa?
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!