Naghihilik ang iyong anak? Alamin kung ano ang sanhi ng paghilik ng bata

Kailangan bang patingnan sa doktor ang iyong anak dahil sa paghihilik? Alamin ang kasagutan dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang himbing ng tulog ng iyong anak, naghihilik pa. Pero mabuti nga ba ang naghihilik na bata o mayroon dapat na ikabahala? Alamin ang kasagutan dito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Naghihilik na bata, maaring magkaroon ng learning disabilities
  • Mga posibleng sanhi ng paghihilik sa mga bata
  • Mga pwedeng gawin para mabawasan ang paghihilik

Bilang magulang, napakahalaga sa ‘tin ang lahat ng nangyayari sa ating anak. Gusto nating malaman ang bawat detalye tungkol sa kaniya, lalo na kung makakaapekto ito sa kaniyang kaligtasan at kalusugan.

Noong baby pa siya, binabantayan natin ang kaniyang pagtulog. Ngayong medyo malaki na siya, pinagmamasdan pa rin natin siya matulog, at minsan, naririnig mo pa siyang maghilik.

Kadalasang naiuugnay ang paghihilik sa himbing ng tulog ng isang tao, pero alam mo ba na hindi pala mabuti ang paghihilik, lalo na sa mga bata? Ito ay dahil maaari itong sintomas ng ilang sakit at makakasagabal sa kaniyang brain development.

Larawan mula sa Freepik

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naghihilik na bata, maaaring magkaroon ng learning disabilities

Sa isang bagong pag-aaral mula sa University of Maryland, napag-alaman na ang mga naghihilik na bata ay may mataas na posibilidad na magkaroon ng learning disabilities at problema sa pag-uugali.

Tiningnan ng mga researcher ang MRI scan ng higit 10,000 batang may edad na 9 hanggang 10. Naiulat na ang mga bata na naghihilik ng mahigit tatlong beses sa isang linggo ay mayroong mas manipis na gray matter sa bahagi ng frontal lobe ng brain. Pati sa mga bahaging responsable para sa impulse control at higher reasoning (kakayahang kontrolin ang sarili at makaintindi).

“Gray matter is important for development because it is involved with so many complex brain functions in the frontal lobes, such as maintaining attention, organizing your space and time, and other aspects of what is called executive functions,” ayon kay Ariel A. Williamson, PhD, DBSM, isang clinical psychologist at assistant professor of psychiatry and pediatrics sa Children’s Hospital of Philadelphia. Isa ring siyang sleep expert sa Pediatric Sleep Council.

“Executive functions develop during childhood and are critical for supporting academic, social-emotional, and behavioral skills.” dagdag pa niya.

Dahil rito, maaaring may kaugnayan ang paghihilik sa gabi sa kakulangan ng focus, mga problema sa pag-aaral at kaalaman, at pagiging mapusok o impulsive ng isang bata.

Ayon sa pag-aaral, mahalagang masuri ang paghihilik ng bata para malaman kung ano ang sanhi at mayroon ba itong masamang epekto sa kaniyang kalusugan.

Naghihilik na bata – mga posibleng sanhi

Ayon sa website na SleepFoundation.org, hindi naman agad dapat mabahala ang mga magulang kapag narinig nilang naghihilik ang kanilang anak, lal0 na kung minsan lang ito. Subalit kung mas madalas ang paghihilik, maaari itong senyales na may sumasagabal sa kaniyang paghinga habang natutulog.

Naghihilik ang isang tao kapag hindi makadaloy ng maayos ang hangin mula sa likod ng lalamunan. Kapag nag-iinhale o exhale siya, nagba-vibrate ang airway na gumagawa ng tunog na naririnig natin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga bagay na maaring makasagabal sa airway at maging sanhi ng paghihilik. Sa mga bata, ang mga karaniwang risk factors sa paghihilik ay ang mga sumusunod:

  • Obstructive sleep apnea

Ang obstructive sleep apnea (OSA) ay isang kondisyon na nilalarawan ng pagpuputul-putol ng paghinga ng bata habang natutulog sa gabi. Maaari itong mangyari ng maraming beses sa loob ng isang gabi kapag nababara ang daluyan ng hangin sa kaniyang respiratory system.

Puwedeng magdulot ang OSA ng paputol-putol na pagtulog sa mga bata, na nakakaapekto sa kanilang pisikal at mental na kalusugan, pag-aaral at pag-uugali.

Gayundin, karaniwang sintomas ng OSA ang paghihilik, na parang hinihingal ang isang bata. Bagama’t karamihan sa mga batang may OSA ang naghihilik, hindi naman lahat ng naghihilik ay may OSA.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Malaki o namamagang tonsils o adenoids

Ang tonsils at adenoids ay natatagpuan sa likod ng lalamunan at bahagi ng immune system ng ating katawan. Kapag may impeksyon, maaari silang mamaga at makasagabal sa daluyan ng hangin. Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng sleep-disordered breathing (SDB) at paghihilik sa mga bata.

  • Obesity

Ayon sa isang pag-aaral, ang mga batang overweight o sobra sa tamang timbang ay mas mataas ang posibilidad na maghilik. Ang obesity ay maaaring magdulot ng pagkitid ng airways at SDB, kasama na ang obstructive sleep apnea.

  • Baradong ilong

Kapag may sipon ang bata, maaaring magbara ang kaniyang ilong na nakakasagabal sa pagdaloy ng hangin.

  • Allergy

Ang pag-atake ng allergy sa isang bata ay maaring magdulot ng pamamaga sa ilong at lalamunan, kaya mas nahihirapan siyang huminga.

BASAHIN:

Hilik ng baby: Normal ba ito o dapat alalahanin?

Mga importanteng kaalaman na dapat mong malaman paghilik ng bata

REAL STORIES: “Ginawa ko na ang lahat para mapatulog lang ang anak ko sa gabi.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

  • Asthma

Gaya ng allergies, maaring makasagabal ang asthma sa maayos na paghinga, at kapag naharangan nito ang dinadaluyan ng hangin, ang resulta nito ay isang naghihilik na bata.

  • Structure ng katawan ng bata

May mga bata na ipinanganak na hirap sa paghinga kapag natutulog dahil sa istraktura ng isang bahagi ng kanilang katawan. Isang halimbawa ay ang pagkakaroon ng deviated septum, kung saan hindi pantay ang butas ng kanilang ilong at maaaring magdulot ng paghinga gamit ang kanilang bibig at paghihilik.

  • Secondhand smoke

Ang mga batang laging nakakalanghap ng usok ng sigarilyo ay may mas malaking posibilidad na maghilik, ayon sa isang pag-aaral.

  • Maruming hangin

Kapag contaminated o hindi maganda ang kalidad ng hangin sa paligid, maaari itong makasagabal sa paghinga at magresulta sa naghihilik na bata.

  • Maiksing panahon ng breastfeeding

Napag-alaman sa isang pag-aaral ang kaugnayan ng paghihilik ng mga bata at kung gaano sila katagal dumede sa kanilang ina. Hindi natukoy ang eksaktong dahilan sa likod nito.

Pero maaaring dahil sa tumutulong ang breastfeeding na ma-develop ang upper airway ng ating katawan, kaya nababawasan ang posibilidad ng paghihilik.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May paraan ba para mabawasan ang paghihilik ng bata?

Maaring magdala ng kaba o pag-aalala sa magulang kapag nakakarinig ng naghihilik na bata, pero ayon sa mga eksperto, mayroon namang mga paraang pwedeng subukan para mabawasan ang paghihilik ng iyong anak.

Ayon kay Dr. Soroush Zaghi, isang ear, nose, and throat specialist at sleep surgeon sa California, ang unang bagay na dapat gawin ay alamin kung mayroong nakakasagabal sa paghinga ng bata, at pagtingin sa kaniyang ilong.

“Snoring often starts with mouth breathing. Make sure that the child can breathe comfortably through the nose. If there is any difficulty, sometimes cleaning out the nose with a saline rinse can be a big help,” aniya.

Makakatulong din na siguruhin na malinis at walang presensya ng allergens o contaminants sa hangin sa kuwarto ng iyong anak. Mga karaniwang sanhi ng allergies na nakakasagabal sa paghinga ay alikabok, amag o balahibo ng mga hayop.

Turuan mo rin ang iyong anak na huminga sa kaniyang ilong at hindi sa kaniyang bibig para mas maging maganda ang daloy ng hangin.

Sikaping mapabuti ang kalidad ng pagtulog ng iyong anak – siguruhin na komportable ang kaniyang pagkakahiga at panatiliing madilim at tahimik ang paligid habang natutulog siya.

Kapag naghihilik pa rin ang bata matapos subukan ang mga paraan sa itaas, kumonsulta na sa kaniyang pediatrician.

Depende sa resulta ng pagsusuri, magrerekomenda ang doktor ng pinakamainam na gamot o treatment option sa iyong anak. Maari siyang magbigay ng gamot para sa allergies o asthma, o kaya naman surgery kung mayroong abnormalities na nakakasagabal sa paghinga ng bata.

Huwag tulugan ang isyu ng naghihilik na bata! Tanungin ang iyong pediatrician kung mayroon kang napapansing kakaiba sa pagtulog ng iyong anak para masiguro ang kalusugan niya.

Sources:

Healthline, Sleep Foundation

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Camille Eusebio