Nagkakamali ba ang ultrasound at ang kakayahan nitong malaman ang kasarian ng iyong anak?
Ano ang Ultrasound?
Ang ultrasound ay karaniwang ginagamit sa mga buntis na nanay. Isa itong makina na gumagamit ng mataas na frequency sound waves para makita at malaman ang isang buhay na imahe sa loob ng iyong katawan.
Mahalaga ang ultrasound sa mga buntis para makita agad kung may problema ba sa organ, tissue o vessel ang iyong anak na sa loob ng iyong tiyan.
Maaari bang magkamali ang ultrasound sa gender at due date ni baby?
Sa ating mga pilipino, lalo na sa lumang tradisyon ng matatanda, maaari mong malaman ang kasarian ng iyong anak base lamang sa pisikal na anyo at hugis ng tiyan mo habang ikaw ay nagbubuntis. Ito ay isang pregnancy ‘myth’ kung tawagin. Sa usapang science naman, ang ultrasound talaga ang trusted at kilala na paraan para makita ang gender ng iyong anak.
Ngunit nagkakamali ba ang ultrasound sa mga buntis? Ang sagot ay oo.
Ang mga sonographer o eksperto sa ultrasound ay dalubhasa sa larangan na ito ngunit maaari ring magkamali sila sa pagtingin sa malabong imahe ng iyong anak. Lalo na kung nasa kakaiba at tricky na posisyon ang iyong anak dahilan para magkamali sa pagtingin ang mga sonographer.
During ultrasound scan, makikita sa isang monitor ang kadalasang black and white na imahe ng loob ng iyong tiyan. Dito ituturo ng sonographer ang mga angle at shot na nagtuturo ng kasarian ng iyong anak. Ngunit may pagkakataon talaga na maaaring magkamali ang kanilang findings. Kaya naman hindi 100% na masasabi nilang ito ang kasarian ng iyong anak.
Maaari mong malaman na ang kasarian ng iyong anak pagpatak ng iyong 20 weeks pregnancy.
Source:
Australasian Society for Ultrasound in Medicine
BASAHIN:
Presyo ng ultrasound sa Pilipinas
6 Na paraan para malaman kung lalake o babae si baby base sa ultrasound
5 pregnancy myths na hindi mo dapat paniwalaan ayon sa mga doktor