Presyo ng ultrasound sa Pilipinas

Presyo ng ultrasound sa Pilipinas

Kailangang magpa-ultrasound? Alamin dito ang presyo ng procedure na ito at ang paraan kung paano ito maisasagawa ng libre.

Narito ang ultrasound price Philippines list. At sa kung saan puwedeng i-request na maisagawa ito sa isang pasyente ng libre.

Ultrasound Price Philippines

Image from Freepik

Ano ang ultrasound?

Ang ultrasound na tinatawag ding sonography ay isang paraan sa medikal na larangan upang makita ang kalagayan ng internal organs ng isang tao. Sa tulong ng mga high-frequency sound waves ay nakakagawa ito ng imahe ng mga blood vessels, tissues at organs sa loob ng katawan. At maaring makita ng pasyente at kanyang doktor sa pamamagitan ng isang computer.

Ilan sa parte ng katawan na ginagamitan ng ultrasound ay ang abdomen, breasts, female pelvis, prostate, scrotum at thyroid. Isinasagawa rin ito sa mga buntis upang masubaybayan ang paglaki ng fetus sa kanyang sinapupunan. Sa kada parte nga ng katawan na nabanggit ay iba-iba ang uri o techniques ng ultrasound ang ginagamit. Ito ay ang sumusunod:

Types at ultrasound price Philippines

General Ultrasound

Ang general ultrasound ay isinasagawa upang makita ang kalagayan ng mga organs sa loob ng katawan. Nakatutulong ito upang matukoy kung ano ang dahilan ng pananakit, pamamaga o di kaya naman ay impeksyon sa mga internal organs ng katawan.

Isinasagawa ang general ultrasound sa pamamagitan ng pagtatapat ng transducer sa katawan ng tao na ini-eksamin o pinag-aaralan.

Sa ilalim ng general ultrasound ay may iba’t-iba uri rin ng ultrasound na naiiba lang dahil sa parte ng katawan na tinitingnan o pinag-aaralan.

Abdominal Aorta

Ang abdominal aorta ay ang uri ng ultrasound na isinasagawa upang matukoy ang mga aneurysms o arterial disease na nararanasan ng aorta o ang blood vessel na nakakabit sa ating puso.

Isa sa nagsasagawa ng uri ng ultrasound na ito ay ang Philippine Heart Center sa Quezon City. Na kung saan sila ay may ibinibigay ng package na nagkakahalaga ng P5,250.00 na kinabibilangan ng abdominal aorta ultrasound at iba pang test na isinasagawa na may kaugnayan dito.

Cranial

Ang cranial ultrasound ay isang technique upang makita ang loob ng utak. Ito ay isinasagawa sa mga sanggol na may malambot pang bunbunan.

Sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ay nagkakahalaga ang ultrasound na ito ng P1, 450.00.

Inguinal

Ang inguinal ultrasound ay ang uri ng ultrasound na ginagamit upang ma-eksamin ang magkabilang singit. Isinasagawa ito upang matukoy ang anumang dahilan ng pananakit o discomfort sa parte ng katawan na ito.

Sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ay nagkakahalaga ang ultrasound na ito ng P1, 250.00 hanggang P1, 800.00.

Scrotal

Ang scrotal ultrasound ay isinasagawa upang ma-eksamin ang scrotum o bayag ng isang lalaki.

Sa East Avenue Medical Center ang uri ng ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P 1, 450.00.

Thyroid

Ang thyroid ultrasound ay isinasagawa upang matukoy kung may mga bukol o cysts sa thyroid gland ng isang tao. Ang uri ng ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P1, 250 sa East Ave. Medical Center sa Quezon City.

Abdominal ultrasound

Ang abdominal ultrasound ay isinasagawa upang matingnan o ma-eksamin ang mga internal organs sa loob ng tiyan. Tulad ng liver, gallbladder, spleen, pancreas kidneys at bladders. Sa tulong ng abdominal ultrasound ay natutukoy kung may damage ba ang mga organs na ito ng katawan. At nagagabayan nito ang iba pang procedures na dapat isagawa sa tiyan ng isang tao.

Sa East Avenue Medical Center ang ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P 1, 650.00 para sa upper abdomen at P2, 100.00 para sa whole abdomen.

Breast ultrasound

Ang breast ultrasound naman ay isinasagawa sa suso ng babae man o lalaki. Ito ay upang matukoy kung mayroon bang bukol o iba pang abnormalities na tumutubo rito.

Sa East Avenue Medical Center ang uri ng ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P1, 450.00 kada suso.

Obstetric o OB-Gyne Ultrasound

Ang obstetric ultrasound naman ay isinasagawa partikular na sa babaeng buntis. Ito ay upang masubaybayan ang fetus na nasa loob ng kaniyang tiyan. At iba pang organs na mahalaga sa development ng sanggol na kanyang dinadala. Ilan sa maaring matukoy ng uri ng ultrasound na ito ay ang sumusunod:

  • Presensya ng embryo o fetus sa loob ng sinapupunan ng kanyang ina.
  • Age o buwan ng pagbubuntis.
  • Congenital abnormalities na maaring taglay ng ipinagbubuntis na sanggol.
  • Multiple pregnancies o pagkakaroon ng higit sa isang sanggol na ipinagbubuntis.
  • Posisyon ng fetus at placenta sa loob ng tiyan.
  • Level o amount ng amniotic fluid sa paligid ni baby.
  • Pagbabago sa opening o shortening ng cervix ng isang babae.
  • Paglaki ng fetus sa loob ng tiyan.

Sa ilalim ng uri ng ultrasound na ito ay may iba’t-ibang techniques din ang isinasagawa upang matukoy ang iba pang abnormalities sa katawan ng tao.

Ultrasound Price Philippines

Image from Freepik

Pelvic ultrasound

Ang pelvic ultrasound ay ang pinaka-kilalang uri ng ultrasound. Dahil sa ito ang ginagamit upang ma-monitor ang kalagayan ng sanggol sa sinapupunan. Ngunit maliban rito, nakakatulong din ang pelvic ultrasound upang ma-eksamin ang uterus, ovaries, bladder at prostate gland ng isang tao. At upang matukoy rin kung siya ay nakakaranas ng sumusunod na kondisyon:

  • Pelvic pain
  • Abnormal bleeding
  • Menstrual problems
  • Ovarian cysts
  • Uterine fibroids
  • Ovarian at uterine cancers
  • Kidney at bladder stones

Sa East Avenue Medical Center, ang pelvis ultrasound para sa buntis ay nagkakahalaga ng P 1, 200.00.

Transvaginal ultrasound

Ang transvaginal ultrasound ay isang uri ng pelvic ultrasound. Kilala rin ito sa tawag na endovaginal ultrasound at isinasagawa upang ma-eksamin ang female reproductive organs. Ang mga organs na maaring makita o maeksamin gamit ang uri ng ultrasound na ito ay ang uterus, fallopian tubes, ovaries, cervix at vagina.

Ito ay isang internal examination na kung saan naisasagawa sa pamamagitan ng pagpasok ng transducer sa pwerta ng babae.

Sa East Avenue Medical Center ay nagkakahalaga ito ng P 1, 800.00.

Transrectal ultrasound

Samantala, para sa mga lalaki, ang transrectal ultrasound naman ang isinasagawa upang ma-eksamin ang kanilang prostate glands. Sa pamamagitan pa rin ng transducer na ipinapasok sa rectum o puwitan ng isang lalaki ay makikita na ang kasulukuyang kalagayan ng kanilang prostate. Pati na kung may abnormal na bukol o tumor na ba ang tumutubo sa loob nito.

Sa East Avenue Medical Center ang uri ng ultrasound na ito ay nagkakahalaga ng P1, 800.00.

Saan maaring maka-request ng libreng ultrasound?

Dahil sa may kamahalan ang procedure na ito, may programa ang DOH at DSWD para sa mga walang kakayanang magbayad sa pagpapa-ultrasound. Ito ay ang Medical Assistance Program o MAP na nagbibigay ng libreng konsulta at iba pang test at procedures na gagawin sa isang pasyente. Kailangan lang ay mapatunayan ng pasyente na siya ay indigent o walang kakayahang magbayad. At dapat siya ay nagpapatingin o kasalukuyang naka-confine sa isang pampublikong ospital.

Para magamit ang benepisyo ng Medical Assistance Program na ito ay magpunta sa Local Government Unit ng iyong lugar. Dalhin lang ang mga dokumento na magpapatunay ng medical needs mo. Tulad ng reseta, laboratory o ultrasound request. Pati na ang barangay certificate of indigency o indigency card na mula sa medical social service ng ospital. Sa tulong ng isang social worker ay ma-aassist ka na sa medikal na pangangailangan mo.

Ultrasound Price Philippines

Image from Freepik

Mga clinics na maaring puntahan upang magpa-ultrasound

Samantala, maliban sa mga ospital ay may mga diagnostic clinics rin sa Manila ang nag-ooffer ng mga nabanggit ng ultrasound procedure. Ilan sa mga clinics na ito ay ang sumusunod:

Mayon Clinical Laboratory & Medical Services

857 Lot, 3 Mayon St, La Loma, Quezon City, 1114 Metro Manila

Phone: (02) 8708 3520

 

Sis Diagnostic and Laboratory Center

G/F, CMC Building, 303 Dr Jose P. Rizal Ave, Makati, 1204 Metro Manila

Phone: (02) 8890 3226

 

United Diagnostic Laboratory

Taft Ave, Paco, Manila, 1000 Metro Manila

Phone: (02) 8523 4688

 

MedlinePlus Diagnostics

Escoda St, Paco, Manila, 1000 Metro Manila

Phone: (02) 8521 0531

 

Hi-Precision Diagnostics

440, W. Long Building, 442 Del Monte Ave, Quezon City, 1105 Metro Manila

Phone: (02) 8741 7777

 

Ace Diagnostics

1, CPE Building, B2 Marlboro Street Commonwealth Avenue, Novaliches, Quezon City, 1121 Metro Manila

Phone: (02) 8461 3901

 

SOURCES: Atlantic Medical, Radiology Info, Medicine Net, EAMC DOH, DSWD Gov

BASAHIN: 6 Na paraan para malaman kung lalake o babae si baby base sa ultrasound

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner