"Nagkaroon ako ng iba, sana mapatawad mo ako..."

Hindi ko na talaga kayang itago pa sa'yo ito dahil ang bigat na sa kalooban ko...

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Siguro alam mo na na nangaliwa ako kahit hindi ko pa din maamin. Hindi ko alam bakit ko idinadaan sa sulat pero siguro wala talaga akong lakas ng loob na sabihin sa'yo ng harapan. Nagkaroon ako ng ibang babae, siguro dalawang buwan nang nakakaraan. Bago ang lahat, gusto ko muna sanang humingi ng tawad. Kahit alam kong walang kapatawaran ang aking nagawa.

Nag-meet kami sa opisina, hindi ko na sasabihin ang buong detalye. Pero sana maniwala ka na ikaw ang talagang mahal ko. Siguro wala akong karapatan na humingi ng tawad dahil sa panloloko ko sa'yo.

Sana wag mong isiping may pagkukulang ka. Ako lamang ang may kasalanan. Hindi ko alam kung ano ang naisip ko, may maganda akong asawa, na may mabuting puso pero nagawa ko pa ring magloko. Hindi rin kasalanan ng babae, kahit na nag pakita siya ng motibo, wala naman mangyayari kung hindi ako naki-ride at nakipag-flirt.

photo: pixabay

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakahiyang aminin pero nagustuhan ko yung pakiramdam na na-appreciate at na-compliment ng ibang babae. Alam ko sabi nila na natural sa lalaki ang ma-attract sa iba, siguro totoo nga ito, pero walang natural sa pakikipagrelasyon sa iba kapag may asawa ka na. Alam ko, nagkamali ako.

Hindi ko na talaga kayang itago pa sa'yo ito dahil ang bigat na sa kalooban ko. Wala na kaming communication nung babae dahil nag-resign na siya nung sinabi kong wala na kami.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sasabihin kong paulit-ulit na ikaw ang mahal ko. Napaka-swerte ko bilang asawa kaya hindi ko mapatawad ang sarili ko sa nagawa ko. Hindi ko alam kung mapapatawad mo ko pero umaasa ako. Maghihintay lang ako at hindi ako susuko. Lalaban ako, para sa ating dalawa, kahit na ilang taon bago mo ako mapatawad, maghihintay ako. Papatunayan ko sa'yo na nagsisisi ako ng lubusan at hinding hingi na ito mauulit muli.

Alam kong napagod ka na at malamang gugustuhing mong iwanan na ako pero sana mapatawad mo ko.

Ikaw lang ang gusto kong makapiling habambuhay, sana ay mahalin mo pa rin ako pagnabasa mo ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

READ: Sa asawa kong may ibang babae: Alam ko, matagal na

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!