X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sa asawa kong may ibang babae: Alam ko, matagal na

3 min read

Kapag nabasa mo na ito, siguro malalaman mo na matagal ko nang alam na may babae ka. Hindi lang ikaw ang marunong magtago sa atin ng sikreto, pero mas masakit kapag tinatago ko ang lungkot, galit, at kahihiyan ko sa sarili ko.

May pagkukulang ba ako?

Hindi ko alam kung may pagkukulang ba ako, kung may nagawa ba akong mali, o nagsawa ka na lang talaga sa akin. Marami akong tanong.

Noong una kong malaman na may babae ka, ilang ulit kong pinilit kumbinsihin ang sarili ko na hindi ito totoo - na mali ako. Sinabi ko sa sarili ko na may tiwala ako sa'yo, kasi mahal mo ako at ang mga anak natin - hindi mo hahayaan na masaktan kami. Akala ko sapat na iyon para masiguradong hindi ka maghahanap ng iba. Hindi pala.

Natatakot akong iwan mo kami ng anak natin

Naalala mo pa ba noong araw na kinasal tayo? Sumumpa ka sa akin, at sa harap ng Diyos, na mamahalin mo ako habang buhay. Sinabi mo na hindi mo ako ipagpapalit sa iba. Napakasakit para sa akin na makita araw-araw ang mga litrato ng kasal natin na nakasabit sa sala, dahil ngayon, sa halip na masasayang ala-ala, ang naiisip ko lang ay ang katotohanan na hindi ka tumupad sa mga pangakong iyon.

Noong una kong malaman, noong una kong makita ang babae mo, noong una kong nakita na magkasama kayo, halos gumuho ang mundo ko.

Muntik ko na dating sugurin kayo ng babae mo, at ginusto ko kayong saktan. Pero hindi, hindi ko talaga magawa, kasi pagmamahal ang umiral sa isip at puso ko. Naalala ko ang anak natin, at kung gaano tayo kasaya noong dumating siya sa buhay nating dalawa. Naisip ko ang kapakanan n'ya dahil kung gagawin ko ang gusto kong gawin, ako na mismo ang sumira sa buhay n'ya. Kaya wala akong ginagawa. Wala akong magawa. Hindi dahil ayos lang, kundi dahil mahal kita at mahal ko ang anak natin.

Mahal pa rin kita, pero hindi ko alam kung mahal mo parin ako

Ngayon, hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Kaya sinulat ko ito para sa'yo. Hindi kita kayang harapin, kasi nahihirapan ako. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kaya ko.

Gusto kong ayusin ang problema natin. Hindi lang para sa sarili ko, pero para na din sa anak natin. Gusto kong kalimutan na lang ito balang araw, na matanggap sa sarili ko na nagkamali ka, at matutunan kong magpatawad.

Mahal pa rin kita, pero hindi ko alam kung mahal mo parin ako. I want to work this out bago ako sumuko - kung sa huli ay sumuko ka rin sa ating dalawa.

Wala akong ibang malapitan, kasi nasanay akong sa'yo nagsasabi ng mga problema. Pero may tiwala ako sa Panginoon, at nagdadasal ako, na malalagpasan natin ito, na iiwanan mo na yang babae mo at magbabago ka na, para sa sarili mo, para sa anak natin, at para sa akin.

Partner Stories
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!

READ: An Open letter to my husband’s malanding co-worker

Be sure to check out theAsianparent Community for more insightful stories, questions, and answers from parents and experts alike. If you have any insights, questions or comments regarding the topic, please share them in our Comment box below. Like us on Facebook and follow us on Google+ to stay up-to-date on the latest from theAsianparent.com Philippines!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

theAsianparent Philippines

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Gabay ng Mga Magulang
  • /
  • Sa asawa kong may ibang babae: Alam ko, matagal na
Share:
  • #TAPMomAsks: "Paano 'pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?

    #TAPMomAsks: "Paano 'pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?

  • Paano matuturuan ang iyong anak ng mga gawaing-bahay? Ito ang ilang tips

    Paano matuturuan ang iyong anak ng mga gawaing-bahay? Ito ang ilang tips

  • 11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

    11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

  • #TAPMomAsks: "Paano 'pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?

    #TAPMomAsks: "Paano 'pag nahuli mo ang partner mo na may ka-chat na mga babae sa dating apps?

  • Paano matuturuan ang iyong anak ng mga gawaing-bahay? Ito ang ilang tips

    Paano matuturuan ang iyong anak ng mga gawaing-bahay? Ito ang ilang tips

  • 11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

    11 na hindi dapat sinasabi at ginagawa ng magulang sa kanyang anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.