Nagkagulo ang isang kalsada sa Shishi City sa China nang magkalat ang mga pera dito. Dali-daling tumigil ang mga motorista upang pumulot ng pera. Ang mga pedestrian din ay nagmadaling pumunta sa gitna ng kalsada upang makakuha din. Ang pera ay mula sa isang lalaki na napuno sa sama ng kanyang araw kaya ay nagtapon ng pera.
Nagtapon ng pera na may halagang 735k ang lalaki
Si Huang ay isang 42 taong gulang na lalaki na nakatira at nagta-trabaho sa Shishi City, sa probinsiya ng Fujian. Mula siya sa isang ordinaryong pamilya at hindi ubod ng yaman. Ganunpaman, dala ng isang masamang araw, biglaan itong nagtapon ng pera na nagkakahalagang 100,000 Yuan (nasa P734,949.25) sa kalsada.
Makikita sa video na nakapost sa microblogging social media ng China ang pagmamadali ng mga tao upang makakuha ng pera. Ang mga ito ay nagmadali na makakuha ng mga buong 100 Yuan (P734.95) na nakakalat sa kalsada.
Ngayon ay humihingi ng tulong si Huang sa mga pulis upang mabawi ang perang tinapon. Ayon sa kanya, nadala lamang siya ng bugso ng kanyang damdamin dahil sa problema sa trabaho. Binatikos man ng mga pulis ang kanyang nagawa, nag-anunsiyo ang mga pulis na gawin ang tama at ibalik ang pera. Ilan sa mga perang ito ay nadala na sa mga pulis nuong Martes nang gabi.
De-stress
Normal lamang na makaranas ng stress sa buhay. Subalit, kung sumobra ito, maaaring ma-udyok ang isang tao na gumawa ng isang bagay na pagsisisihan nito. Ang mas masama, maaari rin itong maka-apekto sa kalusugan sa paraan ng pagkakasakit. Upang maiwasan ito, maaaring gawin ang mga sumusunod nang mabawasan ang iyong stress:
- Huminga nang malalim. Ang paghinga ng malalim ay nagdudulot ng dagdag na oxygen sa ating katawan. Dahil dito, maaaring bumagal nervous system at mapakalma ang isang taong nas-stress.
- Kumain ng mood-boosting na mga pagkain. Ang mga pagkain na nakakapagpasaya ng isang tao ay maaaring makapagpabago ng mood nito. Dahil sa seratonin na nakukuha sa mga paboritong pagkain, kakalma at sasaya nang sapat upang bumaba ang stress levels.
- Haplos ng pagmamahal. Ang mga kababaihan ay kilalang natural na nakakarelease ng endorphins mula sa haplos ng kanilang partner. Dahil dito, ang halik o mahigpit na yakap ay magandang panlaban sa hindi magandang araw.
- Maglakad-lakad. Ang paglalakad-lakad ay naglalagay ng kaisipan sa isang meditative na kalagayan. Nakakapag-release ito ng endorphins na nakakapagpababa ng stress-levels.
- Mag-chewing gum. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagnguya ng chewing gum ay nakaka-tulong sa atensyon at pagiging epektibo ng isang tao. Nakita rin na nakakapag dulot ito ng magandang epekto sa anxiety.
- Mag-alaga ng aso. Nakita sa mga pag-aaral na ang pag-aalaga ng mga aso ay nakakapagpababa ng cortisol levels at nakakapagpataas ng hormone na oxytocin.
- Magkaroon ng sapat na tulog. Ang pagkakaroon ng sapat na tulog at pahinga ay nakaka-tulong sa pagkontrol ng mood at pagpuksa ng stress. Ang rekumendadong dami ng oras ng pagtulog ng matatanda ay nasa 8 oras, ngunit masmataas ang kailangan kapag nakakaramdam ng stress.
Subukan ang mga tips na ito bilang panlaban sa mga araw na hindi maganda. Ingatan ang kalusugan at huwag piliin na magtapon ng pera para mawala ang stress.
Basahin din: 5 Paraan para bawasan ang parenting stress
Source: South China Morning Post