Isa sa mga kinakatakutan ng mga mag-asawa ay ang nahuli na nagtatalik ng mga anak. Nagiging maingat tayo at sinisiguradong naka-lock ang mga pintuan o kung ano pa man. Subalit, may mga panahon na nalilimutan maging ma-ingat at nakikita ng bata ang pagtatalik ng mga magulang. Ano ang dapat gawin kapag nangyari ito?
Huwag ipakita na nahihiya ka
Ang sex ay natural na gawain ng mga mag-asawa. Mahalaga ito sa pagsasama at hindi dapat ikahiya. Subalit, hindi ibig sabihin nito ay hayaan lamang makita ng mga anak ang pagtatalik ng mga magulang. Ganunpaman, hindi parin maiwasan na mahiya kapag biglang nahuli na nagtatalik ng anak.
Hangga’t maaari, huwag ipakita na nahihiya sa pangyayari. Sensitibo ang mga bata sa emosyon ng mga magulang. Kung makita nila na ikaw ay nahihiya, mas malaki ang posibilidad na mandiri sila sa kanilang nakita.
Privacy
Ano man ang edad ng mga anak, huwag silang sigawan. Huwag silang pagalitan lalo na kung hindi pa nila naiintindihan ang halaga ng privacy. Kausapin sila nang mahinahon na sa susunod ay kailangan muna nilang kumatok. Iparating sa kanila na kailangan nilang respetuhin ang privacy ng mga magulang.
Ngunit, akuin din ang responsibilidad kapag nakalimutan mag-lock ng pintuan o nalimutang masmaagang makakauwi ang bata. Kung biglang pumasok ang bata sa gitna ng pagtatalik, palabasin sila at sabihan na kailangan muna ng privacy ng mga magulang.
Magsabi ng totoo
Kapag ang bata ay nagtanong kung ano ang kanyang nakita na ginagawa ng mga magulang, sabihin ang totoo. Ipaliwanag na kayo ay nagtatalik at mahalagang bahagi ito sa relasyon ng mag-asawa. Kung hindi pa siya nakaka-usap tungkol dito, magandang pagkakataon ito para simulan ang sex talk.
“Alam ko na weird para sa iyo ang iyong nakita ngunit balang araw ay maiintindihan mo na mabuti para sa mga magulang ang may masiglang sex life.”Gamitin ito bilang pagkakataon para ituro na ang sex ay paraan ng mag-asawa para mag-connect.
Basahin din: STUDY: Gusto ng mas maraming sexy time? Ito ang dapat gawin ni mister
Source: Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!