Tatay, naiwanan ang kambal sa loob ng kotse nang 8 oras

Alamin ang kuwento ng isang kilalang mabuting ama na naiwan nang walong oras sa kotse ang kambal na anak na isang taong gulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mangiyak-ngiyak ang isang ama habang kaniyang inaalala ang kaniyang kambal na sanggol na si Luna at Pheonix na naiwan sa kotse. Nakaligtaan niya ang mga ito nang siya ay pumasok sa kaniyang 8-hour shift na trabaho.

Siya ay kilala na isang mabuting ama sa kaniyang kambal na anak na isang lalaki at isang babae. Nagawa niya pang magsetup ng bouncy castle para sa first birthday party ng mga ito. Binihisan niya pa ang mga ito ng mga cute na kasuotan habang naghahanda ng almusal ang kaniyang asawa.

Ngunit noong Sabado, ika-27 ng Hulyo, si Juan Rodriguez ay humarap sa korte dahil sa pagkamatay ng kaniyang mga anak.

Sa kaniyang panayam sa mga pulis, nalimutan niyang ihatid sa daycare ang mga bata noong Friday. Nalimutan niya rin na sakay niya sila nang pumunta siya sa Bronx hospital kung saan isa siyang social worker.

Walong oras ang makalipas, sila Luna at Pheonix ay nakitaang nagregister ng internal tempetature na 42 degrees nang i-eksamin ang kanilang mga katawan na naiwan sa kotse.

Isa itong trahedya

Hindi mapigilan ni Rodriguez ang pag-iyak sa pagdinig sa kaso sa Bronx Criminal Court sa Amerika.

Ang disabled Iraq war veteran ay suot parin ang damit na suot noong nakaraang Biyernes. Ito ang kaniyang suot sa pag-aalaga sa kaniyang ospital na pinagtratrabahuan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dalawang oras ang makalipas sa pagdinig, siya ay nakalaya matapos magpiyansa ng $100,000. Siya ay yumakap nang mahigpit sa kaniyang asawa na si Melissa.

Si Melissa ay dumalo sa pagdinig nang naka-itim, kasama ang kanilang isa pang anak na 4 na taong gulang.

Paglabas niya, baka hindi niya kayanin ito

Ayon sa mga opisyal, naihatid pa ni Rodriguez ang 4 na taong gulang sa ibang daycare bago malimutan na kasama ang kambal.

Kandong ni Melissa ang bata habang nasa waiting area bago magsimula ang pagdinig. Kasama niya dito ang nasa dalawang dosenang kamag-anak at mga kaibigan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang punto, siya ay umiyak nang malakas at napayakap sa isang babaeng kamag-anak.

Ang ina rin ni Rodriguez na si Cathelina Valerio ay napa-iyak din nang malakas habang sumisigaw ng “Mis nietos!” Tumatawag sa mga apo habang nakayakap din sa isa pang kamag-anak.

Ayon sa kaniya, ang kaniyang ikinakatakot ay paglabas ni Rodriguez, baka hindi niya kayanin ang bigat ng mga pangyayari. Kakailanganin niya ng tulong.

Ito ay masalimuot na dalawang pagkamatay—mga sanggol na magkatabi at walang magawa habang patuloy na umiinit sa loob ng sasakyan. Lalo pang lumalala ang trahedya kapag naaalalang si Rodriguez ay isang mabuting ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano nangyari na ang isang ama na puno ng mga larawan ng mga anak ang social media ay naiwan sa kotse ang mga sanggol na anak?

Ayon sa kanilang kapitbahay na si Tony Caterino, ang nagawa ni Rodriguez ay isang malaking pagkakamali. Ito ang nag-iisang pagkakamaling kaniyang magagawa na aalalahanin niya buong buhay niya.

Naiwan sa kotse

Biyernes nang umaga, ika-26 ng Hulyo, nagmaneho papuntang trabaho si Rodriguez mula sa kaniyang bahay.

Makikita sa mga video na 8:22 nang umaga nang siya ay pumarada sa parking lot ng ospital. Siya ay nakabalik isang minuto bago mag-alas kwatro nang hapon. Inistart ni Rodriguez ang makina at sinimulang magmaneho pauwi. 10 minuto ang makalipas, itinabi niya ang sasakyan sa Kingsbridge Terrace sa The Bronx. Dito siya nagsimulang magsisigaw na naiwan niya sa kotse ang kaniyang mga anak.

Marami ang nakakita sa reaksyon ni Rodriguez sa kaniyang pagkakamali. Tumawag ang mga ito ng 911 ngunit ang mga medics na dumating ay hindi na nailigtas ang mga bata at inanunsyo nang dead at the scene ang mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang kaibigan ng pamilya na si Temple Barros na kasama nila sa bahay ay nagbigay ng panayam. Nagsabi ito na laging hinahatid ni Rodriguez ang mga kambal sa daycare tuwing umaga.

Maiiwan sa daycare ang kambal habang nasa ospital si Rodriguez at si Melissa naman ay nagtatatrabaho din.

At kahit hindi nakita ni Barros si Rodriguez nuong biyernes nang umaga, ang ama ang nagsakay sa mga ito sa carseat.

Idinagdag ni Caterino na mabuting ama si Rodriguez. Lagi niyang nilalaro ang mga ito at nagcamping pa sa bakuran nuong nakaraang linggo. Lagi rin siyang nakikipaglaro sa dalawang masmatandang anak mula sa dating asawa.

Ayon naman sa isa pang kapitbahay na si Paul Barlett, hindi siya makapaniwala sa mga pangyayari. Walang sino man sa kanilang komunidad ang makapaniwala sa mga nangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Forgotten Baby Syndrome

  • Ayon sa Kidsafe, taon-taon, nasa 5,000 bata ang naililigtas na naiiwan nang walang kasama.
  • Habang may mga paalala sa mga magulang na nasa carseat ang anak, may mga mas simpleng paraan.
  • Ang pag-iwan ng mga mobile phones o bag sa tabi ng carseat ay isang epektibong paraan para hindi malimutan ang mga anak.
  • Ayon sa presidente ng KidsandCars.org na si Jannette Fennell sa panayam sa ABC News, ang pinakamalaking pagkakamali ng mga magulang ay ang pag-iisip na hindi ito mangyayari sa kanila.

 

Republished and translated with permission from KidSpot: Dad who accidentally left his twins in the car described as ‘amazing’ father

Basahin: 2-taong gulang na bata naiwan sa loob ng kotseng hindi naka-handbrake