X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Libreng bakuna para sa nakakahawang tigdas, sagot ng DOH, WHO at UNICEF

4 min read
Libreng bakuna para sa nakakahawang tigdas, sagot ng DOH, WHO at UNICEF

Natatakot ka ba na mahawaan ang iyong anak ng nakakahawa na sakit na katulad ng tigdas? Alamin ang mga sintomas ng tigdas at ibang kaalaman tungkol rito.

Natatakot ka ba na mahawaan ang iyong anak ng nakakahawa na sakit na katulad ng tigdas? Alamin ang mga sintomas ng tigdas at kung kailan maaaring bakunahan ang iyong anak.

Naglabas ng isang pahayag ang DOH nitong Setyembre 17 patungkol sa isasagawa nitong programa kasama ang World Health Organization (WHO) at United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF). Ang programa’y tungkol sa isasagawang kampanya upang labanan ang pagkalat ng tigdas sa Pilipinas.

Libreng bakuna para sa nakakahawang tigdas, sagot ng DOH, WHO at UNICEF

Image from Baby photo created by jcomp – www.freepik.com

Magsisimula umano ang programa sa darating na Oktubre 26. Tinatayang 2.4 milyong mga bata ang mula 5-anyos pababa ang sinisipat na maabutan ng programa para sa libreng bakuna sa tigdas at polio.

Mahalaga umano na maprotekhan ang mga bata ng bakuna laban sa mga nakakahawa, nakakapinsala, at nakakamatay na sakit na ito.

“Despite the COVID-19 pandemic, a high-quality immunization campaign is urgently needed to stop measles transmission and possible outbreaks. We encourage parents and caregivers to have their children immunized. The measles vaccine is safe, effective and free. To protect against COVID-19 infections, all health care workers have been trained and provided with Personal Protective Equipment,” ayon kay Secretary Francisco Duque.

Hindi dapat ipag-alala ng mga magulang ang bakunang ito dahil matagal na itong napatunayang ligtas. Nitong Agosto lamang ay aabot sa 3,500 ang naulat na nagkaroon ng tigdas at 36 dito ang namatay. Ang kadalasang nagkakaroon nito ay mga batang 5-anyos baba.

Kaya naman huwag matakot mga mommy at daddy at agad na pabakunahan ang inyong mga anak laban sa Tigdas at Polio

 

Ano ba ang Tigdas?

Libreng bakuna para sa nakakahawang tigdas, sagot ng DOH, WHO at UNICEF

Image from shutterstock

Ito’y isang malalang respiratory disease na dahilan nang pagkakaroon mataas na lagnat, maliit at mapupulang pantal sa balat, o sa buong katawan. Nakakahawa ito lalo na sa mga bata, at ang pinakamalala ang tigdas ay nakakamatay kung hindi ito naagapan agad.

Ang tigdas ay nakakahawang sakit na puwedeng makuha ng iyong anak sa hangin. Ang virus na ito ay maaaring manatili sa isang lugar (hangin) ng 2 oras. Maaaring hindi mo pa alaman na ikaw o ang iyong anak ay nahawaan na ng tigdas. Hindi kasi agad-agad ito nagpapakita ng sintomas.

Kaya naman nirerekomenda na kapag bagong silang pa lamang ang inyong anak at wala pang bakuna. Huwag muna itong dalhin sa mga matataong lugar.

 

Sintomas ng tigdas sa bata

Nagsisimula ito sa mataas na lagnat, kinalaunan ay magkakaroon ng ubo, sipon, pamumula ng matas at pagkalat ng mga pantal na maliliit sa buong katawan. Maaaring humantong din ito sa diarrhea at impeksyon sa tenga.

Mas delikado ang tigdas sa mg sanggol at bata. Sapagkat mataas ang tiyansa na ikamatay nila ito. Kaya naman kapag nakaramdam ng mga sintomas ng tigdas o nakitaan ang inyong anak ng mga sintomas nito. Agad na tumakbo sa inyong pinagkakatiwalaang doktor. Upang masuri at magamot agad ang inyong anak

nakakahawa-ba-ang-tigdas

Image from shutterstock

Ang tigdas din ay nagiging sanhi ng iba pang kumplikasyon tulad ng pneumonia, panghabambuhay na brain damage, pagkabingi at pagkamatay. Ang iba naman ay nagkakaroon ng pamamaga sa utak o encephalitis, at nagiging sanhi ito ng kombulsyon at mental retardation.

Subalit kapag nabakunahan ng inyong mga anak ng bakuna laban sa tigdas ayon sa mga eksperto. Baba ang tiyansa o mawawala ang tiyansa ng pagkakaroon ng tigdas ng iyong anak. Siguradong mapoprotektahan sila ng bakuna laban sa mapinsalang sakit na ito.

 

Ano bakuna laban sa tigdas?

nakakahawa-ba-ang-tigdas

Image from Baby photo created by jcomp – www.freepik.com

Tinatawag na MMR ang bakuna laban sa tigdas, mumps at rubella. Ito ang bakunangg magpoprotekta sa inyong mga anak laban sa nakakahawa at mapinsalang tigdas. Mapoprotektahan din ang inyong anak sa mga mas Malala pang mga sakit katulad ng mumps at rubella.

Libre ang mga bakunang ito sa Pilipinas lalo na sa mga sanggol 9 hanggang 12 buwang gulang. Kaya ngayong Oktubre sa isasagawang libreng bakuna ng DOH laban sa tigdas ay huwag nang magdalawang isip na pabakunahan ang inyong mga anak laban sa tigdas.

Partner Stories
Therapy at Home and its Benefits
Therapy at Home and its Benefits
Experience It Best: Roar Into Action at Ayala Malls' A-Giant Screen Cinema
Experience It Best: Roar Into Action at Ayala Malls' A-Giant Screen Cinema
Don’t let Covid-19 stop your spark: Develop your creativity this International Artist Day
Don’t let Covid-19 stop your spark: Develop your creativity this International Artist Day
Are you at risk of overparenting your child?
Are you at risk of overparenting your child?

Kung ayaw niyo naman sa mga health centers ay pumunta kayo sa pinagkakatiwalaan niyong pedia ng inyong anak.

 

SOURCE:

Department of Health (DOH)

BASAHIN:

STUDY: Tigdas, may pangmatagalang epekto sa immune system kahit gumaling na

STUDY: Bakuna sa tigdas (MMR), hindi nagdudulot ng autism

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Libreng bakuna para sa nakakahawang tigdas, sagot ng DOH, WHO at UNICEF
Share:
  • Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

    Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

  • STUDY: Tigdas, may pangmatagalang epekto sa immune system kahit gumaling na

    STUDY: Tigdas, may pangmatagalang epekto sa immune system kahit gumaling na

  • 5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

    5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

    Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

  • STUDY: Tigdas, may pangmatagalang epekto sa immune system kahit gumaling na

    STUDY: Tigdas, may pangmatagalang epekto sa immune system kahit gumaling na

  • 5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

    5 signs na masyado mong nahihigpitan ang iyong anak

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.