5 rason kung bakit parating pagod ang mga nanay

For sure mommy, makakarelate ka!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakapagod maging nanay! Working mom ka man o full-time nanay siguradong sasang-ayon ka rito. Sa katunayan, may isang pag-aaral ang nakapagsabi na ito ay totoo. Ayon nga sa mga pag-aaral, narito ang mga rason kung bakit laging pagod ang mga nanay.

Image from Freepik

Mas nakakapagod maging nanay kaysa maging tatay

Ayon sa isang 2010 American survey na isinagawa sa 4,800 parents na may anak na edad 18-anyos pababa, mas nakakapagod maging nanay kaysa maging tatay ng tahanan. Ito ay dahil mas marami umanong ginagawa ang mga ina kaysa sa mga ama. Ito’y kahit na ba isa siyang working mom o full-time housewife sa bahay.

1. Mas maraming inilalaan ng oras ang mga nanay sa gawaing bahay

Base sa pag-aaral na isinagawa ng Pew Research Center, mas maraming inilalaan na oras ang mga ina sa mga gawaing bahay. Lalo na pagdating sa pag-aalaga o pagbibigay ng pangangailangan ng kanilang anak.

Isang paliwanag ng pag-aaral rito ay dahil nakikita ng mga ina na very meaningful ang trabaho o functions nila bilang ilaw ng tahanan. Kaya naman kahit nagtratrabaho ay binibigyan pa rin nila ng oras ang paggawa sa gawaing bahay na pinaniniwalaan din ng maraming babae na responsibilidad nila at hindi ng kanilang lalaking asawa.

Ako bilang isang working mom ay nakakarelate rito. Dahil kahit pa nakakapagod ang ang buong araw ko sa trabaho, pag-uwi ko sa bahay ay hindi ako mapipigilang kumilos at tanungin ang kailangan ng mga anak ko. Dahil naniniwala ako, na bilang isang ina ang pagsisilbi sa kanila ay ang papel na dapat ginagampanan ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

2. Fulfilling para sa mga nanay na mapagsilbihan ang kanilang mga pamilya.

Mula pa rin sa pag-aaral, hindi kayang palampasin ng mga nanay ang pag-aalaga o pag-aasikaso sa kanilang mga anak. Ito’y dahil nagbibigay umano ng ibang kaligayan o fulfillment sa kanila na masigurong nasa maayos na kalagayan o naalagaan ng mabuti ang mga anak nila. Ganoon din ang kanilang mga asawa.

Ito’y totoo. Dahil bilang ilaw ng tahanan wala ng mas sasaya pa na makitang may liwanag at masaya ang mukha ng ating pamilya. Kaya naman kahit pagod na tayo ay mas pinipili nating pagsilbihan sila kaysa magpahinga.

3. Laging hypervigilant tayong mga ina

Ayon naman sa isang scientific theory, nakakapagod maging nanay dahil mas hypervigilant ang mga babae. Ibig sabihin ay mas maalalahanin o mas praning tayo sa mga puwedeng mangyari. Lalo na sa ating mga anak na lagi nating iniisip na baka madisgrasya o magkasakit sa kaniyang ginagawa. Ang resulta nito gumagawa tayo ng mga extra activities para masiguro ang kanilang kaligtasan. Tulad ng pagchichild-proof ng ating bahay. O kaya naman hindi tayo makatulog o mas nagiging sensitive sa ating paligid kapag may nararamdaman ang ating anak. Ang labis na pag-iisip na ito ay dumadagdag pa sa pisikal na pagod na nararamdaman ng ating katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

4. Mas less ang oras natin para sa ating sarili at magpahinga

Totoo ito para sa mga full-time housewife at sa mga working mom. Dahil kapag nasa bahay ka mauubos na ang oras mo sa mga gawaing bahay mula umaga hanggang gabi. Ang tanging break mo lang minsan ay magbanyo na minsan para sa mga ibang mommy ay hindi pa possible. Dahil sa maliliit na anak na hindi kayang mawala sa kanilang paningin ang kanilang mommy. O kaya naman dahil sa takot ng mga mommy na kapag naiwan nilang walang bantay ang kanilang anak ay baka may gawin itong maaring ikapahamak niya.

Para naman sa mga working mom na tulad ko na pumapasok na 9-5 araw-araw, ay mas kakaonti ang natitirang oras ko para sa aking sarili. Dahil ang buong araw ko ay ubos na sa paggawa ng aking trabaho at pakikihalubilo sa ibang tao. Habang ang ibang oras ko ay mas gusto kong gamitin bilang quality time sa aking mga anak. Ang resulta mas kakaunti ang natitirang oras ko para magpahinga at i-pamper ang sarili ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

5. Tayong mga nanay ang best multitasker sa lahat

Ito ang katangian na tinataglay ng lahat ng inang maybahay. Tulad ko, kaya kong magsulat habang binabantayan ang dalawang makukulit na mga anak ko. O kaya naman ay kaya kong magluto habang naglalampaso. Hindi ko sinasayang ang anumang oras na maaari kong gawin ang mga gawaing-bahay at iba pang bagay ng sabay. Dahil bilang isang ina na nagtratrabaho ay mahalaga ang oras ko. Kaya naman ang resulta, mas marami akong napu-fulfill na task sa isang araw. Bagama’t kakaunti ang oras ko magpahinga at nakakapagod ang araw ko.

Panigurado, bilang isang ina ay may mga karanasan din kayong maiiugnay sa mga dahilan kung bakit mas nakakapagod maging nanay. Pero dapat ay bigyan o paglaanan pa rin natin ang ating sarili ng oras para magpahinga. Sapagkat kapag tayo ay labis na napagod at nagkasakit, sino na ang gagawa ng ating tungkulin? Sino na ang mag-aalaga at mag-aasikaso sa ating pamilya. Kaya mommy, huwag mong kalimutang magpahinga at siyempre magpaganda!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Seattle Times

BASAHIN:

Mom Confession: “Naiinggit ako sa ibang nanay na madali sa kanila ang pagbubuntis at panganganak”

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement